Main Menu

Pages - Menu

Sunday 3 April 2016

Pokus




        Binilang ako ang oras na ginugugol ko sa mga social networking sites sa isang araw at lumalabas na halos anim na oras at tatlumpung minuto akong nakatanga at nagpapaka-stress sa mga nakikita ko sa laptop at sa cellphone sa buong maghapon.


*****

            Dahil alam ko naman na walang kahihinatnan ang mga pinagagagawa ko, minabuti ko na lang na mag-OC mode simula Abril uno. Nilinis ko ang kwarto ko, tinapon ang mga basurang dalawang linggo nang hindi nagagalaw at nag-ayos ng mga gamit. Tinago ko rin si lappy, nilalabas lang kung kailangan at sinimulan na ang puspusang workout. Kailangan na talagang magtino. Para sa bayan. Para sa ekonomiya.


*****


          Four percent fluent na daw ako sa Spanish sabi ng Duolingo, isang language learning app. Mga ilang linggo na rin simula nang ginamit ko ito, at nakakatulong nga naman sa pag-improve ng bokabularyo. Kailangan ko na rin talagang magseryoso sa pag aaral ng Espanyol, dahil kung hindi, hindi ko makakausap ng matino ang mga naging kaibigan ko sa Livemocha. Nakakalungkot lang dahil isa-shutdown na daw ito sa 22.


*****


          Gumawa na ako ng schedule ng mga aktibidades at mga kailangang tapusin para makumpleto na ang mga requirements ko para sa plano kong pagkuha ng license examination sa susunod na taon. Andame ko nang nasasayang na oras sa barko, at kailangan na talagang magpokus para matapos ang mga iyon.


*****


           Naglakas-loob ako na i-message si crush. Kaso seen daw sabi ni Facebook. Ok lang. Mukhang ayaw nya naman ng sustento buwan-buwan. De, joke lang.hehehe



*****


           Anim na taon na pala akong wala sa isang seryosong relasyon. Magiging halaman na kaya ako?


*****


         Pakiramdam ko naadik na ako sa kakapanood ng mga malalaswang pelikula. Dahil ba sa walang magawa, o dahil sa hormones? Basta alam ko hindi maganda ang nagiging epekto. Naapektuhan ang mental processes ko. At nakakaramdam ako ng panlulumo. 



7 comments:

  1. Daming kuwento sa isang entry, halatang may focus. LOL

    Goodluck sa puspusang workout. Isa din yan sa matagal ko nang laging isinasantabi. Tsk tsk kaya goodluck sa 'yo. Goodluck talaga. Hahaha.

    Bilang mukhanv ayaw ng crush mo ng monthly sustento,sa akin mo na lang ipadala. LOL

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaya nga Pepe. Pero nasunod ko naman na, mga isang linggo na. Yun nga lang, nagkakagulo yung sked ng work-out kung may port operations kami.

      Hindi nya naman kase alam.hehe Siguro, in an alternate universe.haha!

      Delete
  2. - Ouch! Sakit naman, ganyan din ako, kailangan ko na ring bumitaw sa aking mga actividades sa internet, marami pa akong pla-plantsahin!
    - Hindi man ako nag woworkout, balik gardening na ako. Kinuhaan ko nga ng oic ang garden kanina, gubat na siya, ha,ha,ha! Tsaka, tinapon ko na ang mga hindi ko kailangan. Nagbenta pa ako ng laman, laman ng storage room, at alam naman nating wala nang bibili ng laman ko!
    - Hindi ko alam kung ano ang livemocha, at hindi rin ako marunong mag-Espanyol kahit na highest grade ang nakuha ko sa kolehiyo for Spanish.
    - Ganda niyan, may schedule para may na check every now and then at masabing, may nagawa pala ako. Gabi na! Gising pa ako, check! Tulog na!
    - Ok, wala akong crush, the end!
    - Halaman ka nga ba, bakit hindi ka pa nalalanta, may nagdidilig ba sa iyo?
    - Ikaw pala ang nagdidilig, ha,ha,ha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mahirap sir Jo, lalo na kung me pagkakataon talaga na kailangan mong humarap sa laptop.

      Hmmm. Naintriga ako bigla. Bakit wala kang crush sir Jo?hehe

      Kung sa halaman po, nalulunod na ako.haha!

      Delete
    2. Ako eh cactus, kahit walang nagdidilig, nabubuhay, lol!

      Delete
  3. Mukhang may balik-alindog program ka ah; at ikaw na nakapaglinis ng kwarto :) Kakalat din yan soon lols.
    Anu ang Livemocha? Not familiar.
    Hahaha, lakas ah, sustento talaga? :)
    Ang malalaswang pelikula ba in other words ay porn? :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayun Jep, nakaisang linggo na at malinis pa rin. Yay!hehe

      Online Language learning platform, parang rosetta stone na social network. basta ganun.hehe

      Pwede ring pagmamahal diba?hehe!

      Tama! hehe

      Delete