Ang Unang Sulyap sa Pinakabagong Tomo ng Paborito Kong Komiks




         Rak en Rol!

     Hindi ako magkamayaw matapos kong mabili ang paborito kong komiks sa nakaraang Summer Komikon 2014 sa Pasig. Pangalawang beses ko pa lang naman na pumunta sa ganitong pagtitipon ng mga local comics artists, pero iba pa rin sa pakiramdam ang amoy ng papel, ang makita ang mga may-akda ng mga komiks at makasama ang iba pang mahilig sa komiks. Nakaka Cro-Magnon!

     Sa totoo lang, wala akong kahilig-hilig sa komiks. Not until nabasa ko ang unang volume ng Kikomachine Komiks na hiniram yata ng kapatid ko sa kaibigan nya. Nakakatuwa ang bawat frames. May sense ang mga dialog. Tina-tackle ang mga bagay-bagay, mga mysteries at enigma. Tumitingin sa ibat-ibang perspective. Yan ang Kikomachine. Dahil siguro doon kaya ako nahumaling sa komiks na 'yun. Oo, nakakatawa ang karamihan sa mga eksena, na maari mong i-relate sa sarili mo, sa mga kaibigan mo, sa paaralan at kahit sa lipunan. Baka dahil din sa angst na nasa puso ko kaya parang na-magnet na ako at nahumaling na bumili sa tuwing may bagong labas ang Kikomachine Komiks. At nagawa pa nitong mapapunta ako sa isang comics convention.




     Simple lang naman ang guhit ng mga larawan sa Kikomachine. Hindi masyadong ini-emphasize ang detalye ng katawan ng tao, pero kuhang-kuha ang bawat galaw na nais nitong i-portray. Madali mong maintindihan ang mga mensaheng nais iparating, at matutuwa na matatawa ka sa mga "katangahang" umiiral sa pangaraw-araw na buhay ng tao.

      At dahil nakabili na nga ako ng Kikomachine Komiks Bldg. 10, madadagdagan na naman ang koleksyon ko ng komiks na ito. Sayang lang at di ko napa-autographan kay Manix Abrera, ang haba kasi ng pila. Gusto ko rin sanang bumili pa ng ilang komiks at manga na gawa ng mga local artist, lalo na 'yung Skyworld pati na rin 'yung komiks na pinagbibidahan ni Alexandra Trese, pero sa susunod na lang siguro. Ayos na ang pagpasama ko sa kaibigan ko na na-enlighten sa mundo ng Pinoy Komiks at pagbili ng paborito kong komiks.

       Ikaw, aside from hentai manga, may paborito ka rin bang komiks?



Photo Credits:

https://www.facebook.com/kikomachinekomix