Sofia



How much? Quanto?”

Ciento cincuenta minimo, dos cientos maximo.”

That's expensive huh! Couldn’t it get any less?”

Que?”

Uhm, no ciento cincuenta... how about cien? Then vamos?

No, no. Ciento cincuenta minimo.”

But that's already in euros! Entiendo Ingles? Habla Ingles?

No. No intiendo, no habla. Pero siento cinquenta es bueno para ti. Es bueno para mi.”

What? Yo no intiendo. Yo hablo y intiendo Español un poco. Can I just speak English here?”

Que?”






Ngumiti siya. May sinabi pang ibang hindi ko maintindihan. Ngumiti na lang din ako, sinubukang magsalita ng Ingles. Walang pagbabago. Hindi niya ako maintindihan. Limitado lang din kasi ang salitang Espanyol na alam ko. Muli siyang nagsalita, itinuro ang madilim na pasilyong malayo sa kinauupuan naming dalawa. Habitación, iyon lang ang naiintindihan ko. Kwarto. Mukhang ipinapahiwatig niya sa akin na mas mabuti kung sa kwarto na lang kami mag-usap.

Natatawa ako sa sarili ko. Bakit nga ba ako nakikipagtawaran sa babaeng ito? Sa pagkakaalam ko, pumunta kami dito sa bar upang uminom ng kaunting cerveza, at magpalipas-oras. Nang umupo kami at umorder ng maiinom, nagsimulang lumapit ang mga babaeng nakatambay kanina sa may malapit sa pintuan. May ilang umupo sa tabi namin, nakipagkwentuhan.

Me llamo Sofia. Y tu?

Ahh. Hola Sofia. My name? I am Froi. Me llamo Froi. Sinusubukan kong hukayin sa pinakasulok ng utak ko ang mga salitang iyon.

Kahit na madalas ay hindi ko siya maintindihan, nakukuha ko pa ring maunawaan ang ilan sa mga salitang binibigkas niya.

Taga-Ecuador daw siya. Dalawampu't dalawang gulang. Napadpad at nanirahan dito sa Barcelona simula nang siya ay dalagita pa lamang. Mas mabuti daw ang buhay niya dito, mas maayos, kumpara sa pinagmulan niyang bansa. Marami pa siyang sinabi, at karamihan doon ay hindi ko maintindihan.

Lumipas ang ilang minuto at napagod na yata siya sa mga pambungad na kwento at salita. Dinampi niya ang kaniyang mainit na labi sa pisngi ko, at may ibinulong na mga katagang di ko maunawaan. Naramdaman ko din ang dahan-dahang paglapat ng didib niya sa braso ko.

Sofia, what are you doing?”

Que?”

Humagikhik siya. Tanong lang din ang sinagot niya sa tanong ko. Muli siyang nagsalita ng Espanyol, at napagtanto ko na iyon ay tungkol sa kung magkano ang presyo kung ikakama ko siya.

“Sige na Froi, ako na sasagot niyan kung isandaan lang,” si Fitter.

“Okay 'ter, kakausapin ko muna kung papayag.”

Quanto Sofia?”

Ciento cincuenta minimo, dos cientos maximo.”

Uhm, no ciento cincuenta... how about cien? Then vamos?

No, no. Ciento cincuenta minimo.”

“Ayaw 'ter, gusto talaga wanpipty.”

“Sige lang, kausapin mo lang yan at mapapapayag mo din yan.”

Muli kong hinarap si Sofia. Inaalok ng isandaan. Hindi pa rin siya pumapayag, kaya pinagmasdan ko na lamang ang natutunaw na yelo sa inumin ko habang patuloy niya akong sinusuyo sa gusto niyang mangyari.

Napansin siguro niya na natahimik ako kung kaya't lalo siyang lumapit sa akin. Sa pagkakataong ito, tinuturo niya ang kanyang pisngi at niyayang akong humalik sa kanya.

Magiging masyado naman akong antipako kung hindi ko iyon gagawin, kaya't dinampi ko ang labi ko sa pisngi niya. Sa paglapit kong iyon, hindi ko maiwasang mapuna ang amoy ng pabango niya. Pinasidhi niyaon ang pagnanasa kong muli siyang halikan. Maya-maya, may binulong siya sa akin.

Vamos a cuentas.”
 
What Sofia? Que?”

Yo y tu...en la habitación.”

Pagkasabi niya noon ay agad na kinuha ang mga kamay ko at nilagay iyon sa dibdib niya. Ito ang pangalawang pagkakataon na nakahawak ako ng dibdib ng babae. Mabilog ang mga iyon, malambot. Nag-init ang pakiramdam ko. Parang may dumaloy na kuryente mula sa kamay ko patungo sa buong katawan ko.

Bueno? Si?”

 M-muy bien! muy bien Sofia. But I won't if it's one hundred fifty. I should be one hundred. Cien.”

Tinanggal niya ang mga kamay ko sa dibdib niya.

No cien. Ciento cincuenta.”

Uminom ulit ako sa baso na nangangalahati na sa alak. Wala na. Hahaba lang ang usapan. Hindi rin naman papayag si Sofia sa gusto ko.

 Muli niya akong niyaya at tinuro ang madilim sa pasilyo sa isang sulok ng bar. Ngunit umiling lang ako. Maganda si Sofia, ngunit masyadong mahal. Nagtanong ulit siya kung gusto ko ngunit humindi na ako. Pumunta lang kami dito upang uminom.

Lumipas ang ilang minuto na tahimik ako. Napansin niya iyon at kusa na siyang lumayo at pumunta sa grupo ng iba pang mga babaeng naghihintay sa maalok na customer.  

Habang inuubos ang nalalabing alak sa baso ko, matama ko silang pinagmamasdan. Silang naguumpukan malapit sa may pintuan at patuloy na naghihintay sa kung sino ang maaaring bigyan ng panandaliang kaligayahan.

Sa grupong iyon pinako ko ang tingin ko kay Sofia. Katulad ng iba pa niyang kasama, nakangiti siya ngunit hindi tuwa ang makikita sa mga mata niya. Ang nakikita ko lamang sa kanya ay pagkainip, at pagnanais na umalis sa lugar na iyon.

Sa patuloy kong pagmamasid sa kanya, sa pag-iisip at pagtatanong sa sarili, bigla akong nakaramdam ng panlulumo.


 


Of Landlubbers, Shellbacks and Pollywogs


 

''Be it known to all ye who enter my Realm,
that on this day this sailor was initiated
into the Solemn Mysteries of the Ancient Order of the Oceans
on board the ship Gigira Laitebo

...and in Latitude 00°00' and Longitude 137°40' East,
be it remembered by all ye Mermaids, Sea Serpents, Whales, 
Sharks, Dolphins, Skates, Eels, Lobsters, Crabs, Shrimps, Pollywogs,
Ice Worms, Passengers and Landlubbers...

...that when ye are honoured by his presence, 
ye shall treat him with the respect that is due to one of my Trusty Shellbacks
than which no respect is greater because by him and by his forefathers were many new,
Whereof nor you nor any of you may to the contrary
as ye answer at your peril."

                 
Neptunus Rex           


      We crossed the equator on April 7, 2015, and that was my first time. Who would think that an ancient tradition still exists on modern merchant vessels? The pictures below will show how the three newly joined crew members turned from slimy pollywogs to King Neptune's Trusty Shellback.

 

Everyone, look! Someone's coming!

Akala namin kung sino. Si Fairy godmoth...este si King Neptune pala.
 
Magbigay-pugay tayo sa hari ng karagatan! All hail King Neptune!

...and there the three pollywogs knelt.

With my magic wand...err, trident, I hereby command thee to perform the rituals.

And then King Neptune made us drink some sort of nasty liquid.

I will toss these coins into the pool. Bring these to me and prove that you are worthy of becoming my trusty Shellback.

At lumusong kami sa tubig, kinuha ang coins gamit lang ang bibig. Dun nauso ang sisid marino.

Sa kabilang dako, King Neptune's subjects were doing some photo shoot while we were having a hard time getting the coins.

Matapos ang ilang taon, nakuha rin namin ang coins at nagsimula na ang piging! De, papiktyur pala.

 
Kasabay din ng pagdiriwang na iyon ang paglusong ng lahat sa tubig.
 
At marami pang papiktyur sessions.

At last, I'm a full-pledged Shellback. Hawak ang aking certificate, nabilad ako sa araw. Mainit. Seryoso.

       





    


Rhea

Apat na buwan na simula ng umalis ka sa bahay.

Apat na buwan na naming sinusubukang  tanggapin ang naging desisyon mo.

Apat na buwan na ngunit hindi pa rin naghihilom ang sugat na iniwan mo.

Noong una kong natanggap ang balita ng pag-alis mo nang walang paalam, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Naghahalo ang galit, ang lungkot, ang awa at panghihinayang. Hindi ko lubos maisip na gagawin mo iyon, gayong sinabi mo pa noon sa akin na maayos na ang lahat at huwag na kaming mag-alala dahil gusto mong ipagpatuloy ang iyong pag-aaral sa kolehiyo. Buo ang tiwala ko na tapos na ang unos na dumating sa atin nitong nakalipas na mga buwan. Kumpiyansa na ako na mas pagtutuunan mo na ng pansin ang iyong pag-aaral, at iiwasan mo nang maulit pa ang mga nangyari na halos humantong pa sa barangayan.

Ngunit mali pala ako. Masyado akong naging positibo sa lahat ng bagay. Masyado akong naging mabait na kuya. Inisip ko na hindi na mauulit ang nangyari na. Mas pinili kong manatili ka sa atin gayong maaari ka rin naman  naming iiwas sa mga bagay na bumabagabag sayo. Iniisip ko lang din naman noon na nasa sayo pa rin ang desisyon kung ano ang tatahakin mo, at wala kaming magagawa kahit pa ilayo ka namin. Dalawang buwan lang ang lumipas simula ng pangalawang semester  at  pinili mo na ngang tuluyang lisanin kami, magsarili.

Araw ng pasko noon. Tumawag ako sa atin upang batiin kayo. Si Mama ang nasa kabilang linya. Alam kong may hindi magandang balita simula nang marinig ko ang boses niy. Nang magsimula ang Christmas vacation, umalis ka aniya sa boarding house dala ang mga gamit mo na sa buong akala ng ate mo ay iuuwi mo sa atin. Ngunit anong ginawa mo? Hinihintay ka noon sa bahay ngunit di ka dumating. Dumeretso ka na pala sa bahay ng boypren mo.

Napaluha ako. Umiyak, humagulhol. Magkakahalo na ang nararamdaman ko, ngunit ang higit na nagpabigat ng loob ko ay ang pag-iyak ni Mama habang kinukwento niya sa akin ang lahat. Ramdam ko ang sakit na sinisikap niyang itago sa akin. Ramdam ko na nahihirapan siyang tanggapin ang nangyari, at wala akong magawa upang ibsan iyon. Sinisikap ko ring pigilin ang pag-iyak ko dahil alam kong dudurog lang din iyon sa puso ni Mama, ngunit hindi ko magawa. Mabuti na lang at naroon si tita, kinuha niya ang telepono kay Mama at siya ang nakipag-usap sa akin. Doon lang ako muling nahimasmasan.

Wala na kaming magagawa dahil iyon na ang naging desisyon mo, sabi ni tita. Tama nga naman, dahil igapos ka man namin ngunit kung patuloy ka pa ring magpupumiglas, kakawala ka at mas lalayo lang sa amin. Iniisip ko noon na darating din ang araw na mapapagtanto mo kung ano ang nagawa mo. Kung ano ang naidulot ng naging desisyon mo.

Sa totoo lang, marami akong katanungan. Maraming bakit, maraming ano. Tinatanong ko ang sarili ko kung nagkulang ba kami ng pagmamahal at naghahanap ka ng pagmamahal mula sa ibang tao, o kung kulang ba kami sa pangaral at mas pinili mong itapon ang pagpapahalaga namin sayo. Bakit mo iyon nagawa gayong wala naman akong nakikitang dahilan upang iwan mo kami, sabihin sa amin na itakwil ka namin. Malayong-malayo sa nakababata kong kapatid na nasubaybayan ko ang paglaki at pagdadalaga, malayong-malayo sa Rheang kilala kong iniisip lagi ang kapakanan ng pamilya.

Naaalala mo ba ang mga panahong umiiyak ka at sinisikap naming gawin ang lahat upang patahanin ka dahil ikaw ba ang bunso namin noon? Naaalala mo ba ang panonood natin noon ng betamax at gabi na tayong umuwi ng bundok dahil malayo pa ang inuuwian natin? Naalala mo pa ba ang mga panahong masayang-masaya tayong lahat sa pamilya, dahil kahit salat sa mga materyal na bagay, buo at magkakasama pa rin tayo? Naalala mo ba ang pagtanong mo sa akin noon kung bakit masyadong makasarili ang ate mo dahil pinili niyang mag-asawa ng maaga?

Hindi ko sinasabing perpekto ang pamilya natin, subalit kahit papaano, nalalampasan natin ang mga problemang dumarating sa atin. Lumaki naman tayo sa pangaral at pagsisikap ng mga magulang natin na itaguyod ang pag-aaral natin, kaya hindi ko lubos maisip na gagawa ka ng bagay na ikakasama ng loob namin.

Nakita mo na kung ano ang naranasan ng ate mo kaya iniisip ko na hindi ka na gagaya sa kaniya. Nakapagtrabaho ako at kahit papaano, nakagawa ako ng paraan upang tustusan kayo sa kolehiyo. Mayroon nang oportunidad, at iniisip ko kukunin mo iyon, magsisikap ka upang hindi na natin maranasan pa ang paghihirap na dinanas natin noong mga bata pa tayo. Iniisip ko na aabutin mo ang mga pangarap na sinasabi mo sa akin noon, at ako bilang kuya mo, handang magsakripisyo upang maabot mo iyon.

Nakakalungkot dahil parang binura mo ang lahat ng iyon sa isang iglap nang sumama ka sa taong kamakailan mo lang nakilala. Hindi ko mailarawan ang nararamdaman ko dahil sa ginawa mo, dahil parang gumuho ang mga pangarap ko para sayo at ang mga pangarap natin para sa pamilya. Masakit, oo, ngunit higit pa palang mahirap ang pagtanggap sa katotohanang dumating na sa puntong namili ka, at hindi kami ang pinili mo.

Sa ngayon, sa tuwing tumatawag ako sa atin, lagi ko pa ring tinatanong si Mama kung kamusta ka na. Masama pa rin ang loob ko ngunit naroon pa rin ang isang bahaging naaawa sayo. Hindi ko iyon maiiwasan; magmatigas man ako dahil sa nagawa mo, kapatid ka pa rin namin, baliktarin man ang mundo. Sana sa mga panahong ito naiisip mo rin kung ano ang naging epekto ng mga desisyon mo hindi lang sa amin kundi sa haharapin mong bukas. 

Sana sa mga panahong ito mapagtanto mo ang mga bagay na higit na mahalaga, at ang mga bagay na nasa palad mo na ngunit binitiwan mo. Matalino ka, alam ko, ngunit sana, magbigay ng aral sa iyo ang mga pangyayari. Hindi ko maipapangako na ako pa rin ang makikita mong mabait na kuya sakaling muling magkaharap tayo. Alam kong kahit anong oras handa kang tanggapin nila Mama, ngunit kilala mo ako. Kilala mo ang kuya mo. 

Handa akong magpatawad ngunit dahil sa sugat na naidulot mo, hindi magiging madali iyon. Kaya kong magpatawad ngunit hindi sa ngayon. Hindi sa ngayon.