Seafaring 101: Mga Kailangang Dalhin Kung First Time Mong Magbarko

 

         Marami akong nakaligtaang dalhin nang una akong sumampa ng barko. Mga bagay na kailangan ko pala, at kakailanganin habang lumilipas ang mga araw, linggo at buwan ng pananatili ko doon. Nagkaroon ng ilang inconvenience dahil sa pagiging makakalimutin ko, kung kaya’t naisipan ko na dapat pala ay gumagawa ako ng to-bring list at dinu-double check ang laman ng aking maleta isang araw bago ang flight ko. Sa ganitong paraan, naiiwasan ko ang abot-abot na pagsisisi dahil sa mga bagay na di nadala o nakaligtaan kapag narating ko na ang magiging tahanan ko sa loob ng ilang buwan.

    Kung ikaw naman, sa unang pagkakataon ay sasampa na matapos ang ilang taong pananatili sa kolehiyo o ilang buwan sa opisina ng inyong kompanya, maiging pag-isipan ang mga dadalhin bago pa man ang araw ng pag-alis mo sa bansa. Maging mapili sa mga dadalhin upang maiwasan ang labis na bagahe, at maging maabildad sa pagsiksik ng mga items na nais mong isama sa iyong pag-alis upang magamit mo ng husto ang limited space na kaya ng maleta mo.

     Bagaman ini-emphasize ko dito ang mga taong magtatrabaho o kukuha ng training sa barko sa loob ng ilang buwan sa unang pagkakataon, maaari din itong i-apply sa mga taong may planong magbarko. See? At least ngayon, naka-prepare ka na. Ito lang ang masasabi ko sa mga dapat mong dadalhin kung first time mo: dalhin mo ang pinakakailangan mo at ang makakaya mong dalhin. Siguraduhin mo lang na di iyon labag sa batas at di ka mahaharang sa customs upang maiwasan ang hassle at delay sa byahe mo.

    Nasa ibaba ang mga bagay na pwede mong isama sa to-bring list mo. Isa-isahin natin ang mga iyon at bigyan natin ng dahilan kung bakit mo maaring kailanganin sa iyong pagsampa.

 

1.PERSONAL DOCUMENTS. Kabilang dito ang passport, seaman’s book, mga mahahalagang dokumento upan makalabas ka ng bansa, training certificates, at mga personal na papeles na iniissue ng mga gov’t agencies. Siguraduhing nakaayos sa isa o dalawang folder dahil kadalasang ipinapasa ang ilan sa mga ito sa management ng barko. Huwag ding kalimutang magbaon ng mga ID pictures na iba-iba ang sizes (passport size, 2X2,1X1, etc.). Okey lang ang kahit anong kulay na background, ‘wag lang magpa-pout ng lips o mag-duck face sa picture.

 

Supporting Documents for Passport

 

2.DAMIT. Magiging tahanan mo na ang barko sa loob ng ilang buwan, kaya maiging maghanda ng ekstrang damit na gagamitin sa pananatili mo doon. Magdala ka ng makapal na jacket dahil maaaring magawi kayo sa malalamig na lugar at mga damit na maninipis o naayon sa klima dahil maaari ding mapunta sa bwakanang init na bansa. Magdala rin ng ekstrang underwear, ekstrang medyas at uniform (kung may iniissue ang kompanya. Magdala ng tama lang. Hindi kailangan ang sobrang damit sa barko. Hindi ring kailangan ang masyadong out-of-this-world at ultra-modern fashion na mga damit. Yung disenteng maiisusuot kung lalabas ka eh pwede na. Huwag ka na ring mamroblema sa paglalaba at kung saan ka magsasampay dahil may washing machine at drying room na rin sa barko.

 

clothes

 

3.WATCH/RELO. Isa sa mahalagang bagay na kakailanganin mo ang relo. Paulit-ulit lang ang routine sa barko, pero bawat gawain ay may oras na kailangang simulan at tapusin. Ang pagkakaroon din nito ay makakatulong upang ma-manage mo ang iyong panahon at maging handa sa susunod mong gawain. Hindi mo kailangan ng mamahaling relong pantrabaho. Me tig-iisang daang relo na binebenta sa mga kalye sa Maynila. Kung gusto mo namang makapamili, subukan mong mamili sa Baclaran, Quiapo o Divisoria.

 

watch-300x261

 

4.CELLPHONE. Alam kong dadalhin mo ang smartphone mo, pero mas maigi na ang magdala ng ekstrang cellphone, hindi yung pang-selfie pero yung solely pangtext at pangtawag lang. Yung cellphone na kapag masira eh, hindi sasama ang loob mo. Yung cellphone na kahit mabagsak at malubog sa tubig eh gumagana pa rin. Sa ngayon halos lahat na ng barko ay may internet at pwede ka nang makipagchat gamit ang ilang social networking sites. Subalit iba pa rin kung tatawag ka sa mga mahal mo sa buhay, lalo na kung sila ay walang access sa internet.

 

phones

 

5.TSINELAS. Nang una akong sumampa sa training ship, nalimutan kong magdala ng tsinelas. It was a hell for me at kailangan ko pang manghiram sa kasama ko sa tuwing maliligo ako sa common bathroom namin. Kaya ng makalabas kami sa Singapore, tsinelas ang una kong binili. Medyo nagsisi lang ako, dahil bwakanang mahal ang tsinelas dun sa binilhan namin. Kaya ngayon, laging nauuna sa to-bring list ko ang tsinelas na yan.

 

slippers

6.TOOTHBRUSH. Ayaw mo namang maging yellow-green ang ngipin mo sa loob ng siyam na buwan kaya mas mabuting magdala ng tatlo o apat na pirasong toothbrush-isa tuwing ikatlong buwan. May ekstrang isa, para sigurado ka. Kung bibili ka rin lang naman, yung quality na, kahit medyo mahal.

 

toothbrush2-150x150

 

7.SUKLAY. Hindi lahat ng barkong masasakyan mo ay may marunong manggupit, maliban na lang kung ikaw, ay kayang manggupit ng ibang tao at ng sarili mo.I-expect mo nang malaki ang posibilidad na umuwi kang K-Pop o kapatid ni Chewbacca. So habang fini-feel mo ang long-hair mo (tulad ko na tatlong buwan nang di nagugupitan) mabuti ang madalas na pagsuklay upang mapanatili ang kintab ng buhok mo. Iwas dandruff din kahit papano.

pocket-hair-comb

8.FACIAL MOISTURIZER. Tulad nga ng sinabi ko, maaari kang masalang sa matinding init o lamig sa mga magiging byahe mo sa pananatili mo sa barko. Walang ligtas ang mukha mo sa mga elementong iyon, kaya mas mabuting pangalagaan mo ito. Hindi naman ibig sabihin na kapag nag-facial moisturizer ka nagpapagwapo o nagpapaganda ka na. May naniniwala rin na ang tunay na kagandahan ay nasa panloob, kaya binabalewala na ang mga pwedeng ipahid sa mukha. Ang tunay na mahalaga, eh napapangalagaan natin ang parte ng ating katawan na unang nakikita ng ibang tao at confident tayong uuwi sa Pilipinas na di nagnanaknak ang balat.

 

moisturizer

 

9.MGA LIBRO. Hindi lahat ng tao mahilig magbasa, pero magdala ka pa rin ng ilang librong makakatulong sayo habang nasa barko ka, maging ito man ay para sa ilang teknikal na bagay o pagpapabuti ng sarili mo. Huwag mong kalimutang magdala ng BIBLE, na me parehong Old at New Testaments. Hindi ka makakaattend ng Church services sa buong duration ng kontrata mo liban na lang kung nasa passenger ship ka o di kaya’y madalas ang pagpashoreleave sa inyo, kaya maigi rin na magbasa ng ilang verses once in a while.

books

10.LIP BALM/PETROLEUM JELLY/ LIP GLOSS. Hindi ko sinama ang mga ito upang maging kissable lips ka at makintab ang mga labi mo habang nagseselfie ka sa loob ng kwarto mo sa barko. Sa totoo lang, isa sa pinakakalaban mo eh ang pagka-crack ng mga labi mo tuwing taglamig. Mahirap ngumiti na labas ang ngipin, mahirap magsalita ng nakabuka ang bibig. Sa malalamig na panahon nagiging handy ang mga ito at mababawasan ang sakit ng labi mo kahit papaano.

 

lip balm

 

12.VITAMINS. Sa barko, bawal magkasakit. Binabayaran ka dahil ikaw ay fit for sea duty. Ang pagdadala ng vitamins o food supplement ay makakatulong upang mapanatili mong healthy ang katawan mo. Kung kailangan mo namang magdala ng mga maintenance na gamot o medication, mabuting may kasama itong reseta ng doktor.

vitamins

13.LOTION. Maliban sa iniisip mong gamit nito kasama ang tissue paper, mahalaga rin na hindi nagda-dry ang balat sa mga braso at binti mo.

 

lotion

 

14.SHAMPOO. Maliban sa suklay, ang shampoo ay kailangan sa pagpapanatili ng maganda at di-nanlilimahid na buhok. Hindi ko nirerekomenda na dahil mo ang mga ina-advertise na anti-dandruff shampoo, dahil mas mabuting bilhin ang mga shampoong hiyang ka.

 

shampoo

 

15.TOOTHPASTE. Isabay mo pala ang toothpaste kung bibili ka rin lang naman ng toothbrush. Dahil kung hindi at makalimutan mong magdala, ano ang ilalagay mo sa toothbrush mo? Asin? Isama mo na rin pala ang mouthwash. Helpful yun lalo na kung nagmamadali ka.

toothpaste

 

16.CONDOMS. Optional lang ito, pero mabuti na ring magdala para sigurado. Saan ko naman gagamitin ang mga ito, tanong mo siguro. Utoy, hindi mo ‘to gagamitin sa mga makakasama mo sa barko, just in case makalabas ka ng barko at matyempuhang napadpad sa isang red light district magagamit mo ito. Kahit anong flavor, pwede. Basta’t lagi mong isipin na kailangan  safe ka at protected.

condoms

     Ang mga items sa itaas ay hindi magkasunod-sunod sa kung ano ang pinakamahalagang dalhin. Ikaw pa rin ang makapagdedesisyon nun. Ang ilang items tulad ng shampoo, toothpaste, lotion at iba pa ay available sa ship’s store at pwede kang bumili dun. Pero kung makakabili ka naman habang nasa lupa ka, eh makakatipid ka kahit papaano. Kung sa tingin mo rin ay may kulang sa mga nasabi ko, isama mo na lang sa to-bring list mo.

     Sa ngayon nag-iimpake ka na at ready ka ng umalis. Naks. Nabili mo na ang mga dapat bilhin, naisiksik na ang mga dapat isiksik. Hinihintay mo nalang na lumipas ang oras at ihatid ka ng pamilya mo, boypren o girlpren mo sa airport. Sa unang pagkakataon matatamasa mo na ang buhay sa barko. Mai-aaply mo na kung anu-ano ang natutunan mo. Ito lang ang masasabi ko sayo: Dalhin mo ang sarili mo, ang mga itinuro sayo at ang attitude na maipagmamalaki ng pinanggalingan mo. Be safe dahil yun naman ang lagi nilang sinasabi. Maligayang paglalayag sa unang pagkakataon at buena suerte.

 

All photos from this post are from Google Images. Credits to the owner.

Send-off

 

      “Dencio, dalian mo na. Andito na ako sa Rob Manila. Katatapos lang ng training namin. Ano na? Natext mo na ba yang high school batchmate mo na i-memeet natin?”

    Text message ni Ericson. Batchmate ko sa institute. Isa siya sa mga naging pinakaclose kong kaklase. Halos nakababatang kapatid na rin ang turing ko sa kanya (kahit na mas matanda siya ng isang taon sa akin). Nagtataka lang ako dahil kahit ganun kami kaclose, wala akong maalalang moment na tinawag niya ako sa pangalan. Laging apelyido ko ang ginagamit nya sa pag-address sa akin. Sa text, sa tawag, sa FB, kahit naguusap kaming dalawa. Ganun lang talaga siguro. Mas komportable siyang tawagin ako sa apelyido ko.

    “Powtek naman oh. Andito pa ako ngayon sa MRT. Kagagaling ko lang ng Pasig. Hintayin mo na lang ako diyan. Nagmeet din kasi kami ng isa ko pang classmate sa high school,” reply ko sa text niya na tatlong beses niyang sinend sa akin.

    “Sige, basta wag kang magtatagal. Wala akong kasama dito.” Agad na natanggap ko ang reply niya.

Pancit Canton at Isang Bote ng Beer

       Ayoko talaga ang pakiramdam ng nakainom. The state of being drunk. Navi-visualize ko ang pagdaloy ng alak sa loob ng katawan ko. Mula sa paglunok ko, sa pagdaan ng likidong iyon sa esophagus, hanggang sa pagpirme nito sa tiyan ko. At hindi iyon nagtatapos dun. Nararamdaman ko ang hagod sa dibdib ko na parang sa loob-loob ay nilulunod ang puso ko. Mabigat sa pakiramdam, sabayan pa ng pagiging disorganize ng pag-iisip ko. Ang mga nararamdaman kong ito sa tuwing ako ay nakakainom ay bahagi lang ng dalawang bagay na pinakaayaw ko: pangungulila at kalungkutan.

       Hindi ko alam kung bakit, pero sa tuwing nalalasing ako, parang nahuhukay ang mga baul ng kalungkutan na ni-lock na ng subconscious ko sa pinakamalalim na bahagi ng puso ko. Nababadtrip ako dahil yun at yun na naman ang nararamdaman ko. Iniisip ko kung ang mga dahilan, kung anu-ano ang laman ng mga baul na iyon pero wala akong mahanap na kasagutan. Sa huli, napagtanto ko parang nalulungkot ako sa di malamang dahilan, o dahil iyon ang sinasabi ng isip ko.

        Nag-inuman na naman kagabi. nagkayayaan ang tropa na mag karaoke habang di pa lubos na nararamdaman ang maalong dagat. Alas-nuwebe na ng gabi at wala akong planong sumali sa inuman sessions nila. Katatapos ko lang manood ng ilang pelikula at gusto kong ipagpatuloy ang aking nasimulang movie marathon pero bababa muna ako sa galley upang magluto ng pancit canton.Pagbaba ko sa A Deck, dumaan ako sa kabilang pinto para di ako mapansin ng mga kasamahan kong kanina pa nag iinuman sa recreation room. Nagulat nalang ako dahil ang ilan sa kanila ay nasa galley at naghahanap din ng makakain. Wala na akong ligtas dito, yun ang naisip ko. Kaya pagkatapos kong maluto ang pancit canton, dumeretso na ako sa recreation room, nagbukas ng bote ng beer at ginawa iyong panulak sa kinakain kong canton.

        Hindi na ako nakatakas pa ng gabing iyon. Bahala na ang movie marathon. Bahala na kung makaramdam na naman ako ng kalungkutan with no apparent reason. Kwentuhan ang tropa. Nakikinig lang ako. Nagbibigay ng matipid na komento minsan, pero malayo ang iniisip ko.  Ang weird. Dapat sana ay ini-enjoy ko ang moment, habang kasama sila dahil sila rin naman ang kasama ko sa buong kontrata. Inom. Kain ng canton. Tawa sa di maintindihang biro. Maya-maya magso-zone out. Powtek. Why I am so alone???

        The hell. Nagzone-out na nga ako. Kung di dahil sa inuming de alkohol buhay pa ngayon si erpat. Hindi sana puntod ang nadatnan ko nung matapos ang una kong kontrata sa barko. Kung di dahil sa alak di sana siya napatay. Me erpat pa sana ako at kumpleto kami. The hell talaga. Inom. Kain ng canton. Zone-out. Bakit ba kase ganun? Oo, hindi siya naging mabuting ama sa akin. Hindi kami ganun ka-close. Hindi kami madalas mag-usap, pero sinasabi ng puso’t isip ko na hindi dapat nangyari sa kanya iyon. Dapat nakikita nya kung ano na ang narating ko ngayon. Dapat sabay kaming nag-iinuman. At kinukwento ko sa kanya na eto na ako ngayon, malayo sa akala niyang di ko mararating noon.

         “Kumuha ka pa ng beer Froi!, Bote na lang yang hawak mo,” napansin ata ng isang kasama ko na malalim ang iniisip ko. Kumuha ako ng isa pang bote ng beer sa bucket na puno ng yelo, binuksan iyon at bumalik sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung ilan pa ang maiinom ko, pero alam ko na madaling araw pa matatapos ang inumang ito. Nagpadala na lang ako, at hinayaang muling malunod ang puso ko sa alak. Mamaya, hihiga na naman ako na mabigat ang loob. Mauungkat ang laman ng baul sa loob-looban ko. Bahala na. Makakatulog naman agad ako. At least ngayon alam ko na ang isa sa mga laman ng baul na iyon. Maaari nang makabawas ng dinadala ko sa tuwing nakakainom ako…