Suez Canal Transit

One Last Passage Before Home

20141029_084100Our vessel during the northbound transit

   This is it.

      This is the time when the real countdown to home should begin. January next year would be a very busy month for us. Our ship is scheduled for dry dock in Qatar during that time. Luckily, we won’t be on board when everyone is dissecting the vessel, when everyone is changing her spare parts or painting and greasing some of her machineries, which, is actually the goal of this dry dock thing.

      Last night, our Croatian third officer showed us the updated schedule of our disembarkation next month. According to the email, our disembarkation which is supposedly on the third week of January was rescheduled on the first week (yay!). Imagine the excitement of my crewmates when they received the news. Still, we have to bear in mind that it could be changed, unless we already have our plane tickets or unless our relievers start knocking on our cabin doors.

eml1A rare shot of our vessel in the canal. See those five domes? I sometimes imagine them as giant dumplings, only stuffed with LNG.

      Anyway, this blog post is not about our impending goodbyes to our floating home and workplace. I actually want to write something about a well known canal in Egypt, the Suez Canal. We will be transiting there on the twelfth of December and that would be my last canal passing for this voyage. And with that transit, I guess that would mark the beginning of my countdown.

DSC00326One of the prominent structures in the southern entrance of the canal is this building, the Badr Mosque.

      So, let’s try to have a closer look to the history, geographical location and relevance of the Canal, and of course, some of my moments during the transits.

      Basically, the canal was built to connect the Red Sea and Mediterranean Sea. But during the old times, canals that were dug from east to west connect the two seas through the branches of the Nile river. It is said that this concept dated since the time when pharaohs ruled Egypt and not until 1799 when the first efforts were made to build a modern canal from the Egypt expedition of Napoleon Bonaparte. Bonaparte believed that such canal would inflict trading dilemmas to the English, specially when the French take hold of the shortest route to the east. (Nice one, Mr. Bonaparte).

      It is only in the mid-1800 when a successful attempt was made by Ferdinand de Lesseps, a French diplomat and engineer to build a canal when he managed to gain support from Said Pasha, the Egyptian viceroy, for the project. Thus, in 1858, the "Compagnie Universelle du Canal Maritime de Suez" (Universal Suez Ship Canal Company) was formed to start the  construction of the canal and become the authority for its operation.Since then, the company was owned by Egyptian and French interests, but the ownership would be taken over by the Egyptian government after 99 years.

      The actual building of the canal began on April 25, 1859. On November 17, 1869, it was opened for ships that will be transiting between the Red and Mediterranean Seas. The canal was closed for five times mainly because of conflicts and other political reasons. However, it was reopened for navigation on June 5, 1975.


          You might wonder about the total length of the canal. Well, it extends from end to end a total of 101 miles (162 km), and the average time for passage, usually by convoy (2 southbound and 1 northbound daily, maximum 40 ships per convoy except the 2nd southbound has a maximum of 15 vessels)  is 14 hours for the southbound and 10 hours for the northbound. I find it surprising that almost every Egyptian mooring men that I met know about the Suez Canal facts and figures, such as these.

      The northern or Mediterranean entrance of the canal is situated at Port Said and the southern or Red Sea entrance is at Port Tewfik. During the beginning and the end of the transit, these two ports are the prominent and busy areas on both ends of the canal. The canal also cuts through three inland lakes namely, Lake Timsah, the Great Bitter Lake and the Little Bitter Lake.

DSC03437Ships usually anchor for few hours inside the Bitter Lakes during the southbound transit. I just can’t help but wonder why these two inland lakes were named ‘bitter.’

      Transiting northbound, you can see lush greeneries and residential areas on the western side. On the eastern side however, sand dunes and hills extend farther north. You might also be able to see trucks and other heavy duty vehicles on the eastern side. One mooring man told me that a project is ongoing to widen and deepen the canal to accommodate more vessels per day.

DSC031427Naks. That was me while we were on the Great Bitter Lake anchorage.

      During the canal passage, we are either on duty doing hand steering on the bridge or having our rest for the day until our watch time. Though we don’t have all the time to do sightseeing, we still manage to catch a glimpse of what life is like on the canal. From time to time, you can see small barges crossing the canal from one side to the other and some fishing boats drifting for hours especially inside the lakes. We are also able to buy some Egyptian handmade souvenirs, even if we are not leaving the ship, since mooring men that come onboard sell various items ranging from figurines to cheap electronic devices.

DSC00533Mooring men usually bring with them some items that you can buy depending on agreed prices. So every time they come on board, we show them the Pinoy ‘tawad’ skills.

      With the strategic location of the Suez Canal, it plays an important role in trading, much more in the maritime industry. Almost 8% of the world’s sea trade takes place on the canal. And since it practically provides shortcut route from east to west, it thus enable vessels passing through it that carry cargoes to different parts of the world to save both time and money.

      I find it funny that the concept of the modern-day Suez Canal started with the whim of giving problems to other people. Nevertheless, this man-made waterway has gone through time and became witness of some of the world’s historical events . Today, it continues to provide efficient route to connect east from west, a feat made possible by minds from the past.

      So where am I again?

      Okay. Let me begin my countdown.

DSC00302Our ship approaching the southern entrance. Few minutes of steering and we are out to the Red Sea.


Sources: Lloyd’s Maritime Atlas of World Ports and Shipping Places, 27th Edition

             Suez Canal Authority (2008). The Canal. Canal History. Retrieved January 10, 2014, from the SCA website:

              Amanda Briney (2014). Suez Canal Connects the Red Sea with the Mediterranean Sea. Retrieved January 10, 2014, from website:

Photos: Courtesy of my crewmates Jasper and Lei Ming

All is Swell

      Nagsimula akong bumangon mula sa aking higaan. Alas tres kwarenta na ng madaling araw. Ilang minuto nalang at papanhik na ulit ako sa bridge upang mag-duty. Naghikab, iniunat ang mga braso. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil na rin siguro sa madalas na paggulong ko sa higaan. Matatanggap ko pa na ako ang may kasalanan sa pagkapuyat ko kung ako mismo ang gumagalaw habang sinusubukan na makaidlip subalit hindi iyon ang nangyari. Dahil sa paggalaw ng barko, anuman ang pilit ko na makatulog ng maaga, ang pagbangon ko nang umagang iyon ay dala na lamang ng pag-iisip na kailangan kong magtrabaho, bagaman ang katawan ko ay nagpupumilit na mamaluktot sa hinihigaan ko. Dinilat ko na ang aking mga mata at binuksan ang ilaw sa gawing ulunan ko.


      Powtek. Ang hirap kapag ganito ang panahon. Hindi naman talaga bumabagyo sa rutang dinaraanan namin dito sa Mediterranean. Marahil ay dala lang ito ng papalapit na taglamig, na damang-dama na rin namin dahil sa pagbaba ng temperatura sa loob at labas ng akomodasyon. Sa kabila ng kagustuhan ng katawan ko na muling mamaluktot, inipon ko ang lahat ng aking lakas upang labanan iyon. Tumayo ako at dumeretso sa CR, binasa ang mukha at nanalamin. Maga na talaga ang mga mata ko at halata dahil sa mga namimintog kong mga eyebags.

      Matapos iyon ay isinuot ko na ang aking boiler suit. Medyo sumikip na rin dahil siguro sa madalas na paggamit ko ng dryer. O dahil nadagdagan na naman ng ilang kilo ang timbang ko, Sa lahat ng bagay kasi bakit kaya ang pag-adjust ng timbang ang napakahirap? Nagumpisa na sana akong mag-gym nitong nakaraang buwan subalit nahinto na naman ngayong Nobyembre. At kahit na isang kapat na tasa nalang ng kanin ang kinakain ko, nadadagdagan pa rin ang timbang ko.

      Alas tres singkwenta y singko na. Dali-dali akong pumunta sa elevator at pinindot ang button paakyat  sa bridge. Pagdating ko doon, mas ramdam ang galaw ng barko dahil sa swell. Katulad ng lagi naming ginagawa bago matapos ang oras ng paggwardiya ng papalitan ko, nagkwentuhan muna kami ng ilang minuto. Konting balita tungkol sa susunod na pwerto, konting tsimis tungkol sa ilang kasamahan namin sa barko. Wala namang ibang barko sa malapit, madilim at natatabunan ng mga ulap ang buwan at mas lalong lumaki ang mga swell ngayong umaga ang dinagdag niya sa mga sinabi niya bago siya umalis. Naiwan akong kasama ang primero opisyal na Romanian na hindi ko man lang makakwentuhan. Naiwan akong nakatanaw sa malayo, nagbabakasakaling may makitang target subalit lumipas lang ang oras na walang sumusulpot na ilaw at sinisikap na maiaayos ang sarili sa pagkakatayo dahil sa patuloy na paggalaw ng barko.


      Sa mga ganitong sitwasyon maraming pumapasok sa utak ko. Marami akong naaalala, naiisip na mga bagay na hindi ko na dapat iniisip. Katulad na lang ng nangyari sa Barcelona. Masaya ako nang lumabas ng gabing naroon ako, kahit na napagod kami dahil sa dami ng provision na kailangan hakutin at dalhin sa loob ng akomodasyon. Subalit bumalik ako sa barko na mabigat ang loob, nakokonsensya. Marahil may mga bagay na mas mabuting hinding gawin. Ilang araw din iyong bumagabag sa akin. Sinusubukan kong isulat nitong nakaraang araw ngunit hindi ko pa magawa.  Sa tingin ko darating din ang araw na magagawa ko. Mabuti na lang din at nakausap ko ang matalik kong kaibigan tungkol doon. Anuman ang nangyari, mas mahalagang nakaikot ako ng ilang oras sa lugar na noon ko pa pangarap na marating.

      Naalala ko bigla na nagsimula na pa lang mag-ayos para sa Pasko ang mga kasamahan ko kagabi. Nag-aalala ako na baka natumba na ang Christmas Tree na inayos nila sa recreation room. Nakakatuwa rin palang isipin na kahit magkakaiba kami ng ugali, nagkakaroon ng di pagkakaintindihan at minsan sitahan, may mga pagkakataon pa ring payapa at nagkakaisa kami. Natawa na lang din ako sa naging resulta ng paglalagay nila ng dekorasyon sa recreation room. Nagmistula itong cabaret tulad nga ng sinabi ng isa kong kasamahan dahil sa dami ng nakasabit sa kisame.


      Hindi na ako nagbigay pa ng anumang komento nang sinabi iyon ng kasama ko. Nakakahiya naman na hindi na nga ako tumulong sa pagaayos, may sasabihin pa akong kung ano sa naging itsura ng recreation room. Ang mahalaga, maaga pa ay ramdam na ng mga tao sa barko ang diwa ng Pasko.

      Bigla akong tinawag ni primero. I-check ko daw gamit ang largabista kung ano ang nasa pabor dahil may target na nakikita sa radar. Agad naman akong tumalima, at nakita ko nga na may barko kaming makakasalubong. Sinabi ko iyon sa kaniya at pagkatapos ay bumalik sa pwesto ko kanina at muling nagmunimuni.

      Kailangan ko palang magtipid pa para sa mga plano kong gawin sa pag-uwi ko sa susunod na taon. Gusto kong mapuntahan ang ilan sa mga magagandang lugar sa probinsiya namin at niyaya rin ako ng mga kabatch ko sa kani-kanilang mga lugar. Magiging limitado lang ang free time ko kapag nasa Pilipinas na ako kaya mas mabuti na sigurong maaga pa lang ay gumawa na ako ng schedule sa mga gagawin ko pag-uwi.


      Natutuwa ako sa kakaisip ng mga nabili kong souvenir sa Barcelona at Suez. May mga nabili na rin akong souvenir nitong nakaraang taon kaya malamang ay ipampapasalubong ko nalang ang ilan sa mga nabili ko ngayon. Hindi ko alam pero nasisiyahan akong magbigay sa mga kaibigan ko. Nakakatuwa lalo na kung alam mong pinapahalagahan nila ang binibigay mo.


      Sandamakmak na namang training ang kailangan kong kunin pag-uwi. Mag-aayos ng ilang papeles at dokumento. Buwis buhay na pag-ikot sa Metro Manila sa pagaasikaso ng mga iyon. Sa paulit-ulit na paggawa noon, halos nasanay na rin ako. Excited na rin akong bumalik sa Cavite para sa ilang training. Baka imbitahin ulit kaming magbigay ng talumpati para sa mga bagong kadete sa Institute.

       Lumilipad nga talaga ang isip ko habang nakatayo sa bridge at hinihintay na matapos ang oras ng duty ko. Hindi lang iyon ang mga naiisip ko, kundi marami pa sa loob ng apat na oras. Habang nakatanaw ako sa malayo, napangiti ako sa mga maaaring mangyari sa paguwi ko. Maalon pa rin ang dagat. Patuloy pa rin kaming dinuduyan at hindi ko alam kung kailan magtatapos iyon at magiging kalamado ang dagat. Mamaya bababa nanaman ako, magtatanong kay bokyo kung ano pa ang gagawin sa araw na ito, magpapahinga at babalik na naman sa duty mamayang alas kwatro. Paulit-ulit lang ang routine sa bawat buwan, minsan may mga mabibigat na trabaho o nakakapagod na operasyon, ngunit lilipas lang din iyon. Katulad ng swell na dumuduyan sa amin ngayon, bukas o sa makalawa, mawawala at lilipas din ng hindi namin namamalayan.

Virginity Blues

      “Noy, virgin ka pa ba?”

      Dyahe ang tanong na yan. Sa bawat kontrata ng pagsakay ko sa barko hindi maalis-alis ang tanong na iyan. Porke ba bata pa ako at ilang beses pa lang ako nakasampa kailangan na akong paulanan ng mga tanong na may kinalaman sa mga ganyan? Minsan nakakainis na lang ang paulit-ulit na pagtatanong nila kahit na sinasagot ko naman ang mga iyon. Napapatanong din tuloy ako kung ang anumang pangyayaring may kinalaman sa virginity (ko) ay may malaking epekto ba sa pangaraw-araw nilang buhay. O kailangan lang talaga nilang maging updated dahil isang giant leap for mankind iyon, sakaling hindi na nga ako virgin.

      Noon pa man inihanda ko na ang sarili ko sa mga ganung tanong. Sasagutin ko sila. Sasabihin ko kung ano ang totoo para wala nang mahabang usapan. Pero sa halip na tumigil lang sa sagot ko sa tanong nila, mas lalo pa akong inuusisa. Mas marami pang mga follow-up questions. Mas lalo pa silang naiintriga. Hindi ko rin minsan maiwasan na maalaska.

      Kung iisipin hindi naman malaking bagay iyon. Ang pagtatanong at pang-aalaska nila. Kaya ko namang harapin ang bawat salitang binibitawan nila. Ang nakakainis lang talaga ay ang paulit-ulit na pagbanggit nila tungkol doon. Nakakarindi. Nakakakulili sa tainga.

      Katulad ng isang beses na nakasama ko ang isang crewmate sa trabaho. Dahil siguro wala ng maisip na mapag-uusapan, binuksan na naman niya ang topic na may kinalaman sa tanong sa taas. Na sa pagkakaalala ko, napag-usapan naman nung nakaraang araw. Habang pinipilit ko na magpokus sa ginagawa ko, nakaramdam lang tuloy ako na kailangan kong sagutin ang tanong niya. At dahil mas matanda siya sa akin, sinisikap ko na magpakita ng respeto hangga’t maaari.

      Sa simula tinanong niya ako kung virgin pa daw ba ako. Sinagot ko naman ng matipid na “oo”. Hindi daw siya naniniwala, kaya inulit ko ang sagot ko. Kung nakahawak man lang ba ako ng ano, dagdag niya. Sinagot ko ng hindi pa talaga. Ang hina ko raw. Mahina saan? Sa isip-isip ko. Sunod niyang tanong ay kung may girlfriend daw ba ako. Sinabi kong wala. Huling girlfriend ko two years ago. May pagkapilosopo na ang huling tanong niya: kung lalaki daw ba talaga ako.

      Great. Just when I thought Neanderthals died 40,000 years ago, here I am talking to one. Anyare? Panong nakasurvive? Gusto ko sanang sabihin sa kanya na why not go back to your cave and shut yourself to promote World Peace?

      Siyempre naman, sagot ko. Dinaan ko na lang din sa tawa ang pagkainis. Iniisip ko na kailangan mo bang gumawa ng mga bagay-bagay, maging ‘normal’ sa mata ng iba para may mapatunayan ka? Sa sarili kong pananaw, hindi. Hindi ko kailangang gawin ang labag sa paniniwala ko o ipilit ang sarili ko sa pagkakaroon ng relasyon upang patunayan na ganap na seaman ako o lalaki ako. Ang lagi kong isinasaisip, may tamang panahon para sa mga bagay-bagay at mas kilala ko at hindi ng ibang tao ang sarili ko.

      Nakakalungkot lang isipin na hindi lang isa o dalawang kaso ng pagkakahon ang ginagawa ng ilan sa kanilang kapwa. Hindi lang ako ngunit mayroong iba pa ang minamata dahil sa mga pinipili nilang gawin sa buhay nila. Na kung wala ka pang karanasan sa seks (sa ganitong edad), olats ka. Na kung olats ka nga, hindi ka nila kikilalaning kabilang sa grupong binigyan na nila ng standard sa lipunan. Plus points pa nga daw kung lalaki ka at may experience o naka-experience ka na. The measure of masculinity daw. The hell. Kung sinuman ang nagpasimula ng ganitong kaisipan, congrats. You can now die a slow and gruesome death. De, joke lang.

      Tawagin na akong demure, old school, sissy, korni, cheesy o kung ano pa man sa sasabihin ko, pero hindi ba’t di hamak na mas exciting ang intimate moments when shared with someone you love, at alam mong siya na nga talaga ang makakasama mo habambuhay? Minsan natatawa ako sa sarili ko dahil sa pagkakaalam ko, madalas na mga babae lang ang may malaking pagpapahalaga sa mga love and intimacy things na yan, at nararamdaman ko na mahalaga rin sa akin ang ganung mga bagay. Siguro dahil lumaki ako sa pangaral at natutong panghawakan ang prinsipyo ko sa buhay, pati na ang pagsisikap na magkaroon ng mataas na standard of morality.

      Kung virgin pa ba kamo ako? Oo ang sinasagot ko. Mas mabuti nang magsabi ng totoo kesa takpan ang sarili ko may mapatunayan lang sa ibang tao. Sa lipunang tumitingin hindi sa kabuuan ngunit sa isang bahagi lang ng pagkatao, mahalagang magkaroon ng kumpiyansa sa sarili at paniniwalang hindi nagpapatinag sa sistemang gawa ng mga mapangmatang tao. Inaasahan ko pa rin na sa mga susunod pang kontrata, makukulili at maririndi ako. Sige lang. Immune naman na ako.

Pasencia atbp.



       Minsan nagigising na lang akong badtrip. Napapa-what da hell sa tuwing ididilat ko ang aking mga mata, naiinis with no apparent reason, basta, plain badtrip. Minsan naman naitatanong ko sa sarili, what the hell am I doing here? Why am I here? At susunod na ang feeling of emptiness, yung para bang may kulang sa buhay ko at nababadtrip ako dahil hindi ko alam kung ano. Epekto na rin siguro ng bagbaba ng morale ko dahil sa masyadong mahabang panahon ng pananatili sa lugar na limitado lang ang pwedeng galawan, sabayan pa ng mga kasamang kailangang pagtuunan ng napakahabang pasensya. Hindi rin nakakatulong ang makitang umuwi na ang ibang kasamahan mo dahil tapos na ang kontrata nila, mas nakakapagdulot lang ng pangungulila at pagiisip na mahabang panahon pa ang kailangan mong bunuin bago ka makauwi.

      Pasalamat na lang din ako ngayon dahil kahit papaano, nada-divert ang isip ko sa ibang mga bagay. Ang study routine namin ni Jan, ang pag-immerse ko sa wikang Espanyol thru Rosetta Stone, at ang pagsusulat ng kung anu-anong maisip tulad nito kapag wala ng duty o wala ng ibang magawa. Nakakastress na din kase ang makinig sa mga usapan ng kasamahan mo na tungkol kay ganito o kay ganyan at kay kung sino pang Poncio Pilato. Minsan gusto ko na silang sabihan ng, “What the hell is our business with those people? Guys, masyado na tayong makatao!”


      Ilang linggo ko na ring nakakasama si Third Mate. Noong una masyadong tahimik sa bridge kung kaming dalawa lang ang nakaduty at walang ibang umaakyat. Ngayon puro kwentuhan na. Mahilig na rin siyang maging pisikal. Dati, he would bump his fist sa braso ko. Kagabi kinurot niya ang dibdib ko. Nice one. Eh kung kurutin din kaya kita? sa isip-isip ko. But no. Hindi pwede ang ganun. Masasabihan ko na lang siya ng, Sir, I am not a stress ball. I repeat, I am not a stress ball.


      Kamakailan in-add ako ni ex sa FB *kinilig kunwari*. Great. After almost three years na brineak-up mo ako i-aadd mo ako ngayon? Are you giving me a hint na may pag-asa na muling maging tayo? Pumunta ako sa Timeline niya upang makita kung ano ang latest sa kanya. Darn. May boyfriend siya at senior ko pa.

      Okay. *click confirm*

      Hindi naman ako acrimonious.


      Nahihiya na ako kay Jan dahil ilang araw nang wala kaming discussions dahil sa schedule ng duty ko. Hindi rin ako makapagtype ng mga modules dahil minsan tinatamad na rin ako. Nung nakaraang buwan kasi, dahil hindi naman kami talaga makakapagdiscuss ng mga subjects na pinagaaralan namin, mag-eexchange modules na lang kami. Yun nga lang, tambak na ang modules at exercises na binigay niya sa akin na di ko pa nababasa at nasasagutan at may mga babayarang modules pa ako sa kanya. Hay. Kailangan ko na talagang ayusin ang oras ko at labanan ang procrastination.


      Ninety days na lang at bababa na kami ng barko. Pakiramdam ko one thousand years pa iyon. Humahaba ang panahon dahil sa mga kupal na opisyal at mga mahahangin naming kasama. Mabuti na lang may baon akong Pasencia, pero paubos na. Sana pala marami-rami ang binaon ko bago ako sumampa. Mga sampung sako siguro, pwede na.

Huling Gabi sa Room 107 Part 2

      Hinawakan ko ang doorknob upang buksan ang pinto at makita kung sino ang nasa likod nito. Sumilip ng bahagya sa siwang.  Madilim sa alleway subalit naaaninag ko pa rin ang hugis ng tao na unti-unting lumapit sa akin.


      Napansin na rin siguro ako ng taong kanina pa nagtatago sa likod ng pinto, at inunahan na akong gulatin. Sa boses pa lang niya ay nakahinga na ako ng malalim. Hindi iyon boses ni Sir Ken, o ng gwardiya. Boses iyon ni Manlangit. Xander Manlangit, kapwa namin kadete na taga-kabilang kwarto.

      “Baliw ka! Ba’t nagtatago ka diyan? Pinakaba mo naman kami dito.”

      “Hindi ako makatulog eh. Tapos nakarinig ako ng ingay sa kwarto niyo, kaya nag-usisa ako.” paliwanag niya.

      “Sige pumasok ka na dito sa loob at baka mahuli tayo ng nag-roroving na guard,” alok ko sa kanya.

      “Teka lang, ano ba kase ang pinagagawa niyo eh TAPS time na?”

      “Andameng tanong? Pumasok ka na lang kaya at nang malaman mo.”

      Sinarado ko na ang pinto at ni-lock iyon. Sinalubong naman si Manlangit ng mainit na biruan at isang balot ng Chippy at umupo sa tabi ni Fuego. Sa pagkakataong ito, wala ng gugulo pa sa agos ng kwentuhan namin. Bumalik ako sa dati kong kinauupuan at nagsimula na ring magkwento si Delgado, Carvajal at Escalona.


      Fourth year high school ako noon. Isa sa mga pinagkakakitaan ng pamilya namin ay ang boarding house na pinaninirahan ng mahigit sa labing-apat na female boarders. Oo, mga babaeng boarders. Ideya iyon ni Mama dahil mas mabuti raw na mga babae ang maninirahan sa bahay, hindi magugulo at hindi makalat. Tumagal din ang boarding house na iyon, at totoo ang sinabi ni Mama. Hindi nga ganun kagulo ang naging itsura ng bahay.

      Bago ko pala makalimutan, yung boarding house eh parte rin ng bahay namin. May pitong kwarto kase lahat doon. Yung ibang hindi namin nagagamit, pinapaupahan sa mga kolehiyala dahil malapit lang naman kami sa isang college sa lugar namin, mga walking distance lang siguro. Sa totoo lang, inosente pa ako noon sa mga bagay-bagay na nagaganap sa boarding house. Hindi ako masyadong nakikipag-usap sa mga boarders dahil naaasiwa ako minsan. Pero may napansin akong pangyayari at masasabi kong nakaadikan ko na rin sa dakong huli.

When Comment Threads Become Platforms for Clash of Ideologies


    Hindi ako mahilig makipagtalo tungkol sa paniniwala ko. Napapansin ko rin na hindi maganda ang pinapatunguhan ng pagtatalo at pagpipilit ng paniniwala. This time, natrigger lang talaga ang pangangatwiran ko sa pagiging arogante ng ibang tao.

   Sipleng picture lang tungkol sa pagkakaiba ng Canonical at Apocryphal books, napunta sa pagtatalo tungkol sa Church tradition.

    Fired-up si ser, andaming sinabi. Sino kaya itong unang nagdeviate sa point ko?










      Napapaisip pa rin ako kung sasagutin ko ba ang mga tinuran niya. Kung magpapadala ako sa agos ng diskusyon, I would be no different from those people na nakikita ko sa mga online discussions, making their stand, pinpointing their own belief as the light of righteousness  at minsan irrational na sa mga pinagsasabi nila.

    Naku talaga. Ewan ko nalang.



Mahal kong Rhea,

      First year college ka na. Dalagang-dalaga. Malayo sa Rheang nakita ko noong huli akong umuwi sa atin. Nababalitaan ko rin na may boypren ka na daw, hindi mo man lang sinabi sa akin. Minsan nga nagtatampo na ako, dahil dumating na sa puntong komplikado na pala ang mga nangyayari sa buhay mo at hindi mo man lang ako binabalitaan. Alam kong wala akong karapatan sa personal na buhay mo. Buhay mo yan. Kaligayahan mo. Sino nga ba ako para makialam? Tama. Ako lang naman kasi ang kuya mong di mo man lang nakasama sa loob ng mga taong lumalaki ka, nagkakaisip. Sa panahong nawala si Papa. Sa panahon kung kailan dapat nasa tabi mo ako at kailangan mo ang isang kuyang maasahan at masasandalan.

      Nitong nakaraang linggo sinubukan kong tumawag sa atin. Hindi ko ma-contact sila Mama kung kaya’t si Ate mo ang tinawagan ko. May nabanggit siya sa akin, subalit ayaw niya akong bigyan ng detalye dahil magagalit ka raw. Sinabihan ko na lang siya na ikaw ang kakausapin ko, ngunit wala akong kaide-ideya kung bakit ayaw mo akong kausapin. Umiiwas ka sa akin. Kailangan pang suyuin bago mo ako tuluyang kinausap. Oo, nagalit ako noon sa iyo, dahil natatakot akong makatanggap ng isa na namang balita na katulad sa nangyari sa Ate mo. Ipagpaumanhin mo nalang ang pagtaas ng boses ko, iyon din ay sa kadahilanang wala man lang akong nakuhang maayos na sagot mula sayo.

      Nakakuha lang ako ng maayos na impormasyon nang makontak ko sila Mama. Nabalitaan ko na pina-blotter pala nila ang boypren mo dahil pumupunta sa bahay kung naroon ka daw ng dis oras ng gabi, at hindi man lang nagpapaalam ng maayos. Wala naman sanang problema sa amin na may boypren ka, pero ang nagiging kilos at gawi ng boypren mo ang nagiging problema. Paano pala kung isang gabi bumisita yang boypren nang dis oras na naman ng gabi at walang paalam tapos mapalo ng dos por dos? O di kaya ay makagat ni Mutya habang nagtatago sa dilim? Hindi ako humihiling na sana ay ganoon nga ang mangyari, pero maaaring humantong sa mas malala pang problema ang ginagawa ng boypren mo.

       Alam ko na naiirita ka kapag si boypren ang napaguusapan dahil sayo na naman nabubunton ang sisi. Isama na natin ang galit ni Mama dahil na rin sa isyung yan. Naisip ko na mas lalo kang tatahimik kung laging iyon ang pag-uusapan kaya minabuti kong tumawag ulit kay Ate mo, kausapin ka tungkol sa mga bagay-bagay na maiiwas sa isyu. Doon ko lang nakita ang side mo. Ang pagiging responsable mong estudyante at kapatid sa kabila ng iniisip namin tungkol sa iyo.

      Napagtanto ko na masyado na naming ibinubuhos sa iyo ang mga bagay na hindi naman ikaw ang may gawa at nagkakaroon na rin ng distansiya sa pagitan mo at ng pamilya natin. Ayokong humantong tayo sa samaan ng loob dahil lang sa mga tao sa labas ng pamilya. Kaya sinusubukan ko ring kausapin sila Mama upang maayos ang mga bagay-bagay sa mahinahong paraan.

      Inuulit ko, walang problema sa akin kung magkaroon ka man ng kasintahan ngayon. Hindi ko kailangang kwestyunin ang nararamdaman mo pagdating sa pagibig, o ang mga desisyon mo para sa sarili mo. Ang sa akin lang, maging open ka sana sa pamilyang nagmamalasakit para sa iyo at sa kinabukasan mo, dahil handa kaming gumabay sa abot ng makakaya namin. Hindi namin inaalis ang karapatan mo sa anumang bagay na gusto mo. Malaki ka na at wasto na ang iyong pag-iisip. At sana, kahit papaano, mas bigyan mo ng pagpapahalaga ang paggamit ng isip sa halip na puso sa pag-gawa ng mga desisyon pagdating sa pag-ibig lalo na sa mga panahong ito.

      Sa totoo lang, wala akong ideya kung ano ang nararamdaman ng mga babae pagdating sa pag-ibig, kaya huwag mong asahan na makapagbibigay ako ng maayos na payo sa mga espisipikong bagay tulad niyaon. Makapagbibigay lang ako ng payo tungkol sa mga lalaki. Mag-ingat at huwag magpadalos-dalos sa mga bagay na gagawin, at huwag mahuhumaling sa matatamis na salita. Lagi mo ring isipin na kahit malayo si kuya, iniisip niya ang para sa ikakabuti mo. Kaya kung may manliligaw ka o boypren, huwag mag-atubiling ipakilala sa amin lalo na sa akin at nakahanda na ang dos por dos. De, joke lang. Nakahanda kaming gumabay sa paggawa mo ng desisyon, sumuporta at maging sandalan mo sa panahong higit mo kaming kailangan.



Huling Gabi sa Room 107


     Alas-diyes na ng gabi ngunit gising pa rin kaming lahat na umuokupa sa Room 107. Tapos na ang rounds at mustering na laging ginagawa ng guard na nakaduty kasama ang OOW(officer of the watch) sa bawat kwarto ng mga kadete sa dormitoryo ng Institute. Tanging ang ugong na mula sa aircon sa kisame at mga hakbang ng mga paang papalayo ang naririnig naming pumupunit sa katahimikan ng gabi. Bagamat nababalot ng pusikit na kadiliman ang Room 107, alam ng bawat isa sa walo na nakahiga na sa kani-kanilang bunk beds na gising ang lahat sa loob ng kwarto, at naghihintay na tuluyang mawala ang mga tunog na galing sa yabag ng mga paa. Ilang saglit pa at unti-unting nabuhay ang paligid sa marahang kaluskos mula sa bawat higaan at hagikhik na tila kanina pa pinipigilan. Nagsiilawan ang mga cellphone na kinuha sa ilalim ng mga unan, may nagbukas ng isang balot ng Chippy at sumunod na ang malulutong na pagnguya at pigil pa ring tawanan. Wala nang makakapigil pa sa aming gagawin sa gabing ito. Sa huling gabi ng pananatili namin sa Institute pagkatapos ng sampung buwang pagkakapiit at paglayo sa amin sa outside world.

    “Mates, are you ready mates?” pabulong pa ang pagkakasabi ni Delgado habang patuloy na ngumunguya ng tsitsiryang kanina pa niya binuksan.

    “Mate, yes mate!” sabay-sabay naming sagot, habang bumababa sa kanya-kayang higaan. Gagawin na namin ang bagay na kahapon pa namin pinagplanuhan.

    “Okay. Itabi na sa gilid ang mga bunks at ilagay niyo na ang mga kutson sa gitna. Magsisimula na ang ritwal maya-maya, ha!ha!” bagamat may pagkain sa bibig ay nagawa pa ni Delgado na magsalita at tumawa.

    “Baliw! Anong ritwal ang pinagsasasabi mo diyan? Halika at tulungan mo kaming maglatag.” sita ni dela Cruz, habang kinukuha ang kutson sa kanyang bunk.

    “Kaya nyo na yan! Sasaglit lang ako sa locker room at kukunin ko ang mga epektos.” dahan-dahang lumabas si Delgado ng kwarto at agad na nawala sa kadiliman ng alleyway.

    “Si Delgado talaga oo! Patapos na nga, ayaw pang tumulong.” si dela Cruz.

    “Ayos lang yun ‘Dy. May ginawa naman diba? Ayun at kinuha yung makakain natin,”pagtanggol naman ni Fuego. Halos nailatag na ang lahat ng mga kutson sa sahig, pinagtabi-tabi at muli pang nilatagan ng comforter sa ibabaw. Sa pagkakaposisyon ng mga kutson, may labis pang lugar na mahihigaan para sa walong  tao.


   Tapos na ang academic year namin sa kolehiyo. Ito na ang huling gabi ng pananatili namin sa dormitoryong nababalot ng samu’t saring kwento ng bawat kadete simula nang itayo ang institusyong ito para sa mga nais mahasa sa pagmamarino. Dito sa Institute sa Cavite kami inilipat nang kami ay tumuntong sa ikatlong taon. Lahat ng mga kadete dito ay galing sa iba’t-ibang partner school ng kumpanya at napagkasunduang dito na rin kami magtatapos. Sa loob ng sampung buwan, nakasama ko ang mga taong maituturing ko na ring kapatid, kaaway, kakompetensya at kaibigan sa pananatili ko roon hanggang sa aking paglabas.

     Sa mahigit walumpung kadeteng nakasama ko, ang pitong ugok na kasama ko sa kwarto ko ang hindi ko malilimutan sa lahat. Ang mga mukha nila ang una kong nasisilayan sa bawat umagang gumigising kami sa madaling-araw, at sila pa rin ang nakikita ko bago ko ipikit ko ang aking mga mata sa pagtulog tuwing gabi. Sila ang kaagaw ko sa cubicle ng common bathroom namin sa tuwing mag-uunahan sa paliligo. Sila ang kaagaw ko sa kakarampot na lugar na maaaring sampayan sa loob ng kwarto. Sila kakwentuhan ko sa mga gabing di pa kaming lahat inaantok, Sila ang kaasaran at katawanan ko pagkatapos ng nakakapagod na maghapon sa silid-aralan. At sila ang nagbibigay buhay sa apat na sulok ng kwartong maituturing lang na pahingahan.

      Kahit na walo lang kami sa kwarto, mababalangkas ang aming pagkakaiba. Nagmula ang bawat isa sa iba’t-ibang dako ng Pinas. Isa siguro ito sa mga dahilan kung bakit umiiral sa amin ang sistemang kanya-kanya. Kanya-kanyang trip. Kanya-kanyang amoy ng paa. Kanya-kanyang tago ng pagkain sa locker. Kanya-kanyang review kapag parating na ang katakot-takot na mga exams. Kanya-kanyang kawirduhan. Ganun pa man, sa kabila ng sistemang iyon, naroon pa rin ang pagkakaisa. Nagkakaisa naman kami habang kumakain ng almusal, tanghalian at hapunan. Nagkakaisa sa pagsalo sa kasalanan sa tuwing may pinaparusahang kapwa namin kadete. At higit sa lahat, nagkakaisa sa pagtulog pagsapit ng alas diyes y medya ng gabi at paggising tuwing alas-kwatro ng madaling araw.

     Isa sa pitong nakasama ko sa kwarto si Ericson dela Cruz. Madalas siyang tawaging dela Cruz ng iba pa naming kabatch, pero sa loob ng kwarto, siya si pepedz. Galing siya sa Ilo-ilo. Mahilig sa musika, lalo na sa K-pop. Siya ang madalas na ka-duet ko kapag wala nang ibang tao sa klasrum at kami lang ang nakakarinig ng mga boses namin. Sa dalas ng pagkakataon na magkasama kami, isa siya sa itinuturing kong best buddy.

     Si Matt Escalona. Tubong Batangas. Iska ang tawag namin sa kanya.  Siya ang pinakaseryoso sa aming walo. Pokus sa pag-aaral at goal-oriented na tao. Siya ang tipong ayaw magpaistorbo kapag nakahiga na sa bunk bed niya. Minsan naiisip namin na may sarili siyang universe at nakalutang doon unraveling the mysteries of space and time. Minsan naman, naiisip namin na halo na lang ang kulang at santo na siya.

      Si Raphael Delgado, ang kwela sa grupo. Galing naman siyang Cebu. Delgads ang tawag namin sa kanya. Siya ang tipo ng taong nabubuhay sa Dota at iba pang computer games. Nakakabilib lang dahil sa kabila noon, nakakakuha pa rin siya ng mataas na marka. Siguro kung magseseryoso lang siya, makakapasok siya sa top five ng batch namin. Hindi rin pala siya ganun kahilig sa paliligo. Babasain niya lang ang buhok at mukha niya saka papasok sa klase. Ordinaryo na ang araw na may naguutos at nagsasabi sa kanyang, “maligo ka naman Delgads!”

      Si Franz Fuego naman ang kababayan kong galing din sa Bicol. Sa katunayan, siya ay tubong Albay, habang ako naman ay mula sa Sorsogon. Mas nauna ko siyang nakasama kesa sa iba pa naming kasamahan sa kwarto, kaya halos kami lang dalawa ang madalas na mag-usap sa mga unang linggo namin sa institusyon. Katulad ng iba pa na may sariling gawi at kawirduhan, namumukod tangi pa rin si Franz. Tuwing gabi, kahit na malamig ang kwarto dahil sa aircon, sanay siyang matulog ng nakabrief o boxers lang. Kinakantiyawan na lang namin na kailangan na niyang magsuot ng damit dahil baka gapangin siya sa himbing ng pagkakatulog niya. Sa tuwing naliligo naman kami, mahilig siyang maglakad sa loob ng common bathroom na walang kahit anong saplot kaya sinisikap namin na huwag malaglag ang hawak naming sabon. Isa pa sa napapansin ko na pinagtatawanan naming lahat tungkol kay Franz ay ang pagpapasabog niya ng bad air sa kwarto na walang paunang sabi. Intense kung intense. Takbuhan kami agad palabas kapag ginagawa niya iyon. Nagtataka lang kami kung bakit ganoon kaintense ang amoy gayong pare-pareho lang naman ang kanin at ulam na kinakain namin sa araw-araw.

     Kung angst ang pag-uusapan, nariyan si Crite Carvajal, mula sa Agusan. Sa bawat araw na nakikita ko siya, nabubuhay mula sa pahina ng Kikomachine Komix ang katauhan ni Bertong Badtrip. Hindi naman sa pisikal na kaanyuan niya, subalit may ganoong aura siya. Madalas, tungkol sa Kikomachine ang pinag-uusapan namin. At inaaplay namin ang ilang banat at eksena sa mga araw na bored to death na kami.

      Si Marko Encinares pinakamatangkad sa batch namin, tubong Davao. Pero kahit na biniyayaan siya ng katangkaran, tulad ko rin siyang olats sa basketball. Enz ang tawag namin sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa kukote ni Enz pero madalas niya akong gawing punching bag. Hindi rin naman ako nagpapatalo kahit na mas maliit ako sa kanya kung kaya’t nauuwi sa wrestling sa pagitan naming dalawa ang trip niya. Hilig rin naming pasanin sa likod ang isa’t isa, at natutuwa pa siya kapag nakikita niya akong nahihirapang habang binubuhat siya. Kapag ako naman ang bumabawi, sinisikap ko na mabibigatan siya sa akin. Sa pisikalan nga siguro nagsimula ang pagiging malapit namin at nang dakong huli ay itinuturing ko na siyang kapatid.

      Ako naman si Froi Dencio, ang pinakamabait sa walo. Mula pa ako sa pinakadulong bayan sa timog ng Sorsogon. May sarili ring mga kawirduhan at mga gawi, at alam kong naiintindihan naman ako ng mga kasama ko, sa kabila ng pagkakaroon ng topak minsan. Kung susumahing lahat ang mga trip at ugali namin, kami ang bumubuo sa nakakatuwang grupo ng mga umuukopang kadete sa Room 107.


    Nakalatag na ang lahat at tanging si Delgado na lang ang hinihintay namin. Lumipas ang sampung minuto, ngunit ni anino man lamang niya ay walang dumating. Nagsimula nang magisip ng kung anu-ano si Carvajal at sinabi na baka nahuli na ng naglilibot na gwardiya  si Delgadz. Dahil sa pamimilit na rin ng iba pa naming mga kasama, nagpasya si Fuego na sunduin na lang si Delgadz. Hindi pa nakakaalis si Fuego ngunit dumating na si Delgado na hinihingal. Parang hinabol lang ng asong ulol sa madilim na alleyway. Hindi pa nakakapagsalita ang kahit isa sa amin ngunit sunod-sunod na ang sumbong niya. Naglaglagan na rin sa sahig ang mga tsitsiryang bitbit niya na agad namang pinulot ni Fuego.

     “Grabe mates, muntik na akong mahuli ni Sir Ken habang kinukuha ang mga pagkain natin, mabuti na lang at nakapagtago ako kaagad.” hinahabol pa rin Delgado ang hininga.

     “At nagamit mo naman ang mga ninja moves mo? Kanina ka pa namin hinihintay at susunduin ka na rin sana ni Franz. Mabuti na lang at dumating ka. Tepok tayo kung nahuli ka ni Sir at makita yang mga tsitsiryang dala mo.” si dela Cruz.

     “Oo nga mate eh. Mabuti na lang talaga.” nakangisi si Delgado habang dala ang iba pang balot ng Chippy at Nova. Nilagay niya ang mga iyon sa gitna ng nilatag naming mga kutson.

      “So ano mates? Magsisimula na ba tayo o tatayo na lang tayo hanggang umaga?” hindi na rin nakapagtiis si Escalona at nagsimulang umupo sa isang gilid ng mga kutson at ng bukas ng tsitsirya. “Simulan na ang tsibugan! Mas masarap kumain kapag alam mong bawal!”

      “Eto namang si Escalona oh, kala ko naman good boy, pero ayos lan yan mate, last day na natin ‘to,” si Enz, na nagsimula na ring kumuha ng mangunguya.

      “Last night ‘kamo. Saka, isa-isa lang ang buksan natin. Mauubos agad yan. Mga tiyan nyo talaga, oo!” kinuha ni dela Cruz ang hawak ni Enz at nilagay iyon sa gitna.

       “Ano na nga ba ang gagawin natin? Kakain lang tayo ng tsitsirya tapos matutulog? Ang korny naman!” bigla ko nalang na nasambit dahil para na kaming nagkaroon ng sari-sariling mga mundo sa pagkalikot ng iba sa mga cellphone nila.

      “Yeah browh. Korrnii.” nag-second the motion si Carvajal.

       “Orgy! orgy! Orgy na yan!” tinataas-baba pa ni Fuego ang mga kamay habang sinasabi ang mga iyon.

       “Baliw! Orgihin ko yang mukha mo eh. Puro tayo lalaki dito.” inis ang nasa tono ni dela Cruz. “Mabuti pa at umupo na lang tayo sa palibot ng mga tsitsiryang ito.”

       “Tapos? Ano ang gagawin natin?,” tanong ni Escalona.

       “Orgy nga.” si Fuego pa rin. Tawanan kaming lahat, maliban kay dela Cruz.

       “Isa pa talaga Franz. Tatamaan ka na sa akin.” pagbabanta ni dela Cruz. Sumenyas si Enz kay Franz na tumigil na at hindi na nga ito umulit. Umupo kaming lahat sa palibot ng mga balot ng Nova at Chippy habang nakatingin kay dela Cruz.

       “Mga adik kayo? Para kayong nakakita ng multo sa mga tingin nyo sa akin.”

       “Eh inaantay namin ang plano mong gagawin natin. Mag-iispirit of the glass ba tayo? Tatawagin ba natin ang mga kaluluwang ligaw sa institusyong ito?” si Carvajal.

       “Ang tanong may glass ba tayo? Mga unan ang nandito Crite. So ano yun spirit of the pillow na lang? medyo iritable pa rin si dela Cruz. “Hello mates! Nakikinig pa ba kayo? Oy! So ang gagawin natin, clockwise from Dencio, magkukwento ng isang episode sa buhay niya na maaaring nakakahiya, nakakatawa, o nakakatakot na hindi niya malilimutan.”

       “Ayos yan mate!” si Delgado.

       “I agree! Simulan na natin kay Dencio!, tinulak pa ako ni Enz.

       “Ako talaga? Grabe ka dela Cruz.” Wala na rin akong nagawa kundi ang mauna sa pagkukwento para masimulan na ang rotation. Saglit akong nag-isip, pinikit ang mga mata at inalala ang detalye ng isang pangyayari sa buhay ko na hindi ko pa sa kanila naikukwento. Tama. Isang nakakahiyang kwento. Isang kwento tungkol sa biglang pagkulo ng tiyan ko sa di inaasahang pagkakataon.


      Second year college ako noon at may long vacation sa susunod na linggo. Dahil wala naman akong gagawin sa dorm at para naman makapagpahinga sa mga araw na iyon, naisipan kong umuwi sa bahay. Malayo ang lugar namin sa Sorsogon City. Mga dalawang oras na biyahe sa jeep. Minsan tumatagal pa kung may dinaraanang pasahero sa ilang lugar papunta sa amin. Nang araw na iyon, minabuti ko na lang na pagkatapos ng pananghalian pumunta ng terminal dahil may kailangan pa akong tapusin ng umaga at hindi rin naman aabutin ng dilim ang paguwi ko sakaling sa ganoong oras nga umalis ang jeep.

     Dumating ako sa terminal at halos isa na lang ang kulang bago umalis ang jeep. Sakto. Tamang-tama ang dating ko. Siksikan sa loob ang mga pasahero kasama ang mga bagahe na pumapagitna sa magkabilang upuan ng jeep. Buwis buhay akong sumuong sa sikip na gawa ng mga pasaherong ayaw umusog paabante. May bakante pang mauupuan malapit sa may driver at iyon ang pinagsikapan kong marating after 45 years.

      At iyon nga, nakaupo ako ng maayos kahit papaano. Makalipas siguro ang dalawang minuto ay agad ring humarurot ang jeep. Busy ako noon sa pag-titext dahil mawawala na ang signal sa mga susunod na oras. Wala akong pakialam sa mga katabi o kaharap ko dahil sa siksikan. Mas minabuti ko na lang na ituon ang pansin sa pagbabasa ng mga text messages.

     Maayos naman ang lahat sa nakalipas na sampung minuto nang bigla akong makaramdam ng pagkulo ng tiyan. Powtek. Sa kinain ko yatang manok sa turo-turo kanina. Isinawalang-bahala ko lang. Sinubukan kong maidlip at di pansinin ang pagkulo ng aking tiyan. Pero sa pagdaan ng jeep sa mga uka sa kalsada, sumasabay ang laman ng tiyan ko sa pag-alog ng jeep. Mas lumala pa ang pagkulo na nararamdaman ko.

     Dumilat ako at pinosisyon ang sarili upang maibsan ang pagkulong iyon. Habang umaayos ako ng pagkakaupo, napansin ko na kaklase ko pala nung high school ang nasa harapan ko, si Tina. Napansin niya rin siguro ako at napunta sa kamustahan at balitaan ang naging usapan namin. Ayos ‘to, sabi ko. Mada-divert ang isip ko sa kwentuhan namin at malilimutan ko na ang di mapakaling tiyan ko.

     Buong akala ko ay mawawala na ang nararamdaman ko ngunit lalo pa itong lumala. Iba na ang tingin sa akin ni Tina at mukhang napapansin na niyang may dinaramdam ako. Nagtanong siya kung ok lang ako at sinagot ko namang maayos naman ang kalagayan ko habang sinisikap na itago ang tunay na sitwasyon.

      Matapos iyon, naputol ang kwentuhan namin at nagpatuloy naman ang pagdurusa ko sa siksikang jeep na iyon. Nararamdaman ko na ang pagagos ng malamig na pawis sa aking noo at leeg. Sinilip ko ang oras sa aking cellphone. Isang oras na ang nakalipas at kailangan ko pang magpambuno sa nararamdaman ko sa susunod pang isang oras. Naramdaman ko na nagpupumiglas na ang laman ng aking bituka na nais nang lumabas. Not here Lord. Please, not here. Marahan akong umuusal ng panalangin na sana ay huwag mangyari na magkalat ako sa loob ng jeep.

     Natawag ko na yata anglahat ng santo ngunit hindi humupa ang nangangalit na tiyan ko. Sinubukan ko na ring kontrolin ang abdominal muscles ko, but I just tried everything in vain. Walang nangyayari. Ilang minuto pa at alam kong di ko na kayang i-hold. Lumabas na nga ang mga salarin sa pagkulo ng tiyan ko. Napapikit nalang ako. Sa muli kong pagdilat, I saw a white light. And then, I realized: sh*t! I just sh*tted on my pants! Hindi na ako gumalaw sa inuupuan ko. Sinabi ko sa sarili ko na saka lang ako gagalaw dun kapag nakarating na ako sa amin at bababa na ako ng jeep.

    Mabuti na lamang at may suot akong shorts sa loob ng pantalon nang araw na iyon. Wala namang tumagos sa pantalon ko kahit papaano. And miraculously, walang nangamoy. Nang makababa na ako ng jeep, buong sikap kong nilakad ang daan pauwi sa bahay, dumeretso sa banyo at naghugas. That was really a whole bunch of sh*t that had happened to me kapag naaalala ko.


      Sunod-sunod ang yuck! at eww! na narinig ko sa mga kasama ko pagkatapos kong magkwento. Ang ilan naman sa kanila ay nagtawanan. Mga adik, sa isip-isip ko. At least ako, may naikwento na. Sila naman ang susunod na magbabahagi ng pangyayari sa buhay nila. Biglang nagsalita si dela Cruz, tumatawa.

     “Nakaya mo yun Denz?Haha! Grabe naman!”

     “Grabe ka diyan. Ikaw kaya yung mawalan ng option.” sagot ko. “Si Franz nga nagpapasabog kahit sa loob ng FX eh.”

      “Oy, oy. Mabuti yun at hangin lang.” depensa ni Fuego.

      “Sige na. Tama na yan. Grabe na tayong makapag-react. Si Delgado na ang susunod na magkukwento.” pinutol ni Escalona ang diskusyon. “Sige na Delgadz. magkwento ka na.”

     “Okey mate! Makinig kayo sa akin mate dahil tungkol sa pamboboso ang ikukwento ko.” nakangisi na naman si Delgado.

     “Sige mate, dali, ikwento mo.” si Enz.

    “Teka lang mate… kailangan ko muna ng mangunguya.” kumuha si Delgado ng isang balot ng Chippy at binuksan iyon. Dumakot ng laman at agad na isinubo. Hindi pa nauubos ang nginunguya niya subalit nagsimula na siyang magsalita.

     “Angrrgh kwento ko mate…”

     “Ubusin mo muna nga yan Delgadz.” si Carvajal.

     Natawa na lang ako sa pagsaway kay Delgado. Si Delgadz talaga! Kahit kailan.  Napabuntong hininga ako at natuon ang pansin sa may pintuan. Bahagya itong nakabukas. Naaalala ko naman na naisara namin iyon nang pumasok si Delgado. Mukhang may tao. Naging sigurado lang ako na may tao nga nang makita ko itong dahan-dahang gumalaw. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at sumenyas sa iba ko pang kasama na tumahimik. Naglakad ako patungo sa pintuan upang alamin kung sino ang naroon. Natahimik na rin ang mga kasama ko habang pinagmamasdan akong humahakbang patungo sa pinto. Tepok talaga kami kapag si Sir Ken o ang gwardiya ang taong ito. Hinawakan ko ang doorknob upang tuluyang mabuksan ang pinto at malaman kung sino ang nasa likod niyaon. Itutuloy.      

Labindalawang Kawirduhan

      Sa tuwing sasapit ang kaarawan ko, hindi ko maiwasang makadama ng pagkabalisa. Para akong natutuwa, na natatakot, na nalulungkot na nananabik. Parang katulad lang ng nadarama ko sa tuwing sasapit ang pagtatapos sa paaralan.  Matagal ko nang napapansin iyon, ngunit tulad ng lagi kong ginagawa, pinapabayaan ko na lang na matapos ang buong araw. Lumipas na nga ang dalawang dekada ng buhay ko at laging ganun ang nararamdaman ko.
      Marahil, isa lang iyon sa mga kawirduhan ko. Na minsan, gusto kong mabago at matanggal sa sarili ko. For a better me. Kaya minabuti kong isa-isahin ang mga kawirduhang iyon, at labindalawa pa lang ang pumasok sa kukote ko. Siguro, meron pang iba na di ko napapansin sa sarili ko, ngunit napapansin ng ibang tao. Eto ang mga iyon:
      1. Takot ako sa dugo. Hindi yung tipong takot na makakita ng tumutulong dugo sa isang maliit na sugat. Kaya ko pa yun. Pero yung labis na pag-agos ng dugo, lalo na kung sa katawan ko galing, para akong napaparalisa. Nanlalamig ang katawan ko at nandidilim mga paningin ko.
      2. Hindi kumpleto para sa akin ang fruit salad kapag walang sahog na cheese o cherries. Ugali ko rin na halukayin ang salad para hanapin ang mga iyon.
      3. Hindi ako marunong kumain ng isda ng maayos. Lalo na ng bangus. Kung ang ibang tao ay nakakain na tinik lang ang natitira, marami naman akong nasasayang na laman ng isda.
      4. Mahilig akong mamigay ng mga small gifts, kahit walang okasyon, lalo na kapag malapit sa akin ang tao. Madalas, pinipigilan ko ang sarili ko na gawin iyon dahil baka bigyan ng ibang kahulugan ng binibigyan ko.
       5. Wala akong kahilig-hilig sa outdoor games o sports. Olats lang ako kapag sinusubukan kong sumali sa mga ball games. Kahit na ganun, naipasa ko ang PE sa college na mga recreational games. Para sa akin, isa pa ring misteryo iyon.
      6. Kapag may kinakausap akong tao sa unang pagkakataon, hindi ako tumitingin sa mata niya. Napapansin ko na lang ang sarili ko na lost in thought habang nakatingin sa mga ngipin niya. Oo mga ngipin niya. Hindi ko alam kung may parte ng sarili ko na dentista looking for cavities o likas na mahilig lang ako sa ngipin.
      7. Malaking turn-on sa akin ang babaeng may angst. Yung tipong ill-tempered at maikli lang ang pasensya. Yung out-of-this-world kung magexpress ng pagkabadtrip. Parang female version lang ni Bertong Badtrip.
      8. Wala akong fashion sense, o sabihin na nating nangangailangan ako ng fashion intervention. Kung anong meron akong damit okey na, basta me naisusuot. Hindi rin naman akong mahilig mamili ng damit pamporma.
      9. Kapag naiinis ako sa isang tao, lalo na sa workplace, naiimagine ko ang sarili ko na sinasapak o pinapalo ng dos por dos ang taong kinakainisan ko, lalo na yung mga ipokrito. Pasalamat na lang ako at biniyayaan ako ng mahabang pasensiya at pagpipigil sa sarili.
      10. Hindi ako nakakatulog sa gabi kung wala akong kumot. Di baleng walang unan at tandayan, basta me kumot, solb na ako.
      11. Binubura ko agad ang mga pornographic files sa laptop kapag tapos ko nang mapanood. Hindi kase ako mapakali kapag alam kong me ganun ako computer.
       12. Obsessed ako sa relationship na kung tawagin ay friendship. Masyado akong concern sa mga itinuturing kong malapit na kaibigan at dumadating sa puntong nakikialam na ako sa buhay nila. Sinisikap ko na ring iwasan na magkaganoon, dahil ilang beses na rin akong nawalan ng matalik na kaibigan.
      Kaarawan ko pero nasa pwerto kami para sa loading operation. Ayos lang, matatapos naman ang araw ng di ko napapansin. At hindi rin naman ako mahilig mag-celebrate ng araw ng kapanganakan. Siguro isa rin yun sa mga kawirduhan ko, bilang ako.

Losing my Religion

      Grade three. Age, nine. We had few books in the house during those times, as far as I could remember. We only had a copy of a New Testament Bible in Tagalog and textbooks from school. I'm quite amazed of my childhood days every time I remember that I never grew tired reading those over and over again, especially the Bible, though I focused more on the vivid stories told in the four Gospels and the Book of Revelation. With my imaginative mind, the era of early Christians as well as the apocalyptic prophesy appeared to me as if they were happening around me. I was a kid then, and of course, I looked at the Bible as a thick storybook and I thought that everything that I had read had no other connotation.
      Grade four. Age, ten. When the school year began, Catholic Catechism subject was included in our curriculum. Everyday, right after lunch break, a middle-aged woman whom we call Ate Tess gives us lessons on Catholic teachings. She taught us the Lord’s prayer, as well as the prayers used during the mass. She also taught us the sacraments, the basic doctrines of the Church and everything that we have to know about Catholicism and how to become a good follower of Christ in a Catholic point of view. We’ve been told that if we do good, we will go to Heaven and we will be sent to Hell if we do bad things. I was terrified with such ideas on my head so I memorized every prayer and lessons she was teaching us to to become ‘the good person’ that I could ever be and be spared of the fires of hell. I was not expecting it, but at the end of the 2nd quarter (that was the time we finished our Catechism subject) I was given the award of best student in Catechism. It was ironic though, I didn’t practice the teachings at home, like praying all the memorized prayers. It was as if I was thinking that when I’m home, it is okay not to say the prayers, but at school, I definitely have to recite them. The recital at school would give me relief knowing that I would be spared of Hell, with the compliments and continuous coaxing  of Ate Tess to study what she had been teaching us. At home, it would be fine. Nobody tells me that I should pray the Lord’s prayer fervently, and my parents(who seemed not to care what I have learned at school) were always away anyway.
      Still in Grade four. Age, ten. Weekend. It was Saturday morning. Since we didn’t have any classes, me and my two younger sisters went to hangout on a small hut next to our house, owned by my grandparents. Nobody was there during that time, so we decided to play, taking our toys, and even our books. We were doing some role-playing; it was not the usual mock parenting but the portrayal of classroom instructions. I was the teacher and my two sisters together with a bunch of make-believe student toys listened to me as I lectured on a particular subject that I believe was something about plants. Our small kiddie discussion suddenly stopped when a man, in his early twenties dropped by and asked to be included in the class. Me and my sisters were silent for the moment, but burst into laughter few seconds later. When we were already done, the man was still smiling then introduced himself to us. He told us that we can call him Kuya Jonas. He showed us some books, with colorful pictures depicting Bible scenes. I was really amazed by those books that I asked him if he could give me some. Without any hesitation, he gave me three books, with a Bible (both Old and New Testaments) included. He then asked me if he could come again next Saturday, to teach me something about the Bible. I answered that he could, but he have to bring more books next time. He agreed, and the succeeding weeks turned to be the most exciting time of my childhood. I kept on asking questions, he answered them with Bible verses. Through that I have learned a lot. I also continued reading the Bible he gave me, starting from the book of Genesis up to the Book of Daniel. In no time, I was able to identify most of the major Old Testament characters. Our Bible study lasted until I was in grade six. I didn’t want to stop, but as I grow older and become more immersed at school, things were becoming more and more complicated.
      Grade five. Age, eleven. My mother told me that our aunt would be staying at home from Manila for a week-long vacation. When she arrived, I learned that she was a member of Iglesia Ni Cristo. I told her that I’ve been studying the Bible for sometime. She was quite surprised, but told me that I could learn more because she would be inviting their pastor at our house  on the following week.
       Wednesday. The INC pastor came with two other women whom my aunt referred to as ‘diaconesas.’ The term sounded funny for me so as their facial expressions. They seemed to be trying hard to project a smile every time the pastor looked at them. My aunt was the one who welcomed them, telling the pastor that I am quite knowledgeable about the Bible. The pastor was not impressed, so he started asking me questions that I couldn’t answer. Finally, the question was something about the Bible itself. I answered something relating to Dead Sea Scrolls. He retaliated with codices, raising his voice every now and then. I didn’t know if he just sounded sarcastic or angry during that time, but I burst into tears. Right before the pastor left, I heard  him telling my aunt, “akala ko ba marunong sa Bibliya?”
      Grade six. Age, twelve. I was almost ready to proceed with an in depth study of the Bible with Kuya Jonas, but due to my parents desire, I had to stop. They told me that it would only hinder my studies and other school activities. My grandfather also told me to stop doing the things he call ‘nonsense.’ He repeatedly stressed out that the Bible was written only by people and that all religion had no intentions but money. Lucky for me, all those things just went through my ears.
      I kept asking myself why didn’t my parents realize that studying Bible would also be for my own good. I still got good grades at school and I tried as much as possible to be a responsible son. I would sit for hours alone along a stream near our house when there’s nothing to do and wondered why the had to keep me from studying the Bible. Perhaps because I no longer do the sign of the cross. Or because I no longer eat dinuguan every time my father cooks some. Even if I wanted to study, I still had to follow them. I was in no position to push my beliefs when I was still dependent to my parents.
      Second year high school. Age, fourteen.  Since I had a background on the Bible, I started to have doubts on Catholic teachings. But still, I went to church. For me, it was more of an extra-curricular thing. I joined the Campus Ministry and we were given schedules to lead the Rosary every six o’clock in the evening during the month of October. The usual arrangement was two students lead the prayers, one would recite the first part and the other would answer with the second part of the prayer. And so it went until we completed the whole cycle of prayers. I remember back then, that when we were already have to say the Hail Mary, I hear myself mispronouncing hail to hell. My co-student would suppress her urge to laugh at me, making squeaky noises that would trigger a chain of chuckle to other students at our back. Meanwhile, I tried not to notice them, but deep in my thoughts, I found the repetition of prayers funny. Setting those thoughts aside, I would mumble ‘sorry Lord!’ silently.
      Third year high school. Age, fifteen. We were studying world history. The topics that caught my interest was the time of the Crusades and the Reformation. It was not the actual event of what had happened then that drawn me to do more research, but the involvement of the Church in these two historical events. I learned that the Church during those times held a very strong political power. So strong that some leaders abused the power to rule in different aspects on the lives of the commoners, even those who were considered elite in their social status.
       My skepticism heightened as I continued reading  more about history. Then I started asking people whom I believed had the authority to supply the most relevant answers for my questions. Why was it that the Church stopped Galileo from continuing his experiments? Why was it that the Church during the late Middle Ages sold indulgences to people to remiss their punishment in purgatory? Would a piece of paper could wash away their sins?  Why did the Church prevented some men to publish the Bible in common language during the Reformation? Why did Church leaders got involved in worldly affairs when Christ said that we should not be ‘(part) of this world?’ I wasn’t able to get an answer that would satisfy my wondering mind. Maybe I asked the wrong people, or maybe those people were not keen enough to look deeper into my questions.
      I felt as if my third year in high school brought a drastic change in my beliefs. I became more radical, I asked with reason. It was the Renaissance period of my life. I became aware of how some people, religious as they appear, present at the church every Sunday, did the opposite of what the sermon told them to do. Some went to church only to display their expensive clothes or body accessories. Some went there for mere appearance, might it be to make other people believe that they were devout enough to cover for their deplorable lifestyle.
      With the similar observation to some church leaders, I felt a sudden drift away from the belief that I had had since childhood. Then the continuous generation of questions inside my head further covered the topics that involve the doctrines of the Catholic Church. The presence of religious icons, the idea of Hell as well as the Purgatory among others made me rethink whether those things were indeed, biblical. Upon looking back of what I had studied in my elementary years, I realized that there’s a lot of things existing within the Catholic dogma that contradicts the Bible. And with that, the Catholic faith that was still in me faltered.
      First year college. Age, seventeen. I rarely went to church, only when some of my friends urged me to go. At this point, I already detached myself from my Catholic beliefs. I shared similar sentiments with some of my co-scholar. However, we decided to go to church to hear the sermon one Sunday afternoon.
      We arrived before the mass started so we went to find available seats on the front row to hear the sermon clearly. And when  the supposed to be the sermon part commenced, much to our dismay, the priest only read a very long letter regarding the RH Bill, how it violates life, so on and so forth. The letter condemned those people behind the bill, and stated that a member of the Church should not support such bill. My friends and I looked at each other with sarcastic expressions on our faces, as if everyone was thinking about the same thing. Later that afternoon, when we went back to the dormitory, I remembered one of them talking about the separation of the Church and the State.
      Second year college. Age, eighteen. I kept myself away from any religious denomination. I was already discouraged by some pastors whom I had seen before doing some debate on the city plaza, raising their voices to one another, one holding a Bible already torn, perhaps due to extensive scanning of pages to denounce the doctrine of the other individual. Why did they keep on saying that his own belief is the absolute truth when it is contrary to their actions? I was cynical. So another alteration came to me and I focused more on living life the way other young people live: no headaches of thinking about doctrines, no restriction on moral standards and no arguments to incite since I didn’t discuss my beliefs with other people.
      I noticed that I began to pray less. I had reasoned myself out. Why ask for forgiveness if every now and then I make mistakes? If I already know that I’d been sinful, that I am aware of my wrongdoings? I was thinking that it would be better not to pray if I am going to make the same sin anyway. I found out that it was easy not to follow the doctrines that I once followed, but hard to follow the moral standards set in the Bible. Definitely, it was easy to succumb to urges that would provide gratification than follow strict rules that would inhibit desires.  Little by little, I was slowly drawn on the verge of turning into agnostic.
      Third year college. Age, nineteen. During Sundays, every cadet was required to attend the PDL or Purpose Driven Life sessions led by our training officer who turned out to be a pastor of the local Christian church. We were given lectures on the scriptures, we did Bible sharing and a lot of jam sessions. It somewhat made me realize that I had been missing a very important part of my life: God. I realized that in the past, my stubbornness made me arrogant that I forgot to acknowledge the Divine Who was the very reason of my existence. I decided to change myself. To become a good person, a follower of Christ. Though I was not eager to join any Christian sect or denomination, I thought that it would be better not to have any religious affiliation as long as I conform to the Bible.
      Last year. Age, twenty. It was my first time onboard a commercial vessel. I met different people, with different religious belief. One was a Seventh Day Adventist, he kept on telling me that pork is not supposed to be eaten. The other one was a Croatian. He’d been lecturing some Krishna Consciousness stuff, reincarnation and sacred cows to me. There was also an Indian guy, who was a member of Zoroastrianism (a religion I had only read in history books), who told me something about sacred fires in their religion. So much with the new ideas, I only listened to them, digesting their beliefs, though all didn’t sank in my mind. Having an idea of this and that would be enough so that I could act without offending them and respect what they believe.
      Present day. Age, twenty-one. I still don’t eat dinuguan, nor believe in the idea of Hell (how could a loving God create such a place). I don’t do the sign of the cross. I only go to church just to accompany my Ate. I still pray, every night before I go to sleep, but my prayers are not the memorized ones. My parents no longer question my beliefs, nor ask me to go to church with them. Like a freelance believer, I do what I have to do to be good and I believe what I have to believe to be right.
     I’ve been into a series of religious journey, and I am expecting that there will be more journeys to come. I recently read the book Man Seeks God, a journey of a man who decided to examine one religion after another, but end up incorporating each belief into himself. I might be able to follow his lead, try searching to find what suits me. I could travel in search of a good religion, settle myself and live according to its system. Or I could be, as I said before, be a freelance believer, play safe, avoid guilt and live life in a belief that’s always win-win for me.
     Like someone alone on a boat drifting into the ocean to find his way to dry land, I lost my religion and now I am trying to search for a true one, even if it sounds elusive. I’ve been living with my own beliefs, yet those are not enough to suffice the totality of becoming a true Christian. I know that I believe in God, that everyday, I try to avoid temptations. I’ve been doing good things so as to follow Christ’s example, but would that be enough? I have notion that as long as I am good, I would be fine, or am I?
      With a lot of question I am still uncertain of my direction. There should be something to guide me, so that I would be able to find my way towards the light of the Divine. I might be living today with so much adherence to my own beliefs, but still, faith should not exist for my own or other people’s convenience.

Photo: credits to the owner.

Diez y Seis (Part Two)


      Saglit akong tumigil at dahan-dahang tumayo mula sa pagkakaupo. Inangat ko siya mula sa kandungan ko, at muling ihiniga sa sofa habang pinoposisisyon ang sarili ko na nakaharap sa kanya. Muling naglapat ang mga lab namin, at naging mas malikot ako sa pagkakataong ito. Gumapang ang labi ko patungo sa kanyang tenga, bumaba sa kanyang leeg at napansin ko ang bahagya niyang pagkagulat; na marahil ay dahil sa kiliting dulot niyaon. Mas umilalim pa ako patungo sa kanyang dibdib at nakaramdam ako ng init mula sa sarili kong dibdib patungo sa ibabang bahagi ng aking katawan. Halos marinig ko na ang pagtibok ng puso naming dalawa na tila mas bumibilis sa bawat kilos na gagawin ko. Gumapang ang mga kamay ko patungo sa bewang niya. Froi Dencio. Just what the hell are you doing?

     Bigla akong natigilan. Nilamon na ako ng kaba na unti-unting naging takot. Takot na di ko maipaliwanag noong mga panahong iyon. Tumayo ako at nagkunwaring tumingin sa aking relo na nagbigay ng munting liwanag sa gitna ng dilim. Binasag ko ang katahimikan.

     “Trish, mukhang masyado na tayong late. Mabuti siguro kung ihahatid na kita pauwi sa inyo.”

     Dahil madilim at hindi ko maaninag ang mukha niya, hindi ko alam kung ano ang naging reaksiyon niya sa kinilos ko. Nakatanggap lang ako ng matipid na sagot mula sa kanya.



     Wala nang tricycle sa mga oras na iyon, at dahil isa at kalahating kilometro lang naman ang layo nga bahay nila mula sa bahay nila Andrew, minabuti na lang naming maglakad pauwi. Tahimik kami habang naglalakad. Pareho kaming malalim ang iniisip. At marahil tulad ko, tumatakbo pa rin sa isipan niya ang nangyari kanina bago kami umuwi.

      Sinusubukan kong balikan ang nangyari kanina. Ang maririing mga halik. Ang bigla kong pagtigil. Iniisip ko kung bakit ako napatigil. Kung bakit ako kinabahan at natakot. Perhaps, subconsciously, I was actually afraid of the hazards of premarital sex, like babies. Or maybe, during that time, I was just so lame at getting laid.

     Anuman ang naging dahilan, aminado ako ngayon na may bahagi sa akin ang nanghihinayang. Nanghihinayang sa isang bagay na naganap sana kung hindi ako nadala ng takot. Sa kabilang dako, may bahagi pa rin ng pagmamalaki sa sarili, dahil sa edad na labing-anim ay nagawa kong hindi gawin ang isang bagay na marahil ay gagawin ng ilang kabataan sa ganoong edad, sa ganoong sitwasyon.


      Sa ngayon, sa tuwing tatawag ako sa bahay, lagi ko nang inaasahan ang mga paalala ni Mama tungkol sa pag-aasawa. Madalas din niyang kinukwento ang tungkol sa mga kabatch o mga anak ni ganito o ni ganyan na maagang nakapag-asawa. Dahil siguro sa mga sitwasyong tulad noon kung kayat ganoon nalang ang pagpapaalala niya sa akin ng “anak, hintayin mo munang matapos ng pagaaral ang dalawa mong kapatid bago ka mag-asawa ha?” Na pabiro ko namang sinasagot ng “wala ngang gelpren ngayon Ma, tapos asawa agad?” Bagaman minsan ay napapatawa na lang ako sa mga paalala niya, alam kong para rin sa akin at sa pamilya namin ang mga iyon.

      Bawat taon, patuloy pa rin ang bilang ng maagang nagdadalang-tao at nagkakapag-asawa sa lugar namin. Marami ang hindi pa nakakapagtapos ng hayskul subalit may karga nang anak, at mayroon ding may mga dinadala na sa sinapupunan na mas mababa pa sa labing-anim na taong gulang. Tulad ng Sapang-Kawayan sa dokyumentaryo ni Kara David, alam kong isa itong suliranin na kinakaharap ng aming bayan. Isang suliranin na patuloy na umiiral at nagkukubli sa mukha ng matiwasay naming lugar. Maraming tinuturong dahilan. Kung kani-kanino ibinabaling ang sisi. Katulad ng anumang suliranin sa lipunan, hindi ito basta-basta masusolusyunan. Likas na sa mga kabataan ang pagiging mapusok at hindi ganoon kadali ang pagpigil dito. Bagaman sinisikap ng mga may awtoridad na gumawa ng mga hakbang, abot kamay pa rin ang solusyon. Naniniwala ako na hindi lang isang bahagi ng lipunan ang kailangang kumilos, bagkus, lahat ng bumubuo dito. At malaki ang bahaging gagampanan ng mismong mga kabataan.

     May mga bagay na nagbibigay sa atin ng kaligayahan, subalit maaaring panandalian lamang iyon. May mga bagay na maaari nating piliing gawin kung gugustuhin natin, subalit marapat lang na alam natin ang maaaring kahihinatnan. Sa sitwasyon namin ni Trish, naisip ko na mabuti na rin na walang nangyari sa pagitan naming dalawa. Naghiwalay din kami pagkatapos ng ilang buwan. Nakita ko siya nitong nakaraang taon, maganda ang pinapasukang trabaho, at pinapaaral na rin ang kapatid tulad ko. Minsan, naiisip ko na marahil, iba ang takbo ng buhay namin ngayon sakaling bumigay kami sa kapusukan noon. Masaya ako para sa kanya at sa narating niya. Sa ngayon hindi ako nagmamadali. May panahon para sa mga bagay-bagay. Mas masarap nga talaga siguro ang isang prutas kapag nahinog na.