Binilang ako ang oras na ginugugol ko sa mga social networking sites sa isang araw at lumalabas na halos anim na oras at tatlumpung minuto akong nakatanga at nagpapaka-stress sa mga nakikita ko sa laptop at sa cellphone sa buong maghapon.


*****

            Dahil alam ko naman na walang kahihinatnan ang mga pinagagagawa ko, minabuti ko na lang na mag-OC mode simula Abril uno. Nilinis ko ang kwarto ko, tinapon ang mga basurang dalawang linggo nang hindi nagagalaw at nag-ayos ng mga gamit. Tinago ko rin si lappy, nilalabas lang kung kailangan at sinimulan na ang puspusang workout. Kailangan na talagang magtino. Para sa bayan. Para sa ekonomiya.


*****


          Four percent fluent na daw ako sa Spanish sabi ng Duolingo, isang language learning app. Mga ilang linggo na rin simula nang ginamit ko ito, at nakakatulong nga naman sa pag-improve ng bokabularyo. Kailangan ko na rin talagang magseryoso sa pag aaral ng Espanyol, dahil kung hindi, hindi ko makakausap ng matino ang mga naging kaibigan ko sa Livemocha. Nakakalungkot lang dahil isa-shutdown na daw ito sa 22.


*****


          Gumawa na ako ng schedule ng mga aktibidades at mga kailangang tapusin para makumpleto na ang mga requirements ko para sa plano kong pagkuha ng license examination sa susunod na taon. Andame ko nang nasasayang na oras sa barko, at kailangan na talagang magpokus para matapos ang mga iyon.


*****


           Naglakas-loob ako na i-message si crush. Kaso seen daw sabi ni Facebook. Ok lang. Mukhang ayaw nya naman ng sustento buwan-buwan. De, joke lang.hehehe



*****


           Anim na taon na pala akong wala sa isang seryosong relasyon. Magiging halaman na kaya ako?


*****


         Pakiramdam ko naadik na ako sa kakapanood ng mga malalaswang pelikula. Dahil ba sa walang magawa, o dahil sa hormones? Basta alam ko hindi maganda ang nagiging epekto. Naapektuhan ang mental processes ko. At nakakaramdam ako ng panlulumo.