Sa tuwing sasapit ang kaarawan ko, hindi ko maiwasang makadama ng pagkabalisa. Para akong natutuwa, na natatakot, na nalulungkot na nananabik. Parang katulad lang ng nadarama ko sa tuwing sasapit ang pagtatapos sa paaralan. Matagal ko nang napapansin iyon, ngunit tulad ng lagi kong ginagawa, pinapabayaan ko na lang na matapos ang buong araw. Lumipas na nga ang dalawang dekada ng buhay ko at laging ganun ang nararamdaman ko.
Marahil, isa lang iyon sa mga kawirduhan ko. Na minsan, gusto kong mabago at matanggal sa sarili ko. For a better me. Kaya minabuti kong isa-isahin ang mga kawirduhang iyon, at labindalawa pa lang ang pumasok sa kukote ko. Siguro, meron pang iba na di ko napapansin sa sarili ko, ngunit napapansin ng ibang tao. Eto ang mga iyon:
1. Takot ako sa dugo. Hindi yung tipong takot na makakita ng tumutulong dugo sa isang maliit na sugat. Kaya ko pa yun. Pero yung labis na pag-agos ng dugo, lalo na kung sa katawan ko galing, para akong napaparalisa. Nanlalamig ang katawan ko at nandidilim mga paningin ko.
2. Hindi kumpleto para sa akin ang fruit salad kapag walang sahog na cheese o cherries. Ugali ko rin na halukayin ang salad para hanapin ang mga iyon.
3. Hindi ako marunong kumain ng isda ng maayos. Lalo na ng bangus. Kung ang ibang tao ay nakakain na tinik lang ang natitira, marami naman akong nasasayang na laman ng isda.
4. Mahilig akong mamigay ng mga small gifts, kahit walang okasyon, lalo na kapag malapit sa akin ang tao. Madalas, pinipigilan ko ang sarili ko na gawin iyon dahil baka bigyan ng ibang kahulugan ng binibigyan ko.
5. Wala akong kahilig-hilig sa outdoor games o sports. Olats lang ako kapag sinusubukan kong sumali sa mga ball games. Kahit na ganun, naipasa ko ang PE sa college na mga recreational games. Para sa akin, isa pa ring misteryo iyon.
6. Kapag may kinakausap akong tao sa unang pagkakataon, hindi ako tumitingin sa mata niya. Napapansin ko na lang ang sarili ko na lost in thought habang nakatingin sa mga ngipin niya. Oo mga ngipin niya. Hindi ko alam kung may parte ng sarili ko na dentista looking for cavities o likas na mahilig lang ako sa ngipin.
7. Malaking turn-on sa akin ang babaeng may angst. Yung tipong ill-tempered at maikli lang ang pasensya. Yung out-of-this-world kung magexpress ng pagkabadtrip. Parang female version lang ni Bertong Badtrip.
8. Wala akong fashion sense, o sabihin na nating nangangailangan ako ng fashion intervention. Kung anong meron akong damit okey na, basta me naisusuot. Hindi rin naman akong mahilig mamili ng damit pamporma.
9. Kapag naiinis ako sa isang tao, lalo na sa workplace, naiimagine ko ang sarili ko na sinasapak o pinapalo ng dos por dos ang taong kinakainisan ko, lalo na yung mga ipokrito. Pasalamat na lang ako at biniyayaan ako ng mahabang pasensiya at pagpipigil sa sarili.
10. Hindi ako nakakatulog sa gabi kung wala akong kumot. Di baleng walang unan at tandayan, basta me kumot, solb na ako.
11. Binubura ko agad ang mga pornographic files sa laptop kapag tapos ko nang mapanood. Hindi kase ako mapakali kapag alam kong me ganun ako computer.
12. Obsessed ako sa relationship na kung tawagin ay friendship. Masyado akong concern sa mga itinuturing kong malapit na kaibigan at dumadating sa puntong nakikialam na ako sa buhay nila. Sinisikap ko na ring iwasan na magkaganoon, dahil ilang beses na rin akong nawalan ng matalik na kaibigan.
Kaarawan ko pero nasa pwerto kami para sa loading operation. Ayos lang, matatapos naman ang araw ng di ko napapansin. At hindi rin naman ako mahilig mag-celebrate ng araw ng kapanganakan. Siguro isa rin yun sa mga kawirduhan ko, bilang ako.
1. I think lahat naman tayo manghihina kung makikita natin na umaagos ang dugo mula sa katawan natin. *hahaha* Pero dahil Nurse ako, hindi ako pwede matakot sa dugo.
ReplyDelete2. Natakam naman ako sa fruit salad. Sheeeeet.
3. Mahirap nga kumain ng bangus. Effort!
4. Dahil diyan, mula ngayon close na tayo ha? *hihihi*
5. Parehas tayo Papa Froi. Swimming lang ang sports ko. Atsaka board games. Tara, dun tayo sa sulok, laro na lang tayo ng bahay-bahayan. *hihi*
6. Ako nakatingin sa lower than that. *harhar*
7. Pagkabasa ko nito, si Yccos agad ang naisip ko. *hahahahahaha!* Lalo na kung may amats. Naku.
8. Hayaan mo Papa Froi, dadamitan kita. *hihi* Tara, samahan kita mag-shopping. Ako magsusukat sa'yo. :P
9. Sa'kin mo na lang ilabas ang galit mo. Dun tayo sa kwarto. LOL
10. Don't worry, kapag nakasama kita matulog, I'll make sure to bring kumot. *hihi*
11. Pati ba yung mga sariling sex videos mo? >:)
12. Like what I said sa #4, friends na tayo huh!
Wag ka mapipikon huh, Papa Froi. Pinapatawa lamang kita. Hindi naman talaga ako ganyan sa personal, tanong mo pa kay Yccos. *hahaha* Maligayang Kaarawan sa'yo! *mwahugs!*
Salamat Sep. Nang marami.haha! Natawa talaga ako. Solb na ang isang buong araw na nakakapagod sa comment na 'to.wahaha!
DeleteKelan nga ba birthday mo? baka sakaling makabawi.hahaha!
*hihihi* Kinilig naman ako dun Papa Froi! Walang anuman, basta ikaw. Malakas ka sakin eh.
DeleteMarch 21. Galingan mo ang bawi huh! LOL
Sana pag-uwi mo dito, maka-bonding ka namin. :)
sige. mamarkahan natin yan sa kalendaryo.
Deletesure ba. basta wag nyo akong takutin ni Yccos eh. haha!
Hahaha... Horror Train na yan!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Delete1. Takot din ako sa dugo. Bawal mag-away sa classroom ko kasi hindi ko sila lalapitan kapag may dugo. Lols.
ReplyDelete2. Gumawa ko ng fruit salad today. Sayo na yung tira, may cheese yun. Hehe. Dagdagan mo na lang ng cherries :)
3. Masarap magkamay kapag ganyan!
4. Hmmm.. Kanya-kanyang ways of appreciation :) ako naman mahilig magbigay ng notes o magscribble sa notebook ng di ko notebook. Haha
5. Why? Masayang maglaro, sumipa ng bola, magbadminton at gumala :P
6. Weird nga. Ako sa noo, para di halatang di sa mata nakatingin.
7. Sino si Bertong Badtrip, neverheard. Lols. Dont wish to see a girl lose her patience. Hahaha
8. Fashion should always go along with comfort. Whatever makes you comfortable, go for it but it wont hurt to consider suggestions, thats what friends are for :) to make us look good and feel better about ourselves.
9. Kapag may kinaiinisan ako, id rather not look. Hahaha
10. Kumot and unan should go together. Or walang tulugan na lang.
11. Ganun talaga para walang ebidensya. Hehe
12. Hmmm.. It's something learned naman over the years, pag bata pa kasi, ang alam lang ay ang ideal at kung ano dapat ang tama, over the course of time, experience and wisdom, pumapasok ang salitang reality at compromise, so dont get sad if you had lost some people dear to you, at one point, whats important is you cared :)
Happy Birthday! Dami kong time eh. Haha..
At dahil marami kang time, bigyan natin ng kasagutan ang dalawang katanungan.hehe
Delete#5. Lumaki ako sa paanan ng bundok at malayo sa kabihasnan. Masyadong malayo kung dadayo pa ako para makipaglaro.
#7. Si Bertong Badtrip ay isang kilalang karakter sa Kikomachine Komiks. Kilala siya ni Sep. kaya siguro napaghambing niya.hehe
salamat pala sa fruit salad. masarap siya. grabe. hahaha!
Most of all, salamat sa pagbati. At sa mahabang comment. God Bless Yccos!