“Noy, virgin ka pa ba?”
Dyahe ang tanong na yan. Sa bawat kontrata ng pagsakay ko sa barko hindi maalis-alis ang tanong na iyan. Porke ba bata pa ako at ilang beses pa lang ako nakasampa kailangan na akong paulanan ng mga tanong na may kinalaman sa mga ganyan? Minsan nakakainis na lang ang paulit-ulit na pagtatanong nila kahit na sinasagot ko naman ang mga iyon. Napapatanong din tuloy ako kung ang anumang pangyayaring may kinalaman sa virginity (ko) ay may malaking epekto ba sa pangaraw-araw nilang buhay. O kailangan lang talaga nilang maging updated dahil isang giant leap for mankind iyon, sakaling hindi na nga ako virgin.
Noon pa man inihanda ko na ang sarili ko sa mga ganung tanong. Sasagutin ko sila. Sasabihin ko kung ano ang totoo para wala nang mahabang usapan. Pero sa halip na tumigil lang sa sagot ko sa tanong nila, mas lalo pa akong inuusisa. Mas marami pang mga follow-up questions. Mas lalo pa silang naiintriga. Hindi ko rin minsan maiwasan na maalaska.
Kung iisipin hindi naman malaking bagay iyon. Ang pagtatanong at pang-aalaska nila. Kaya ko namang harapin ang bawat salitang binibitawan nila. Ang nakakainis lang talaga ay ang paulit-ulit na pagbanggit nila tungkol doon. Nakakarindi. Nakakakulili sa tainga.
Katulad ng isang beses na nakasama ko ang isang crewmate sa trabaho. Dahil siguro wala ng maisip na mapag-uusapan, binuksan na naman niya ang topic na may kinalaman sa tanong sa taas. Na sa pagkakaalala ko, napag-usapan naman nung nakaraang araw. Habang pinipilit ko na magpokus sa ginagawa ko, nakaramdam lang tuloy ako na kailangan kong sagutin ang tanong niya. At dahil mas matanda siya sa akin, sinisikap ko na magpakita ng respeto hangga’t maaari.
Sa simula tinanong niya ako kung virgin pa daw ba ako. Sinagot ko naman ng matipid na “oo”. Hindi daw siya naniniwala, kaya inulit ko ang sagot ko. Kung nakahawak man lang ba ako ng ano, dagdag niya. Sinagot ko ng hindi pa talaga. Ang hina ko raw. Mahina saan? Sa isip-isip ko. Sunod niyang tanong ay kung may girlfriend daw ba ako. Sinabi kong wala. Huling girlfriend ko two years ago. May pagkapilosopo na ang huling tanong niya: kung lalaki daw ba talaga ako.
Great. Just when I thought Neanderthals died 40,000 years ago, here I am talking to one. Anyare? Panong nakasurvive? Gusto ko sanang sabihin sa kanya na why not go back to your cave and shut yourself to promote World Peace?
Siyempre naman, sagot ko. Dinaan ko na lang din sa tawa ang pagkainis. Iniisip ko na kailangan mo bang gumawa ng mga bagay-bagay, maging ‘normal’ sa mata ng iba para may mapatunayan ka? Sa sarili kong pananaw, hindi. Hindi ko kailangang gawin ang labag sa paniniwala ko o ipilit ang sarili ko sa pagkakaroon ng relasyon upang patunayan na ganap na seaman ako o lalaki ako. Ang lagi kong isinasaisip, may tamang panahon para sa mga bagay-bagay at mas kilala ko at hindi ng ibang tao ang sarili ko.
Nakakalungkot lang isipin na hindi lang isa o dalawang kaso ng pagkakahon ang ginagawa ng ilan sa kanilang kapwa. Hindi lang ako ngunit mayroong iba pa ang minamata dahil sa mga pinipili nilang gawin sa buhay nila. Na kung wala ka pang karanasan sa seks (sa ganitong edad), olats ka. Na kung olats ka nga, hindi ka nila kikilalaning kabilang sa grupong binigyan na nila ng standard sa lipunan. Plus points pa nga daw kung lalaki ka at may experience o naka-experience ka na. The measure of masculinity daw. The hell. Kung sinuman ang nagpasimula ng ganitong kaisipan, congrats. You can now die a slow and gruesome death. De, joke lang.
Tawagin na akong demure, old school, sissy, korni, cheesy o kung ano pa man sa sasabihin ko, pero hindi ba’t di hamak na mas exciting ang intimate moments when shared with someone you love, at alam mong siya na nga talaga ang makakasama mo habambuhay? Minsan natatawa ako sa sarili ko dahil sa pagkakaalam ko, madalas na mga babae lang ang may malaking pagpapahalaga sa mga love and intimacy things na yan, at nararamdaman ko na mahalaga rin sa akin ang ganung mga bagay. Siguro dahil lumaki ako sa pangaral at natutong panghawakan ang prinsipyo ko sa buhay, pati na ang pagsisikap na magkaroon ng mataas na standard of morality.
Kung virgin pa ba kamo ako? Oo ang sinasagot ko. Mas mabuti nang magsabi ng totoo kesa takpan ang sarili ko may mapatunayan lang sa ibang tao. Sa lipunang tumitingin hindi sa kabuuan ngunit sa isang bahagi lang ng pagkatao, mahalagang magkaroon ng kumpiyansa sa sarili at paniniwalang hindi nagpapatinag sa sistemang gawa ng mga mapangmatang tao. Inaasahan ko pa rin na sa mga susunod pang kontrata, makukulili at maririndi ako. Sige lang. Immune naman na ako.
Lol.. Hirap magcomment. *pat on the shoulders* na lang. Hahahaha
ReplyDeleteSalamat Yccos huhu. Tena, papicture nalang tayo sa mga living fossils tulad nila.hehe >_<
Deletegroupie na yan. maybe they are trying to start a conversation lang naman.
Deletesiguro Yccos. Umiral lang talaga ang pagkaanti-social ko.hehe
DeleteKknocks!! hayaan mo na lang sila lol. Mind your own business kamo at kanya kanyang paniniwala yan ahaha
ReplyDeleteKaya nga. hehe. Uhm, salamat sa pagdaan Aian. >_<
Deletewwwooott!! lalim ng pinaghuhugatan mo dito froi! hihihi magkaiba kasi ang pananaw ng tao sa mga bagay na yan, most of the guys plus points sa kanila ang ganyan, well depende din yan pano i-perceive ng babae o kahit sa mga nakakatanda man. pero i think u don't owe them an explanation in the first place, its not just a choice u have na virgin or not but siguro may mga paninindigan ka sa buhay to preserve that basically (wwoottt yes i am talking seriously now hahaha) basta keep ur heads up!!
ReplyDelete