“How much?
Quanto?”
“Ciento
cincuenta minimo, dos cientos maximo.”
“That's
expensive huh! Couldn’t it get any less?”
“Que?”
“Uhm, no ciento
cincuenta... how about cien? Then vamos?
“No, no. Ciento
cincuenta minimo.”
“But that's
already in euros! Entiendo Ingles? Habla Ingles?
“No. No
intiendo, no habla. Pero siento cinquenta es bueno para ti. Es bueno
para mi.”
“What? Yo no
intiendo. Yo hablo y intiendo Español un
poco. Can I just speak English here?”
“Que?”
Ngumiti
siya. May sinabi pang ibang hindi ko maintindihan. Ngumiti na lang
din ako, sinubukang magsalita ng Ingles. Walang pagbabago. Hindi niya
ako maintindihan. Limitado lang din kasi ang salitang Espanyol na
alam ko. Muli siyang nagsalita, itinuro ang madilim na pasilyong
malayo sa kinauupuan naming dalawa. Habitación,
iyon lang ang naiintindihan ko. Kwarto.
Mukhang ipinapahiwatig niya sa akin na mas mabuti kung
sa kwarto na lang kami mag-usap.
Natatawa
ako sa sarili ko. Bakit nga ba ako nakikipagtawaran sa babaeng ito?
Sa pagkakaalam ko, pumunta kami dito sa bar upang uminom ng kaunting
cerveza, at
magpalipas-oras. Nang umupo kami at umorder ng maiinom, nagsimulang
lumapit ang mga babaeng nakatambay kanina sa may malapit sa pintuan.
May ilang umupo sa tabi namin,
nakipagkwentuhan.
Me
llamo Sofia. Y tu?
Ahh.
Hola Sofia. My name? I am Froi. Me llamo
Froi. Sinusubukan
kong hukayin sa pinakasulok ng utak ko ang mga salitang iyon.
Kahit na madalas ay hindi ko siya maintindihan, nakukuha ko pa ring
maunawaan ang ilan sa mga salitang binibigkas niya.
Taga-Ecuador daw siya. Dalawampu't dalawang gulang. Napadpad at nanirahan dito sa Barcelona simula
nang siya ay dalagita pa lamang. Mas mabuti daw ang buhay niya dito,
mas maayos, kumpara sa pinagmulan niyang bansa. Marami pa siyang
sinabi, at karamihan doon ay hindi ko maintindihan.
Lumipas
ang ilang minuto at napagod na yata siya sa mga pambungad na kwento
at salita. Dinampi niya ang kaniyang mainit na labi sa pisngi ko, at
may ibinulong na mga katagang di ko maunawaan. Naramdaman ko din ang
dahan-dahang paglapat ng didib niya sa braso ko.
“Sofia,
what are you doing?”
“Que?”
Humagikhik siya.
Tanong lang din ang sinagot niya sa tanong ko. Muli siyang nagsalita
ng Espanyol, at napagtanto ko na iyon ay tungkol sa kung magkano ang
presyo kung ikakama ko siya.
“Sige na Froi, ako
na sasagot niyan kung isandaan lang,” si Fitter.
“Okay 'ter,
kakausapin ko muna kung papayag.”
“Quanto Sofia?”
“Ciento
cincuenta minimo, dos cientos maximo.”
“Uhm, no ciento
cincuenta... how about cien? Then vamos?
“No, no. Ciento
cincuenta minimo.”
“Ayaw
'ter, gusto talaga wanpipty.”
“Sige
lang, kausapin mo lang yan at mapapapayag mo din yan.”
Muli
kong hinarap si Sofia. Inaalok ng isandaan. Hindi pa rin siya
pumapayag, kaya pinagmasdan ko na lamang ang natutunaw na yelo sa
inumin ko habang patuloy niya akong sinusuyo sa gusto niyang
mangyari.
Napansin
siguro niya na natahimik ako kung kaya't lalo siyang lumapit sa akin.
Sa pagkakataong ito, tinuturo niya ang kanyang pisngi at niyayang
akong humalik sa kanya.
Magiging masyado naman akong antipako kung hindi ko iyon gagawin, kaya't dinampi ko ang labi ko sa pisngi niya. Sa paglapit kong iyon, hindi ko maiwasang mapuna ang amoy ng pabango niya. Pinasidhi niyaon ang pagnanasa kong muli siyang halikan. Maya-maya, may binulong siya sa akin.
“Vamos a cuentas.”
“What Sofia? Que?”
“Yo y tu...en la habitación.”
Pagkasabi niya noon ay agad na kinuha ang mga kamay ko at nilagay iyon sa dibdib niya. Ito ang pangalawang pagkakataon na nakahawak ako ng dibdib ng babae. Mabilog ang mga iyon, malambot. Nag-init ang pakiramdam ko. Parang may dumaloy na kuryente mula sa kamay ko patungo sa buong katawan ko.
“Bueno? Si?”
“M-muy bien! muy bien Sofia. But I won't if it's one hundred fifty. I should be one hundred. Cien.”
Tinanggal niya ang mga kamay ko sa dibdib niya.
“No cien. Ciento cincuenta.”
Uminom ulit ako sa baso na nangangalahati na sa alak. Wala na. Hahaba lang ang usapan. Hindi rin naman papayag si Sofia sa gusto ko.
Muli niya akong niyaya at tinuro ang madilim sa pasilyo sa isang sulok ng bar. Ngunit umiling lang ako. Maganda si Sofia, ngunit masyadong mahal. Nagtanong ulit siya kung gusto ko ngunit humindi na ako. Pumunta lang kami dito upang uminom.
Lumipas ang ilang minuto na tahimik ako. Napansin niya iyon at kusa na siyang lumayo at pumunta sa grupo ng iba pang mga babaeng naghihintay sa maalok na customer.
Habang inuubos ang nalalabing alak sa baso ko, matama ko silang pinagmamasdan. Silang naguumpukan malapit sa may pintuan at patuloy na naghihintay sa kung sino ang maaaring bigyan ng panandaliang kaligayahan.
Sa grupong iyon pinako ko ang tingin ko kay Sofia. Katulad ng iba pa niyang kasama, nakangiti siya ngunit hindi tuwa ang makikita sa mga mata niya. Ang nakikita ko lamang sa kanya ay pagkainip, at pagnanais na umalis sa lugar na iyon.
Sa patuloy kong pagmamasid sa kanya, sa pag-iisip at pagtatanong sa sarili, bigla akong nakaramdam ng panlulumo.