Me: Thank you for calling bridge. How may I help you?
Caller: Baba na diyan! Pauwi na tayo!

            Pagkatapos ng anim na buwan na kontrata, dalawang linggong walang internet, at ilang oras na paghihintay ng flight, nakarating kaming buo at ligtas sa Pilipinas. Mabuti na lang at hindi umuulan sa Maynila, dahil umalis kami sa Taiwan na parang binubuhos ang ulan mula sa kalangitan.

*****

              Sa loob ng dalawang linggong walang internet, wala kaming ibang napagkatuwaan kundi ang irecord ang sarili namin at gawan ng parody ang music video ng OST ng Oh My G! Nakakatuwa daw kasi si Janella Salvador.




*****

          Parang napakabilis lang ng anim na buwan. Halos lumipas lang ang araw na di namin namamalayan. Kahit na tila saglit lang ang kontrata namin, nakakatuwa dahil nadagdagan ang kaalaman ko at naging maganda ang samahan namin sa barko, kumpara sa mga nauna kong nasampahan.


Pwede rin naman palang i-imagine na nagwo-wall climbing
 ka habang nakasakay sa Bosun's chair.


*****

          Isang araw pagkarating sa Pilipinas, pinaputulan ko na ang buhok ko. Ipapaputol rin naman iyon ng fleet manager ko kapag nakita niyang ganung kahaba. Maraming nagsabi sa akin na huwag ko munang paputulan, kaso wala eh. Magpapahaba na lang ulit sa susunod na kontrata.


*****

Bago ko pala makalimutan, ang nanalo ng "Lobster Award" ay si....(drum roll please!)


Lobster photo from Google Images

          ............ay silang lahat ng sumagot sa mga katanungan ko. Congratulations kay Sep, Sir Jo, Yccos at Fiel-kun. :) Kitakits tayo sa Sabado sa Megamall!hehe >_<


*****

          Iniisip kong magbakasyon ng apat na buwan. Sana lang talaga ay di ako agad na tawagan ni fleet manager. Gusto kong makapag unwind at ma-enjoy man lamang limitadong panahon ng pananatili ko sa lupa. Sana lang din eh umayon si Panahon at maging maayos ang ilang naka-schedule nang getaway (fingers crossed).