Matagal ko nang gustong palitan ang pangalan ng blog ko.

Wala lang talaga akong maisip kaya lumipas ang araw, linggo, buwan at taon na di napapalitan iyon.

Pagkalipas ng mga araw, linggo, buwan at taon, me nakita ako kanina sa mahiwagang Dictionary of Nautical Terms.

Napaluha ako sa tuwa at naramdaman ko na unti-unting umi-expand ang mga bagay-bagay.

Umexpand ang kalawakan, mga bituin sa kalangitan, pati yung noo ko.

LOXODOGRAPH.

Dumaloy ang luha sa mga mata ko.

LOXODOGRAPH.

Dumaloy ang uhog at dugo mula sa ilong ko.

Sa ilang taon kong pagbabarko ngayon ko lang nalaman na me ganyan palang instrumento.

"A device for recording ship's oblique course or to record a ship's travels," sabi sa diksyunaryo.

Siguro ginagamit iyan noon ng mga sinaunang marino.

Anu't ano pa man ipapangalan ko yan sa blog ko.

Tatanggalin ang H at papalitan ng O.

Para maging tunog Pilipino.

Tulad ng James na naging Santiago. Bert na naging Berto.

Lahat sila sa dulo may O.

Kaya kahit korni, gagawin kong LOXODOGRAPO. yey!