Main Menu

Pages - Menu

Wednesday 23 July 2014

Diez y Seis (Part Two)

 

      Saglit akong tumigil at dahan-dahang tumayo mula sa pagkakaupo. Inangat ko siya mula sa kandungan ko, at muling ihiniga sa sofa habang pinoposisisyon ang sarili ko na nakaharap sa kanya. Muling naglapat ang mga lab namin, at naging mas malikot ako sa pagkakataong ito. Gumapang ang labi ko patungo sa kanyang tenga, bumaba sa kanyang leeg at napansin ko ang bahagya niyang pagkagulat; na marahil ay dahil sa kiliting dulot niyaon. Mas umilalim pa ako patungo sa kanyang dibdib at nakaramdam ako ng init mula sa sarili kong dibdib patungo sa ibabang bahagi ng aking katawan. Halos marinig ko na ang pagtibok ng puso naming dalawa na tila mas bumibilis sa bawat kilos na gagawin ko. Gumapang ang mga kamay ko patungo sa bewang niya. Froi Dencio. Just what the hell are you doing?

     Bigla akong natigilan. Nilamon na ako ng kaba na unti-unting naging takot. Takot na di ko maipaliwanag noong mga panahong iyon. Tumayo ako at nagkunwaring tumingin sa aking relo na nagbigay ng munting liwanag sa gitna ng dilim. Binasag ko ang katahimikan.

     “Trish, mukhang masyado na tayong late. Mabuti siguro kung ihahatid na kita pauwi sa inyo.”

     Dahil madilim at hindi ko maaninag ang mukha niya, hindi ko alam kung ano ang naging reaksiyon niya sa kinilos ko. Nakatanggap lang ako ng matipid na sagot mula sa kanya.

     “Ok.”

*****

     Wala nang tricycle sa mga oras na iyon, at dahil isa at kalahating kilometro lang naman ang layo nga bahay nila mula sa bahay nila Andrew, minabuti na lang naming maglakad pauwi. Tahimik kami habang naglalakad. Pareho kaming malalim ang iniisip. At marahil tulad ko, tumatakbo pa rin sa isipan niya ang nangyari kanina bago kami umuwi.

      Sinusubukan kong balikan ang nangyari kanina. Ang maririing mga halik. Ang bigla kong pagtigil. Iniisip ko kung bakit ako napatigil. Kung bakit ako kinabahan at natakot. Perhaps, subconsciously, I was actually afraid of the hazards of premarital sex, like babies. Or maybe, during that time, I was just so lame at getting laid.

     Anuman ang naging dahilan, aminado ako ngayon na may bahagi sa akin ang nanghihinayang. Nanghihinayang sa isang bagay na naganap sana kung hindi ako nadala ng takot. Sa kabilang dako, may bahagi pa rin ng pagmamalaki sa sarili, dahil sa edad na labing-anim ay nagawa kong hindi gawin ang isang bagay na marahil ay gagawin ng ilang kabataan sa ganoong edad, sa ganoong sitwasyon.

*****

      Sa ngayon, sa tuwing tatawag ako sa bahay, lagi ko nang inaasahan ang mga paalala ni Mama tungkol sa pag-aasawa. Madalas din niyang kinukwento ang tungkol sa mga kabatch o mga anak ni ganito o ni ganyan na maagang nakapag-asawa. Dahil siguro sa mga sitwasyong tulad noon kung kayat ganoon nalang ang pagpapaalala niya sa akin ng “anak, hintayin mo munang matapos ng pagaaral ang dalawa mong kapatid bago ka mag-asawa ha?” Na pabiro ko namang sinasagot ng “wala ngang gelpren ngayon Ma, tapos asawa agad?” Bagaman minsan ay napapatawa na lang ako sa mga paalala niya, alam kong para rin sa akin at sa pamilya namin ang mga iyon.

      Bawat taon, patuloy pa rin ang bilang ng maagang nagdadalang-tao at nagkakapag-asawa sa lugar namin. Marami ang hindi pa nakakapagtapos ng hayskul subalit may karga nang anak, at mayroon ding may mga dinadala na sa sinapupunan na mas mababa pa sa labing-anim na taong gulang. Tulad ng Sapang-Kawayan sa dokyumentaryo ni Kara David, alam kong isa itong suliranin na kinakaharap ng aming bayan. Isang suliranin na patuloy na umiiral at nagkukubli sa mukha ng matiwasay naming lugar. Maraming tinuturong dahilan. Kung kani-kanino ibinabaling ang sisi. Katulad ng anumang suliranin sa lipunan, hindi ito basta-basta masusolusyunan. Likas na sa mga kabataan ang pagiging mapusok at hindi ganoon kadali ang pagpigil dito. Bagaman sinisikap ng mga may awtoridad na gumawa ng mga hakbang, abot kamay pa rin ang solusyon. Naniniwala ako na hindi lang isang bahagi ng lipunan ang kailangang kumilos, bagkus, lahat ng bumubuo dito. At malaki ang bahaging gagampanan ng mismong mga kabataan.

     May mga bagay na nagbibigay sa atin ng kaligayahan, subalit maaaring panandalian lamang iyon. May mga bagay na maaari nating piliing gawin kung gugustuhin natin, subalit marapat lang na alam natin ang maaaring kahihinatnan. Sa sitwasyon namin ni Trish, naisip ko na mabuti na rin na walang nangyari sa pagitan naming dalawa. Naghiwalay din kami pagkatapos ng ilang buwan. Nakita ko siya nitong nakaraang taon, maganda ang pinapasukang trabaho, at pinapaaral na rin ang kapatid tulad ko. Minsan, naiisip ko na marahil, iba ang takbo ng buhay namin ngayon sakaling bumigay kami sa kapusukan noon. Masaya ako para sa kanya at sa narating niya. Sa ngayon hindi ako nagmamadali. May panahon para sa mga bagay-bagay. Mas masarap nga talaga siguro ang isang prutas kapag nahinog na.

10 comments:

  1. Premarital sex, teenage pregnancy, irresponsible parenthood and a lot more... Mga sakit ng lipunan na pwedeng maiwasan kung may sapat na kaalaman ang mga kabataan...

    Sa circle of childhood friends ko, ako lang ang nakatapos, pinakabata yung 13 yrs nabuntis, at the age of 20 nagkaanak sa second husband and at 23, separada na. Halos lahat sila ngayon single parents. Kung natuto lang siguro sila mangarap at magsikap habang bata, hindi yun mangyayari sa kanila. Hindi rin naman sila masisisi kasi mga bata pa nga sila at maraming mga factors involved sa pagbuo ng kanilang principles and views in life. Mapalad na lang talaga ko kasi I grew up in a family who highly value education and dreams.

    Masarap ang feeling ng makapagpatapos ng kapatid. At walang panghihinayang sa paggastos lalo na at nararamdman mo ding hindi nasasayang ang ginagastos mo. It's a very worth it investment. My brother had kept his enrolment receipts, we took time to add it up and hindi ko akalain na I was able to raise a lot of money in a span of 4 years. Our bunso is also keeping her receipts, pero ngayon, mas marami na kaming magkakatulong sa pag-aaral niya. Pag ggraduate sila, parang mas excited ka pa kesa sa kanila. Hehe.

    I find this post something so relatable except the earlier part. Hahaha. Latebloomer kasi ako! Bwahahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaya nga. Minsan siguro kapag nagiging keen observer ka at aware sa paligid mo, lalo na sa murang edad, mas maiisip mo na kailangan mong maging mas responsable sa mga hakbang na gagawin mo. Mas maiisip mo rin na mas mabuting iahin mo ang course ng karaniwang sitwasyon na nakikita sa lugar mo.

      Ako naman opposite. Hindi ako lumaki sa total guidance ng magulang ko. Wala sa bahay si Mama noon dahil nagtatrabaho sa Maynila, si Papa naman yung naiwan sa amin pero grabe kung makapagsugal at makainom. Ako bilang panganay ang naiwang tumingin para sa mga kapatid ko. Dun ko siguro nadevelop yung sense of responsibility ko. Nung hayskul naman, kailangan kong makitira sa ibang tao para matustusan ang mga kailangan ko. Kaya halos taong bahay din ako at di nakakabulakbol basta-basta. Nung college, ayun, secluded kami sa outside world at pag-aaral lang inaatupag namin. Lahat ng iyon nakaapekto sa prisipyo ko sa buhay.


      Ngayon nag-aaral ang dalawa kong kapatid sa college. Ako lahat ang sumasagot. Subukan lang talaga nilang magloko. Ewan ko lang.hehe

      Delete
  2. Baka naman na-realize mo lang halfway na ayaw mo pala sa pechay? *hihi*

    So it means virgin ka pa 'til now Froi? Curious lang ako. Kasi di kayo natuloy ni Trish eh. Atsaka sa thoughts mo and line of reasoning, ayaw mo sa premarital sex.

    ReplyDelete
    Replies
    1. wahaha! adik ka talaga Sep! hindi ako allergic sa pechay. Masustansya kaya yun. haha!


      Yes. Hindi ko alam, pero siguro dahil sa naging upbringing din sa akin. Tapos sa moral standards na naukit sa kukote ko. Grade four pa lang kaya ako nung magsimula akong mag-Bible study. hehe. After Trish may mga naging gf pa naman ako, though lahat walang nangyari. kinakantiyawan nga ako ng ilang kaibigan ko na olats daw ako dahil di ko na-aanu, alam mo na.

      Delete
    2. Bakit kelangang mang-akay sa darkside Babysep?! Hahaha.. Wahaha

      You probably have high standards with your future partner, and that's good :)
      Though sex can be seen as a part of a relationship, it's a matter of concensus between humans. As for you, you have decided keep to keep yourself pure until the matrimony, I hope you can keep it at that! Bonggang-bongga! :D :D :D

      Delete
    3. *hmpf* Sayang...

      Sige Yccos, sa iyo na lang si Papi Froi. Tutal, nagkakasundo kayo. *hihihi*

      Delete
    4. Yun nga lang, like any other human being, guilty ako sa pagkakaroon ng dark side. Kaya ko naisulat ung entry na ''I confess..." hehe


      Sana nga, I hope ma-keep ko na ganun hanggang sa tamang panahon.hehe

      Delete
    5. Lol. Bakit di na ko si babykat? Haha :P

      Delete
  3. aba nakakabilib ang self control...ayos yan! may mga bagay na kapag hinintay ng matagal mas masarap....

    ReplyDelete
    Replies
    1. pwede na ba akong sabitan ng medal para dun?hehe, though sana makaya ko pa hanggang sa tamang panahon.

      Delete