Ano ba ang nangyayari kapag nagkita-kita ang mga taong nagkakilala lang online?

      Kahapon ko lang nalaman, nang makatagpo ko sila Yccos at Sepsep sa Cubao. Medyo nahuli na nga ako ng dating dahil sa ilang bagay na kailangan kong gawin. Sa dakong huli, nagkita naman kami ng maayos. Hindi naman nila ako tinakot. (haha!)

    Bago ako pumunta, naghahalo ang nararamdaman ko. Excited at kinakabahan. Excited dahil makikilala ko na sa personal ang mga taong madalas magcomment sa mga sinusulat ko habang nasa barko ako at kinakabahan dahil makikipagkita sa mga taong hindi ko lubos na kilala. Ano man ang naramdaman ko nung una, naging maganda ang kinalabasan ng una naming pagkikita.

       Ano nga ba ang nangyari?

      Mahabang kwentuhan. Career. Trabaho. Lovelife. Mga Rated R na mga bagay. Pakilala ng maayos. Kamayan. Hugs.

     Doon ko mas nakilala ang mga tao sa likod ng mga blog na sinusubaybayan ko. Pareho silang masayahin at mahahawa ka sa positive vibes na ini-emit nila. Pareho silang nakakatuwang kakwentuhan. Parehong makukulit ang lahi.

      Si Yccos, bubbly. Siya ay isang munting bubble personified. Gadget girl, andameng nilalabas na kung anu-ano. Kwento kung kwento. Hindi ka mabobore kung siya ang kakwentuhan mo. Medyo napahaba pa ang kwentuhan naming dalawa nang naunang umuwi si Sep at nag-alay-lakad muna kami sa Cubao sa paghahanap ng masasakyan pauwi.

     Si Sep naman, expect the unexpected. Palakwento. Parang istrikto sa unang tingin. There is something in his eyes. Hindi dumi o kung ano.hehe. Yung tipong sinusuri nya ang taong kausap niya. Nauna na rin siyang nakauwi dahil may event daw sa bahay nila.

      Hindi ko pa sila lubos na kilala, pero nag-click lang talaga ang una naming pagkikita. Naging masaya ang araw na iyon para sa akin, sa kabila ng mga nakakabadtrip na nangyari sa akin noong nakaraang linggo. Inaasahan ko na mas makikilala ko pa sila sa mga susunod na pagkakataon. And truth to be told, one of the best thing na nangyari sa bakasyon ko ang pagkikita naming tatlo.



Si Yccos of saturdaythoughts at ako. Parang nakipagkita lang ako sa isang celebrity. Naks!

With Sep of Alfabeto. Isa pang celebrity. Nakalimutan kong magpa-otograp.