Excited na ako sa magiging luto sa ampalaya bukas!




         Valentine's na bukas pero nasa barko pa rin ako. Naalala ko nang nakaraang taon, nakapunta ako ng Dangwa para mamili ng bulaklak. Nang pauwi na (sa Fairview) medyo malayo nilakad ko at nakipambuno pa sa pagsakay sa bus. Nakarating naman ng di masyadong lamog ang mga bulaklak sa mga pagbibigyan. Doon ko na-realize na pwede pala akong maging delivery boy.


******

         Valentine's na bukas. Sabi ni second cook magluluto daw siya ng ampalaya. Iniisip ko naman kung anong magandang luto sa ampalaya. Yung usual na me itlog ba o ihahalo lang sa pinakbet? Wish ko lang na 'wag niyang kilawin ang ampalaya bukas.


******

         Valentine's na bukas. Pero ngayon pa lang andame nang PBB teens sa FB. Post ng mga bulaklak. Mga hart hart kuno. Mga pumuporeber. Bakit ba kasi nagiging overrated na ang February 14?!


******

         Nitong nakaraang araw me nakita akong post na picture ng "boypren" di umano ng sis ko. Naka-tag kay sis, me nakalagay na "Happy 5th Monthsary Mahal Koh." Yes, may "h" ampotek. Nag init mukha ko at nag-comment lang ng "Edi waw!" saka me emoji ng kamao at bungo.


******

         Dahil dun nakapagpost pa ako ng ganito sa wall ko: "Sa galit ko ngayon makakagawa ako ng atomic bomb mula sa tiniktik na kalawang. Tapos lalagyan ko ng ribbon. Then send ko senyo sa Valentine's."

******

         Sa kabila ng nag-aalab na damdamin nitong nakaraan, nakakatuwa rin dahil nakatanggap ako ng magandang balita. Approved na ang promotion ko. Yay!


******

         Valentine's na bukas pero nasa kwarto lang siguro ako ng buong maghapon. Magmo-movie marathon siguro o matutulog lang. O magpe-pretend lang  na ako ay isang bubuyog na nasa bingit na ng insanity dahil walang makitang bulaklak sa paligid.



Photo: Google Images