Ang gyro compass, bow.

           Mag-aapat na buwan na ako sa barko. Katulad ng dati kong ginagawa, magsisimula na akong magbilang ng natitirang araw ng pananatili ko sa dito. At dahil mas maikli na lang ang kontrata namin ngayon ( 6 months), makakauwi na ako sa katapusan ng Agosto kung sakali (yey!).  Medyo matagal na rin pala akong di nakakapagsulat ng maayos na post. Marami akong nasimulan pero di naman matapos. Andun lang sila sa drafts, naghihintay ng karugtong. At dahil wala naman kaming pasok ngayon, naisipan ko na lang na magrandom.

 *****

          Nadelay kami ng tatlong araw sa China dahil sa makapal na fog. Less than one nautical mile ang visibility kaya hindi kami makapasok ng Qingdao port. Yung fog siguro ang dahilan kung bakit yung mga fishermen nila eh napapadpad sa mga isla malapit sa Pilipinas. Tapos aangkinin nila. Anlabo mehn. Parang fog. Anlabo.

*****

Namumuo ang mga ulap sa malayo. Hindi namin alam na makapal pala na fog ang sasalubong sa amin.

         Pagkatapos namin ng discharging sa China eh agad naman kaming pumunta sa South Korea para sa bunkering (pagpapagasolina). Akala ko noon eh di naman matutuloy ang ilang naka-schedule na operations dahil na naman sa fog. Kinahapunan, nahawi naman iyon at sabay-sabay na nagsidatingan ang mga barge at service boat. Hindi magkamayaw ang lahat kung ano ang uunahin. Pero natapos naman iyon ng mga alas-dyes ng gabi at nakaalis kami ng Korea ng alas-sais ng umaga.

*****

          Nababadtrip ako sa sarili ko dahil nagsisimula na naman akong mag-procrastinate. Andami kong dapat gawin na hindi ko nabibigyan ng oras at madalas pinagpapaliban lang muna. Kahit na alam kong mas madami akong time na gawin iyon ngayon dito sa barko, di ko pa rin makuhang gawin. Nakakamiss tuloy ang mga study sessions namin ni Jan. Napapapursige ako. Sa ngayon sarili ko lang talaga ang kailangang magtulak sa akin.

*****

          Maraming nababadtrip sa bosun namin. Kabilang na ako. Pero di ako nagsasalita kung gaano ako kabadtrip sa kanya sa tuwing siya ang pulutan sa mga usapan. Not my thing. Nakakasawa kung puro si ganito si ganyan ang laman ng kwentuhan. Masyadong makatao.


*****

Nakakatuwang pagmasdan ang dagat. Parang salamin ng ulap. Naks!

          Kung gaano kalamig sa me Eastern Asia, grabe naman ang init malapit sa Equator. Kalmado naman ang dagat na parang nagiging salamin na ng mga ulap kung titingnan. Yun nga lang, ang iniiittt! Abot sing it!

*****

Bagong gupit. Selpi agad pagkatapos magbanlaw.

          Mag-aapat na buwan na rin pala akong hindi nakakapagpagupit, kaya kahapon, nagpagupit ako sa isa sa mga kasamahan ko. Pinabawasan ko lang ang gilid at tinira nya ang bandang tuktok. Voila! Undercut na daw. Konting haba pa at maitatali ko na ang buhok ko. Yung tipong Ariana Grande daw sa ponytail sabi ni Yccos.

*****

          Nagpa-contest pala ako sa mga kapwa ko marino. Tatlo lang ang nagpasa ngunit nakakatuwa naman ang pinagsusulat nila. Nagrequest pa ang isa na ipost ko daw dito ang mga iyon minsan. Bukas o sa makalawa, isa sa kanila ang makakatanggap ng $100. (yey!)

*****
 
Ang kalapati naming walang pangalan. Me kanin pa sa tuka.

          May alaga pala kaming kalapati ngayon sa barko. Apat silang galing Taiwan pero siya na lang ang huling natira sa kanila. Nakarating na siyang China, Korea at Papua New Guinea. Pero ayaw pang bumaba. Siguro dahil me melamine sa China, mers-cov sa S. Korea at malaria sa PNG. O dahil hinihintay pa rin niya ang pagbalik namin sa Taiwan. No one knows. No one knows.

*****
          Someone's creeping me out lately dito sa barko. Isa sa mga bagong kasamahan ko dito. He's giving me creepy stare at times. Subukan nya lang mang-assault, itatapon ko talaga siya sa dagat.


No, hindi siya yung tinutukoy ko. Me flashlight lang yan kaya ganyan.

           So far maayos naman ang lahat. Mas magaan ang mga trabaho ngayon dito kumpara sa dati kong barko. Ayun nga, naghihintay na lang ako ng ilang loading at discharging at uuwi na naman. Sana lang eh makapagbakasyon ako ng tatlo hanggang apat na buwan dahil bitin na bitin ang bakasyon ko nitong nakaraan (sabay katok sa kahoy).