Mahal kong Rhea,
First year college ka na. Dalagang-dalaga. Malayo sa Rheang nakita ko noong huli akong umuwi sa atin. Nababalitaan ko rin na may boypren ka na daw, hindi mo man lang sinabi sa akin. Minsan nga nagtatampo na ako, dahil dumating na sa puntong komplikado na pala ang mga nangyayari sa buhay mo at hindi mo man lang ako binabalitaan. Alam kong wala akong karapatan sa personal na buhay mo. Buhay mo yan. Kaligayahan mo. Sino nga ba ako para makialam? Tama. Ako lang naman kasi ang kuya mong di mo man lang nakasama sa loob ng mga taong lumalaki ka, nagkakaisip. Sa panahong nawala si Papa. Sa panahon kung kailan dapat nasa tabi mo ako at kailangan mo ang isang kuyang maasahan at masasandalan.
Nitong nakaraang linggo sinubukan kong tumawag sa atin. Hindi ko ma-contact sila Mama kung kaya’t si Ate mo ang tinawagan ko. May nabanggit siya sa akin, subalit ayaw niya akong bigyan ng detalye dahil magagalit ka raw. Sinabihan ko na lang siya na ikaw ang kakausapin ko, ngunit wala akong kaide-ideya kung bakit ayaw mo akong kausapin. Umiiwas ka sa akin. Kailangan pang suyuin bago mo ako tuluyang kinausap. Oo, nagalit ako noon sa iyo, dahil natatakot akong makatanggap ng isa na namang balita na katulad sa nangyari sa Ate mo. Ipagpaumanhin mo nalang ang pagtaas ng boses ko, iyon din ay sa kadahilanang wala man lang akong nakuhang maayos na sagot mula sayo.
Nakakuha lang ako ng maayos na impormasyon nang makontak ko sila Mama. Nabalitaan ko na pina-blotter pala nila ang boypren mo dahil pumupunta sa bahay kung naroon ka daw ng dis oras ng gabi, at hindi man lang nagpapaalam ng maayos. Wala naman sanang problema sa amin na may boypren ka, pero ang nagiging kilos at gawi ng boypren mo ang nagiging problema. Paano pala kung isang gabi bumisita yang boypren nang dis oras na naman ng gabi at walang paalam tapos mapalo ng dos por dos? O di kaya ay makagat ni Mutya habang nagtatago sa dilim? Hindi ako humihiling na sana ay ganoon nga ang mangyari, pero maaaring humantong sa mas malala pang problema ang ginagawa ng boypren mo.
Alam ko na naiirita ka kapag si boypren ang napaguusapan dahil sayo na naman nabubunton ang sisi. Isama na natin ang galit ni Mama dahil na rin sa isyung yan. Naisip ko na mas lalo kang tatahimik kung laging iyon ang pag-uusapan kaya minabuti kong tumawag ulit kay Ate mo, kausapin ka tungkol sa mga bagay-bagay na maiiwas sa isyu. Doon ko lang nakita ang side mo. Ang pagiging responsable mong estudyante at kapatid sa kabila ng iniisip namin tungkol sa iyo.
Napagtanto ko na masyado na naming ibinubuhos sa iyo ang mga bagay na hindi naman ikaw ang may gawa at nagkakaroon na rin ng distansiya sa pagitan mo at ng pamilya natin. Ayokong humantong tayo sa samaan ng loob dahil lang sa mga tao sa labas ng pamilya. Kaya sinusubukan ko ring kausapin sila Mama upang maayos ang mga bagay-bagay sa mahinahong paraan.
Inuulit ko, walang problema sa akin kung magkaroon ka man ng kasintahan ngayon. Hindi ko kailangang kwestyunin ang nararamdaman mo pagdating sa pagibig, o ang mga desisyon mo para sa sarili mo. Ang sa akin lang, maging open ka sana sa pamilyang nagmamalasakit para sa iyo at sa kinabukasan mo, dahil handa kaming gumabay sa abot ng makakaya namin. Hindi namin inaalis ang karapatan mo sa anumang bagay na gusto mo. Malaki ka na at wasto na ang iyong pag-iisip. At sana, kahit papaano, mas bigyan mo ng pagpapahalaga ang paggamit ng isip sa halip na puso sa pag-gawa ng mga desisyon pagdating sa pag-ibig lalo na sa mga panahong ito.
Sa totoo lang, wala akong ideya kung ano ang nararamdaman ng mga babae pagdating sa pag-ibig, kaya huwag mong asahan na makapagbibigay ako ng maayos na payo sa mga espisipikong bagay tulad niyaon. Makapagbibigay lang ako ng payo tungkol sa mga lalaki. Mag-ingat at huwag magpadalos-dalos sa mga bagay na gagawin, at huwag mahuhumaling sa matatamis na salita. Lagi mo ring isipin na kahit malayo si kuya, iniisip niya ang para sa ikakabuti mo. Kaya kung may manliligaw ka o boypren, huwag mag-atubiling ipakilala sa amin lalo na sa akin at nakahanda na ang dos por dos. De, joke lang. Nakahanda kaming gumabay sa paggawa mo ng desisyon, sumuporta at maging sandalan mo sa panahong higit mo kaming kailangan.
Nagmamahal,
Kuya
Awwww.. Super sweet Kuya!
ReplyDeleteMinsan, I think I had all the best men in my life -- my lolos, my papa, my titos and my kuya pinsans and kapatids and baby bro--- that I don't need another one. LOL
salamat Yccos! hehe
DeleteOf course they are the best. But don't limit the idea na may isang magiging dedicated din para sayo at makakasama mo sa pagtanda. hehe. >_<
Sana nga mabasa ni Rhea ang liham na ito at maramdaman niya ang puso mo...
ReplyDeleteSana nga po sir Rolf.
Deletemahirap rin po pa lang maging kuya, lalo na kapag nasa malayo ka.
Akong ako lang lalo na sa bunso nmin
ReplyDeleteKung pogi wag mo nang pagalitan ha pero pag panget paluin mo na i hazing mo na hahaha
haha!
Deletewala po sa akin kung ano man ang itsura. basta wag lang magdadala ng problema.hehe
kung isasakit lang ng ulo ng pamilya, aba eh, idaan na sa santong paspasan. :)