Five months and twenty-seven days na lang! Yun na lang at makakauwi na. Alam kong maaga pa para bilangin ko ang mga araw kung kelan ako makakabalik ng Pinas, pero dahil sa nakakabaliw na mga pagkakataon at sitwasyon ko sa barko ay di ako magkamayaw sa pagbilang ng naekisan ko nang mga petsa sa kalendaryo ko sa kabina. Halos tatlong buwan pa lang ako pero nakakaewan na. Nakakaewang mga kasama at klima ng panahon. Nakakaewang schedule at mga dapat at gustong gawin. Mabuti na lang at nabibigyan ko ang sarili ko ng oras para magmuni-muni at mag-emote kahit papaano.
*****
Nung nakaraang araw kagagaling lang namin sa Ras Laffan, Qatar. Susmeng init at halos kapusin ako ng hininga sa tuwing lumalabas ako ng akomodasyon. Mabuti na lang at umiihip ang hangin sa pwerto. Pero kahit na umupo ka lang sa labas ay maliligo ka talaga sa pawis. Mas matindi naman ang init nung nakaraang araw sa Fujairah, UAE. naglalaro sa pagitan ng 35 degrees at 40 degrees Celsius ang temperatura. Hindi pa kasagsagan ng init at ang lahat ay nag-eexpect ng mas mainit pang panahon sa Agosto. The hell talaga ang init. Pinapanood ko nalang ang lagablab ng apoy na lumalabas sa vent mast ng vapor line sa pwerto. Bawal kumuha ng litrato sa labas ng barko, pero nakuhaan ko naman ng panakaw ang nagaapoy na haliging iyon.
*****
Ilang araw nang mabagal ang internet sa barko. Ayokong manisi ng ibang tao pero ramdam ko na ang isa sa mga dahilan ng pagbagal nito ay ang pagda-download ng iba naming kasamahan ng kung anu-anong files. Hindi nila marealize na limited lang ang bandwidth namin. Kahit FB tuloy mahirap nang i-open.
*****
Marami akong dinalang libro sa barko, kahit alam kong may library na dun. Nakakatempt naman kasi dahil angmumura ng libro nung isang beses napadaan ako sa Booksale bago ako sumampa. Matatapos ko na ang Man Seeks God ni Eric Weiner pero kailangan ko pa ang konting pagpupursigi na basahin ang Spanish Lesson book na nabili ko. Gusto kong matuto ng Spanish dahil madalas kamng bumyaheng Spain at para di ako matameme kahit papaano sakaling lumabas kami upang magshoreleave.
******
Isa sa mga dahilan kung bakit ayaw kong i-add sa FB ang mga kasamahan ko sa barko ay dahil sa pagiging pakialamero nila sa posts ko. Madalas kasi akong magpost ng mga lines na pumapasok sa kukote ko. At automatic naman ang paglalagay nila ng mga nonsense na banat at pagpi-pyestahan ang wall ko.
******
Nababadtrip na ako sa isa sa mga kasamahan ko. Konti na lang talaga at masasapak ko na talaga siya. Sa bawat araw ba naman na nagkakasalubong kami isa at iisang salita ang mahilig niyang ibanat. Alam kong nagta-try lang siyang maging cool pero masyado nang monotonous ang sinasabi niya. Nakakakulili na. At hindi pa nakakatawa. I just wonder kung nakukulili rin ba siya sa sinasabi niya.
******
Etong isa ko namang kasama malakas ang tama. Lahat ng sasabihin detalyado pero mali naman. Kapag may iku-kwento ka may dagdag din siya, ieexplain pa. Nung nakaraang linggo may kakwentuhan ako tungkol sa Naruto at sumabat siya. Dumagdag ng mga detalye sa kwento na mali naman. Yung Game of Thrones daw tapos na niyang panoorin at napanood na niya ang pinakaending, kahit na Season 4 pa lang nagtatapos. Dami ding sinasabi kapag nasa trabaho kami. Konti na lang din at masasapak ko na ang taong ito.
******
12-4 ang duty ko sa barko. As usual, tumatambad sa akin sa tuwing aakyat ako ng bridge ang tank dome. Maliban pa roon at sa horizon, wala na akong ibang nakikitang bago. Mga fishing boats at mga makakasalubong na barko. Sa gabi naman eh mga bituin sa kalangitan. Sana minsan maiba naman. Sana me makita ako kahit isang beses na sirena o syokoy man lang.
******
Ang hirap palang magjoke sa English, lalo na kung iaattempt mo na itranslate ang mga Pinoy na jokes sa English. Sinubukan kong magjoke sa ka-gwardiya ko in English (since Romanian ang kasama ko) pero di sya natawa. Nagkaroon lang ng awkward silence sa pagitan naming dalawa. Mabuti na lang at isang beses me naisip ako. Dun ko lang siya napatawa nung di ako nagtry-hard magtranslate.
******
Ilang buwan pa ang gugulin namin sa barko kaya napagdesisyunan namin ng isa kong kabatch na nakasama ko ngayon, si Jan na mag-aral at magreview tungkol sa kanya-kanyang field. Marine Engineering siya at Marine Transportation naman ako. Gumawa kami ng schedule para mapag-aralan ang mga iyon, kasama ang review sa Mathematics at Physics (na madalas siya ang nagtuturo sa akin dahil olats ako sa ganun). Nag-agree naman siyang matuto ng tungkol sa field ko kaya madalas na rin siyang tumambay sa kwarto ko para magkaron kami ng discussion pagkatapos ng trabaho namin. Sa totoo lang tamad akong mag-aral pero mabuti na lang at nariyan siya na masigasig sa pagaaral. Hopefully, matatapos ang kontrata namin na di kinalawang ang utak namin at nagamit namn ng maayos ang panahon sa kabila ng nakakaewang sitwasyon namin sa barko.
Hindi ka naman anti-social sa lagay na yan? Haha. Dont let them get into your nerves, pwede namang deadma kung deadma lang. Add me sa fb! Hihihi..
ReplyDeleteAng saya mag-aral diba? Hehehe. Physics is superfun too! Hahaha.. Hanapin mo yung Conceptual Physic by Paul Hewitt kasi ok yung illustrations and examples dun. :)
Hindi pa naman.hehe. Pero nakakaramdam ako na parang nagiging anti-social ako kapag bumabalik ako sa Pinas, epekto siguro ng sitwasyon ko. Tama, mabuti na lang at me blogosphere para ilabas yung pagkabadtrip sa kanila. Ahmmm. sige, pero pano kita hahanapin? :)
DeleteMasaya talaga. Lalo na kung nagstart na yung exchange ng ideas. Sige, try ko yan. Para di naman ako masyadong mapanganga sa Physics na yan.hehe
Ayan na naman si Babykat... *hihi*
DeleteAko din Papi Froi. :)
Sige, at paghahanapin ko kayo.hehe
DeleteThis comment has been removed by the author.
DeleteAyan na-add ko na kayo.hehe. Chat nalang tayo pag may time. >_<
DeleteBagong gawa na FB yun? I guess for bloggers yun, so it means may personal account ka talaga. *hehe* Parehas tayo.
DeleteAng CUTE mo talaga Papi Froi!!! Bagay kayo ni Babykat! Pero mas bagay tayo! *hihihi!* May gerlpren ka na ba?
Oo. Para fair.hehe
Deletenaks naman. so kailangan ko nang mag isip ng pasalubong para sa inyo ni Yccos?haha!
wala pa nga eh. last year sana, me niligawan, kaso ayun nabasted.hehe
Oo, mas bagay kayo, nauubusan na kami. I repeat, nauubusan na kami. Hahaha..
DeleteAs for pasalubong, depende kung san ka magda-dock at mamimili, let me know, madalo ako kausap. Bwahaha...
Sarili mo na lang ang ipasalubong mo sa akin, Papi Froi! *hihihi*
Deletenatatawa ako sa last comment ni Yccos. Ano to, ubusan ng lahi? Survival of the fittest?hehe
Deletemakikita natin, kung ano pwede.hehe
Buti na lang hindi ako nag-seaman. *hehe* Seaman kasi ang tatay ko, at yung kapatid ko na sumunod sakin, malapit na mag-graduate. Mukhang ihahanda ko na ang tenga ko sa mga posibleng magiging reklamo ng kapatid ko tuwing uuwi siya mula sa sakay. :P
ReplyDeleteTama, pero exciting rin naman Sep, kung natipuhan mong piliin nung una. Saka, malay mo, it runs in the blood pala.hehe
DeleteCongrats sa kapatid mo, pero sa una lang naman ang may pinakamaraming hassle. Pagmadalas na, tulad rin naman ng trabaho sa lupa. Lagi mo sa kanyang ipaalala ang mga gusto mong pasalubong sakaling mapunta siya sa kung saang magandang bansa.hehe
Yes, naisip ko na rin yan, malaki kasi ang sweldo ng mga seaman. Kaso naisip ko rin na matitigang ako sa barko FOR MONTHS. Tas ang mahirap pa dun, dahil sa bakla ako, puro lalake ang kasama pero di naman pwedeng galawin. Para kang hinainan ng paborito mong ulam pero bawal kainin. Gets mo? *hahaha*
DeleteAlam ko mahirap talaga ang trabahong yan, kaya hanga ako sa tatay ko sa more than 2 decades na tiniis niya na malayo sa amin. Nakakalungkot pero kinaya niya for us. Someday, magkakaroon ka na rin ng inspirasyon para sumakay. Yung reason kung bakit mo kailangang gawin yan. Baka sakali, medyo mabasawan ang mga hinaing mo. :)
Masasanay ka rin naman kapg tumagal na.hehe tapos pagbaba mo, me "halo" ka na sa ulo.haha!
DeleteYun nga, actually meron na ngayon. Yung magulang at mga kapatid ko. Pero siguro mas maiiba na kung magkakaroon na ako ng sarili kong pamilya.