Nagsimula akong bumangon mula sa aking higaan. Alas tres kwarenta na ng madaling araw. Ilang minuto nalang at papanhik na ulit ako sa bridge upang mag-duty. Naghikab, iniunat ang mga braso. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil na rin siguro sa madalas na paggulong ko sa higaan. Matatanggap ko pa na ako ang may kasalanan sa pagkapuyat ko kung ako mismo ang gumagalaw habang sinusubukan na makaidlip subalit hindi iyon ang nangyari. Dahil sa paggalaw ng barko, anuman ang pilit ko na makatulog ng maaga, ang pagbangon ko nang umagang iyon ay dala na lamang ng pag-iisip na kailangan kong magtrabaho, bagaman ang katawan ko ay nagpupumilit na mamaluktot sa hinihigaan ko. Dinilat ko na ang aking mga mata at binuksan ang ilaw sa gawing ulunan ko.
Powtek. Ang hirap kapag ganito ang panahon. Hindi naman talaga bumabagyo sa rutang dinaraanan namin dito sa Mediterranean. Marahil ay dala lang ito ng papalapit na taglamig, na damang-dama na rin namin dahil sa pagbaba ng temperatura sa loob at labas ng akomodasyon. Sa kabila ng kagustuhan ng katawan ko na muling mamaluktot, inipon ko ang lahat ng aking lakas upang labanan iyon. Tumayo ako at dumeretso sa CR, binasa ang mukha at nanalamin. Maga na talaga ang mga mata ko at halata dahil sa mga namimintog kong mga eyebags.
Matapos iyon ay isinuot ko na ang aking boiler suit. Medyo sumikip na rin dahil siguro sa madalas na paggamit ko ng dryer. O dahil nadagdagan na naman ng ilang kilo ang timbang ko, Sa lahat ng bagay kasi bakit kaya ang pag-adjust ng timbang ang napakahirap? Nagumpisa na sana akong mag-gym nitong nakaraang buwan subalit nahinto na naman ngayong Nobyembre. At kahit na isang kapat na tasa nalang ng kanin ang kinakain ko, nadadagdagan pa rin ang timbang ko.
Alas tres singkwenta y singko na. Dali-dali akong pumunta sa elevator at pinindot ang button paakyat sa bridge. Pagdating ko doon, mas ramdam ang galaw ng barko dahil sa swell. Katulad ng lagi naming ginagawa bago matapos ang oras ng paggwardiya ng papalitan ko, nagkwentuhan muna kami ng ilang minuto. Konting balita tungkol sa susunod na pwerto, konting tsimis tungkol sa ilang kasamahan namin sa barko. Wala namang ibang barko sa malapit, madilim at natatabunan ng mga ulap ang buwan at mas lalong lumaki ang mga swell ngayong umaga ang dinagdag niya sa mga sinabi niya bago siya umalis. Naiwan akong kasama ang primero opisyal na Romanian na hindi ko man lang makakwentuhan. Naiwan akong nakatanaw sa malayo, nagbabakasakaling may makitang target subalit lumipas lang ang oras na walang sumusulpot na ilaw at sinisikap na maiaayos ang sarili sa pagkakatayo dahil sa patuloy na paggalaw ng barko.
Sa mga ganitong sitwasyon maraming pumapasok sa utak ko. Marami akong naaalala, naiisip na mga bagay na hindi ko na dapat iniisip. Katulad na lang ng nangyari sa Barcelona. Masaya ako nang lumabas ng gabing naroon ako, kahit na napagod kami dahil sa dami ng provision na kailangan hakutin at dalhin sa loob ng akomodasyon. Subalit bumalik ako sa barko na mabigat ang loob, nakokonsensya. Marahil may mga bagay na mas mabuting hinding gawin. Ilang araw din iyong bumagabag sa akin. Sinusubukan kong isulat nitong nakaraang araw ngunit hindi ko pa magawa. Sa tingin ko darating din ang araw na magagawa ko. Mabuti na lang din at nakausap ko ang matalik kong kaibigan tungkol doon. Anuman ang nangyari, mas mahalagang nakaikot ako ng ilang oras sa lugar na noon ko pa pangarap na marating.
Naalala ko bigla na nagsimula na pa lang mag-ayos para sa Pasko ang mga kasamahan ko kagabi. Nag-aalala ako na baka natumba na ang Christmas Tree na inayos nila sa recreation room. Nakakatuwa rin palang isipin na kahit magkakaiba kami ng ugali, nagkakaroon ng di pagkakaintindihan at minsan sitahan, may mga pagkakataon pa ring payapa at nagkakaisa kami. Natawa na lang din ako sa naging resulta ng paglalagay nila ng dekorasyon sa recreation room. Nagmistula itong cabaret tulad nga ng sinabi ng isa kong kasamahan dahil sa dami ng nakasabit sa kisame.
Hindi na ako nagbigay pa ng anumang komento nang sinabi iyon ng kasama ko. Nakakahiya naman na hindi na nga ako tumulong sa pagaayos, may sasabihin pa akong kung ano sa naging itsura ng recreation room. Ang mahalaga, maaga pa ay ramdam na ng mga tao sa barko ang diwa ng Pasko.
Bigla akong tinawag ni primero. I-check ko daw gamit ang largabista kung ano ang nasa pabor dahil may target na nakikita sa radar. Agad naman akong tumalima, at nakita ko nga na may barko kaming makakasalubong. Sinabi ko iyon sa kaniya at pagkatapos ay bumalik sa pwesto ko kanina at muling nagmunimuni.
Kailangan ko palang magtipid pa para sa mga plano kong gawin sa pag-uwi ko sa susunod na taon. Gusto kong mapuntahan ang ilan sa mga magagandang lugar sa probinsiya namin at niyaya rin ako ng mga kabatch ko sa kani-kanilang mga lugar. Magiging limitado lang ang free time ko kapag nasa Pilipinas na ako kaya mas mabuti na sigurong maaga pa lang ay gumawa na ako ng schedule sa mga gagawin ko pag-uwi.
Natutuwa ako sa kakaisip ng mga nabili kong souvenir sa Barcelona at Suez. May mga nabili na rin akong souvenir nitong nakaraang taon kaya malamang ay ipampapasalubong ko nalang ang ilan sa mga nabili ko ngayon. Hindi ko alam pero nasisiyahan akong magbigay sa mga kaibigan ko. Nakakatuwa lalo na kung alam mong pinapahalagahan nila ang binibigay mo.
Sandamakmak na namang training ang kailangan kong kunin pag-uwi. Mag-aayos ng ilang papeles at dokumento. Buwis buhay na pag-ikot sa Metro Manila sa pagaasikaso ng mga iyon. Sa paulit-ulit na paggawa noon, halos nasanay na rin ako. Excited na rin akong bumalik sa Cavite para sa ilang training. Baka imbitahin ulit kaming magbigay ng talumpati para sa mga bagong kadete sa Institute.
Lumilipad nga talaga ang isip ko habang nakatayo sa bridge at hinihintay na matapos ang oras ng duty ko. Hindi lang iyon ang mga naiisip ko, kundi marami pa sa loob ng apat na oras. Habang nakatanaw ako sa malayo, napangiti ako sa mga maaaring mangyari sa paguwi ko. Maalon pa rin ang dagat. Patuloy pa rin kaming dinuduyan at hindi ko alam kung kailan magtatapos iyon at magiging kalamado ang dagat. Mamaya bababa nanaman ako, magtatanong kay bokyo kung ano pa ang gagawin sa araw na ito, magpapahinga at babalik na naman sa duty mamayang alas kwatro. Paulit-ulit lang ang routine sa bawat buwan, minsan may mga mabibigat na trabaho o nakakapagod na operasyon, ngunit lilipas lang din iyon. Katulad ng swell na dumuduyan sa amin ngayon, bukas o sa makalawa, mawawala at lilipas din ng hindi namin namamalayan.
Mabilis lang ang oras. Keep yourself busy and then you will just realize time's up na pala. Wishing you had more time to do more. Though, alam mo namang you've done enough... Hahaha. I dont know what's with the Pharaoh thing, but halos lahat ng mga kilala kong seamen ay meron nyan. LOL. Ang ganda nung snow globe :)
ReplyDeleteThanks Yccos. Sa mga susunod pang pagsampa I'll try to do and learn more din.
DeleteParang pag Pharoah kase Egypt agad papasok sa isip mo kaya siguro ganun yung mga binibenta nila.hehe
*spoiler* Para sayo yung snow globe na yan. hehe >_<
Wow! didnt expect that and hindi mo na rin pwedeng bawiin ang sinabi mo. LOL. TIA :)
DeleteNo probs! hehe Okie dokie din. >_<
DeleteINgats!! Ang astig lang pag mga lalaki nag dedecorate lol!
ReplyDeleteGanda ng Souvenirs! mehhe :3
haha! Matatawa ka na lang talaga sa naging resulta.
DeleteThanks! At salamat din ulit sa pagdaan. :)
hayaan mo na ang oras, temporary lang tayo sa mundo kaya sulitin mo every minute and hour u got, just enjoy kung ano ang meron ka, isipin mo nalang na marami sa kasamahan mong gusto nasa lugar pero hindi pa sila pinalad, so yon be thankful sa ano ang meron ka ngayon sa buhay mo. ive read the buong entry post mo oo nga ano mahirap magtrabaho na nasa barko esp kapag madilim na ala kang makikita sa paligid mo (syempre madilim eh nganga lang ako sensya na! hahaha) per that will be paid off naman pag umuwi ka soon. syempre daming lakad. uy sumama kana sa meet up ng mga bloggers din hahaha si kat nameet ko na nong nagpunta cia dito ng cdo. hehehe
ReplyDeleteyang mga nabili mo, it might be too small for u pero sa iba malaking bagay na yan kaya pinapahalagahan talaga ang mga yan kahit nga post card eh, try mo padala ng post card dito cdo ipapakita ko sau saan ko ilalagay yan hahaha chos. di nga ano ako lang kasi nandito sa cdo sa pagkakaalam ko lang charot hehehe
so ginawa ko talagang entry ang comment ko ano? haha wag ka ng magtaka dahil ito ay simbulo na ako ay nagbalik na sa pagbblog! wwee? hahahaha me seryos! promise! hahaha
ive heard about u from kat too, ur from bicol also, eh i looked up ur blog, last year kapa pala nagstart eh, bakit ndi kita nakita man lang? hahaha or napadaan na ako dito dati hindi ko lang maremember? (ajinomoto pa more kasi!)
hope to see u soon froi!! ingat sa barko at gawa ka nalang ng maraming post para makalimutan mo yong takbo ng oras. post pa more! hahaha wwwwoooott!
grabe Lalah, ang haba nga talaga ng comment mo, hehe
Deletemeeting other bloggers? That would be great. Sana din I have all the time papuntang CDO minsan.
Hindi rin kase ako fan ng mga postcards, parang old school kase.hehe, pero subukan ko, baka minsan may makita akong makaka-agaw ng pansin ko at ipadala ko sa inyo. :)
Hala. anong pinagsasabi ni Yccos tungkol sa akin? hehe, sure, kayo din sana mamet ko pag may time.
sabi ko sayo eh hahahaha iwasan kapag ako ay dadaan kasi maging blog ko ang blog niyo charottt hahaahah
ReplyDelete