Na-miss ko ang magblog!

Nakakamiss ang cyberspace. Ang essence ng blogosphere. Medyo nakakatamad lang talaga nitong nakaraang buwan dahil walang inspirasyon, walang internet sa barko, at walang pumapasok sa utak ko. Nang nakababa naman ako, naggagala, na-busy sa pag asikaso ng Bachelor's Degree, gala ulit, sumubok manligaw/mabasted, gala ulit, at nabi-busy sa review. At ngayon, nagrereview pa rin.

Kamakailan ko lang naayos ang tambak nang mga pictures at videos sa computer ko. At kanina ko lang naayos ang isa sa mga video ng mga gala ko. Sabi nga nila, "a picture is worth a thousand words," sabi ko naman versus pictures, a video is worth a thousand more. Kaya ngayon, isa ang travel vid na 'to sa mga pinaggagagawa ko nitong nakaraan.

Narealize ko na hindi ko na pala kailangang lumayo para hanapin ang gusto kong getaway. Nasa sariling hometown ko lang pala, sa Bicol. Baka ganun din siguro si Poreber, wala sa malayo, nasa malapit lang. (naks!)

Anyway, eto na talaga. Liang Beach at Suba, sa Sta. Magdalena, Sorsogon. Kasama ang mga tunay na may dugong marino, napasisid din ako. At sakaling magawi ka roon, I'll be glad na maging tour guide mo. (Basta naroon din ako.)😄 😁 😆 

Note: No animal was harmed in the making of this video.