Of Landlubbers, Shellbacks and Pollywogs


 

''Be it known to all ye who enter my Realm,
that on this day this sailor was initiated
into the Solemn Mysteries of the Ancient Order of the Oceans
on board the ship Gigira Laitebo

...and in Latitude 00°00' and Longitude 137°40' East,
be it remembered by all ye Mermaids, Sea Serpents, Whales, 
Sharks, Dolphins, Skates, Eels, Lobsters, Crabs, Shrimps, Pollywogs,
Ice Worms, Passengers and Landlubbers...

...that when ye are honoured by his presence, 
ye shall treat him with the respect that is due to one of my Trusty Shellbacks
than which no respect is greater because by him and by his forefathers were many new,
Whereof nor you nor any of you may to the contrary
as ye answer at your peril."

                 
Neptunus Rex           


      We crossed the equator on April 7, 2015, and that was my first time. Who would think that an ancient tradition still exists on modern merchant vessels? The pictures below will show how the three newly joined crew members turned from slimy pollywogs to King Neptune's Trusty Shellback.

 

Everyone, look! Someone's coming!

Akala namin kung sino. Si Fairy godmoth...este si King Neptune pala.
 
Magbigay-pugay tayo sa hari ng karagatan! All hail King Neptune!

...and there the three pollywogs knelt.

With my magic wand...err, trident, I hereby command thee to perform the rituals.

And then King Neptune made us drink some sort of nasty liquid.

I will toss these coins into the pool. Bring these to me and prove that you are worthy of becoming my trusty Shellback.

At lumusong kami sa tubig, kinuha ang coins gamit lang ang bibig. Dun nauso ang sisid marino.

Sa kabilang dako, King Neptune's subjects were doing some photo shoot while we were having a hard time getting the coins.

Matapos ang ilang taon, nakuha rin namin ang coins at nagsimula na ang piging! De, papiktyur pala.

 
Kasabay din ng pagdiriwang na iyon ang paglusong ng lahat sa tubig.
 
At marami pang papiktyur sessions.

At last, I'm a full-pledged Shellback. Hawak ang aking certificate, nabilad ako sa araw. Mainit. Seryoso.

       





    


Rhea

Apat na buwan na simula ng umalis ka sa bahay.

Apat na buwan na naming sinusubukang  tanggapin ang naging desisyon mo.

Apat na buwan na ngunit hindi pa rin naghihilom ang sugat na iniwan mo.

Noong una kong natanggap ang balita ng pag-alis mo nang walang paalam, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Naghahalo ang galit, ang lungkot, ang awa at panghihinayang. Hindi ko lubos maisip na gagawin mo iyon, gayong sinabi mo pa noon sa akin na maayos na ang lahat at huwag na kaming mag-alala dahil gusto mong ipagpatuloy ang iyong pag-aaral sa kolehiyo. Buo ang tiwala ko na tapos na ang unos na dumating sa atin nitong nakalipas na mga buwan. Kumpiyansa na ako na mas pagtutuunan mo na ng pansin ang iyong pag-aaral, at iiwasan mo nang maulit pa ang mga nangyari na halos humantong pa sa barangayan.

Ngunit mali pala ako. Masyado akong naging positibo sa lahat ng bagay. Masyado akong naging mabait na kuya. Inisip ko na hindi na mauulit ang nangyari na. Mas pinili kong manatili ka sa atin gayong maaari ka rin naman  naming iiwas sa mga bagay na bumabagabag sayo. Iniisip ko lang din naman noon na nasa sayo pa rin ang desisyon kung ano ang tatahakin mo, at wala kaming magagawa kahit pa ilayo ka namin. Dalawang buwan lang ang lumipas simula ng pangalawang semester  at  pinili mo na ngang tuluyang lisanin kami, magsarili.

Araw ng pasko noon. Tumawag ako sa atin upang batiin kayo. Si Mama ang nasa kabilang linya. Alam kong may hindi magandang balita simula nang marinig ko ang boses niy. Nang magsimula ang Christmas vacation, umalis ka aniya sa boarding house dala ang mga gamit mo na sa buong akala ng ate mo ay iuuwi mo sa atin. Ngunit anong ginawa mo? Hinihintay ka noon sa bahay ngunit di ka dumating. Dumeretso ka na pala sa bahay ng boypren mo.

Napaluha ako. Umiyak, humagulhol. Magkakahalo na ang nararamdaman ko, ngunit ang higit na nagpabigat ng loob ko ay ang pag-iyak ni Mama habang kinukwento niya sa akin ang lahat. Ramdam ko ang sakit na sinisikap niyang itago sa akin. Ramdam ko na nahihirapan siyang tanggapin ang nangyari, at wala akong magawa upang ibsan iyon. Sinisikap ko ring pigilin ang pag-iyak ko dahil alam kong dudurog lang din iyon sa puso ni Mama, ngunit hindi ko magawa. Mabuti na lang at naroon si tita, kinuha niya ang telepono kay Mama at siya ang nakipag-usap sa akin. Doon lang ako muling nahimasmasan.

Wala na kaming magagawa dahil iyon na ang naging desisyon mo, sabi ni tita. Tama nga naman, dahil igapos ka man namin ngunit kung patuloy ka pa ring magpupumiglas, kakawala ka at mas lalayo lang sa amin. Iniisip ko noon na darating din ang araw na mapapagtanto mo kung ano ang nagawa mo. Kung ano ang naidulot ng naging desisyon mo.

Sa totoo lang, marami akong katanungan. Maraming bakit, maraming ano. Tinatanong ko ang sarili ko kung nagkulang ba kami ng pagmamahal at naghahanap ka ng pagmamahal mula sa ibang tao, o kung kulang ba kami sa pangaral at mas pinili mong itapon ang pagpapahalaga namin sayo. Bakit mo iyon nagawa gayong wala naman akong nakikitang dahilan upang iwan mo kami, sabihin sa amin na itakwil ka namin. Malayong-malayo sa nakababata kong kapatid na nasubaybayan ko ang paglaki at pagdadalaga, malayong-malayo sa Rheang kilala kong iniisip lagi ang kapakanan ng pamilya.

Naaalala mo ba ang mga panahong umiiyak ka at sinisikap naming gawin ang lahat upang patahanin ka dahil ikaw ba ang bunso namin noon? Naaalala mo ba ang panonood natin noon ng betamax at gabi na tayong umuwi ng bundok dahil malayo pa ang inuuwian natin? Naalala mo pa ba ang mga panahong masayang-masaya tayong lahat sa pamilya, dahil kahit salat sa mga materyal na bagay, buo at magkakasama pa rin tayo? Naalala mo ba ang pagtanong mo sa akin noon kung bakit masyadong makasarili ang ate mo dahil pinili niyang mag-asawa ng maaga?

Hindi ko sinasabing perpekto ang pamilya natin, subalit kahit papaano, nalalampasan natin ang mga problemang dumarating sa atin. Lumaki naman tayo sa pangaral at pagsisikap ng mga magulang natin na itaguyod ang pag-aaral natin, kaya hindi ko lubos maisip na gagawa ka ng bagay na ikakasama ng loob namin.

Nakita mo na kung ano ang naranasan ng ate mo kaya iniisip ko na hindi ka na gagaya sa kaniya. Nakapagtrabaho ako at kahit papaano, nakagawa ako ng paraan upang tustusan kayo sa kolehiyo. Mayroon nang oportunidad, at iniisip ko kukunin mo iyon, magsisikap ka upang hindi na natin maranasan pa ang paghihirap na dinanas natin noong mga bata pa tayo. Iniisip ko na aabutin mo ang mga pangarap na sinasabi mo sa akin noon, at ako bilang kuya mo, handang magsakripisyo upang maabot mo iyon.

Nakakalungkot dahil parang binura mo ang lahat ng iyon sa isang iglap nang sumama ka sa taong kamakailan mo lang nakilala. Hindi ko mailarawan ang nararamdaman ko dahil sa ginawa mo, dahil parang gumuho ang mga pangarap ko para sayo at ang mga pangarap natin para sa pamilya. Masakit, oo, ngunit higit pa palang mahirap ang pagtanggap sa katotohanang dumating na sa puntong namili ka, at hindi kami ang pinili mo.

Sa ngayon, sa tuwing tumatawag ako sa atin, lagi ko pa ring tinatanong si Mama kung kamusta ka na. Masama pa rin ang loob ko ngunit naroon pa rin ang isang bahaging naaawa sayo. Hindi ko iyon maiiwasan; magmatigas man ako dahil sa nagawa mo, kapatid ka pa rin namin, baliktarin man ang mundo. Sana sa mga panahong ito naiisip mo rin kung ano ang naging epekto ng mga desisyon mo hindi lang sa amin kundi sa haharapin mong bukas. 

Sana sa mga panahong ito mapagtanto mo ang mga bagay na higit na mahalaga, at ang mga bagay na nasa palad mo na ngunit binitiwan mo. Matalino ka, alam ko, ngunit sana, magbigay ng aral sa iyo ang mga pangyayari. Hindi ko maipapangako na ako pa rin ang makikita mong mabait na kuya sakaling muling magkaharap tayo. Alam kong kahit anong oras handa kang tanggapin nila Mama, ngunit kilala mo ako. Kilala mo ang kuya mo. 

Handa akong magpatawad ngunit dahil sa sugat na naidulot mo, hindi magiging madali iyon. Kaya kong magpatawad ngunit hindi sa ngayon. Hindi sa ngayon.




Litanya ni Ate Nina



      Minsan me mga taong pinapaalalahanan tayo ng pagkahaba-haba. Madalas, mga magulang natin, kapatid o kaibigan. This time, isang dating schoolmate sa hayskul ang nagPM sa akin dahil may sasabihin daw siya. Nakakatuwa, dahil hindi ko inaasahan na ganito kahaba ang sasabihin niya. Matapos kong mabasa, naisip ko na lang na blessed at lucky ako dahil may mga taong  handang gumugol ng kahit konting panahon para magbigay ng advice sa buhay at magpaalala. Humingi naman ako ng permiso na i-post ito sa blog. At sana, tulad ko, ay may matutunan din ang makakabasa. 

Hi Froi,

Pasensya na at gumawa na naman ng liham ang Ate Nina mo. Gusto ko lang i-share sayo na ito ang mga natutunan ko sa buhay. Sa tingin ko kasi, may matututunan ka pagshinare ko sayo.

Alam mo Froi, hindi ako Finance graduate, galing lang ako sa Computer & Business School at mahilig lang ako umattend ng Wealth Seminar. At mahilig ako magbasa at magresearch (isama mo na rin ang mga ‘nagawa’ kong experiment) tungkol sa kung paano ang tamang pag-gamit ng pera.

Ayaw ko na kasi maging mahirap. Pero syempre, kanya-kanyang definition tayo ng word na ‘mahirap’ at ‘mayaman’. Hindi ko naman hinahangad tumira sa Palasyo, makarating ng langit at manibago (may ganung factor? Ang lupet! Hahaha). Basta ayaw ko lang magutom.

Ito yung mga natutunan ko Froi at sana magkaroon ka ng idea.

1) Asset & Liability

Bago ka bumili ng kahit ano, isipin mo muna kung Asset siya (magpapasok sa iyo ng pera) or Liability.

Halimbawa:

Bahay: Hindi porke marami kang bahay at lupain mabuti na yun. Madalas nga lumulubog ka pa sa gastusin para i-maintain ang bahay mo.

Asset siya kung dun ka nakatira. Liability kung di mo naman siya tinitirhan. Isipin mo na lang kung ilang beses mo kelangang irepair ang isang bahay, bayad mo sa tubig, kuryente tapos di mo naman ginagamit.

Kung marami ka namang bahay pa-rent mo na lang yung iba para pasok pa rin ang pera. Yun din ang reason kung bakit may mga tao na bumibili ng condo pero di naman sila doon nakatira. At least papasok ang pera hindi palabas.

Syempre yung lupain mas maganda kung napagtatamnan mo siya or nagagamit, basta wag mong hahayaan na nakatiwangwang lang.

Kotse: Ganun din, kung di mo ginagamit liability siya. Ganun din sa cellphones. Kung di mo naman kelangan lahat ng features ba't mo pa bibilhin? Kung kelangan mo lang ng phone, internet, calls and texts pwede na yung mga phone na average lang. Tandaan mo na ang binibili mo ay yung features hindi yung phone. Yung kelangan mo lang. Kung super ganda ng specs tapos mura wag mo bilhin. Pag di mo kelangan, wag mong bilhin. Yun yun :).

Pa-rent mo car mo, gawin mong taxi, pero iba magdadrive. Nakapagbigay ka na ng trabaho para sa iba kumikita ka pa. At higit sa lahat hindi nakatengga lang sa garahe ang kotse mo. Isipin mo na lang gagastos ka ng 100k para sa sasakyan tapos walang balik?

Lagi mong iisipin na pag may ginasta ka, dapat may bumalik. Everything is investment. Naku wrong grammar ata ako hahaha.

Last example para dito:

Time: Anong ginagawa mo sa spare time mo? Kumikita ka ba? Nagpapahinga ka ba? Baka naman puro ka lang work? O kaya naman kung saan saan mo lang tinatapon ang oras mo.

Ayon sa mga nakikita ko sa posts mo sa Facebook (kita mo Froi na-analyze ko agad ang ginagawa mo sa time mo, hindi naman ako stalker hahaha), mukhang tama naman ang ginagawa mo sa oras mo:
  
   Travel – when you travel you meet people, new places, you learn. Yung experience, mga na-meet mong tao, mga natutunan mo, hindi napapalitan ng pera yun.

  Education – education is investment. Tagal kaya nating nag-aral ilang taon yun no. Kahit anong klaseng kurso pa yan, okay yan lalo na kung maa-apply mo sa totoong buhay.
  
  Exercise – syempre maiiwasan mo ang pagkakasakit pag healthy ka di ba? Tipid din yun menos gastos.

Kaya sa susunod na makikipagkita ka with your friends at may na-late, sabihin mo ganito: I invested 10minutes of my life waiting for you. Ang dami kong pwede gawin sa 10 minutes na yun, ang daming nasayang sa akin dahil sa pag-aantay sa inyo. I sacrificed 10 minutes of my life makasama lang kayo, pinagpalit ko ang 10 minutes na pwede ako mag-exercise, mag-aral, magtravel at kumita para lang sa inyo. Sana naiisip niyo rin ang mga sacrifices ko para sa friendship na ‘to.

Ang sungit no? Haha. Hindi naman. Ang sinasabi ko lang mahalaga din ang time. Ang pera napapalitan yan, kikitain mo rin yan, pero ang oras mas mahalaga yan. Hindi napapalitan ang nawalang oras. Walang ‘refund’ ‘ika nga. Kaya isipin mong mabuti how you should manage your time, who you spend your time with, at what to do with your time.

2) Investment

Lahat ng sinabi ko sa taas investment yun. Pero magbibigay ako sa iyo ng mga example. Ito ang mga gumugulo sa isip ko (magulo kasi isip ko kaya yun na lang ang term).

Dito sa amin merong dalawang bagong tayong negosyo na nangangailangan ng investors. Pupuntahan ko pa lang para malaman ang terms and conditions nila. Kaya di kita mabibigyan masyado ng info tungkol dun. Pero legitimate siya.

Una yung Ospital. May bagong tayong ospital kasi dito, ngayon open sila sa mga mag-iinvest ganun.
Halimbawa, magbibigay ka sa kanila ng 10k tapos every year may makukuha ka. 

Pero lagi mong iisipin na investment yun, negosyo. Hindi lahat ng oras kumikita ang negosyo. Pwedeng yung 10k mo by the end of the year maging 9k (nalugi ng 1k) or maging 11k (kumita ka ng 1k). Pero sa isang banda naman kasi, malugi or hindi service yun. Isipin mo ilan ang natutulungan ng ospital di ba?

Pangalawa yung Gas Station. Kung iisipin mo, walang luge sa gas station di ba? Pero syempre dahil gas station yun, malaki ang ilalabas mong pera. Wala pa kong 100k hahaha.

Kung titingnan mo, parang ang mura naman ng ilalabas na pera para sa Ospital at Gas Station na sinasabi ko. Kasi bagong tayo palang sila. Hindi pa sila sikat.

Tingnan mo baka may makita kang ganyan sa probinsya. Tapos magtanong-tanong ka. Tingan mo yung mga papers. Wag kang pipirma agad. Basahin mo.

Kung wala kang tiwala sa sarili mo at utu-uto ka (gaya ko), isipin mo na lang Froi na nauna akong naging utu-uto kesa sayo. At may matututunan ka sa pakikinig sa mga nakatatanda sayo. Dahil ang mga naranasan mo ay maaaring naranasan na nila. Well sa totoo lang yung iba mong karanasan sa blog di ko pa naranasan. Iba yung version ko eh hahaha.

Tandaan mo to, i-apply mo sa buhay mo:

If it is too good to be true, then it is not true.

Pag may nag-alok sayo ng negosyo at sinabing walang risk hindi totoo yun. Pag sinabing dodoble ang pera mo sa maikling panahon, hindi totoo yun.

Wag kang mag-iinvest o papayag sa mga bagay na ‘di mo masyado maintindihan

Pag merong part na malabo atras ka kaagad. Pag di mo maintindihan, atras ka kaagad. Mahirap pumasok sa isang bagay na hindi ka sigurado lalo na kung involved ang pera. Naku guilty ako dito. 

Ito naman ang katangahan ko hahaha.

3) Savings

Saan ka nagse-save? Malamang may savings ka na kasi nag-uumpisa ka na mag-invest. Ito ang mga natutunan ko sa mama ko at sa Wealth Seminars na inaattendan ko. Example lang yung mga figures:

Pay Yourself First

Payday, kumita ka ng 10k (net). Bawas mo agad ang 1k (depende sayo kung magkano, mahina ako sa Math kaya ganito na lang). Ilagay mo agad ang 1k sa bank.

Yung 1k na nasa bank ito yung hindi mo gagalawin. Hindi mo gagalawin. I repeat Hindi mo gagalawin. Gagalawin mo lang ‘to pag emergency talaga. Hindi emergency yung pagbili ng cellphone ha, emergency yung pag napilay ka (oo nangyari ito sa akin nung January bad trip, bawas kayamanan), pag may nagkasakit.

9k na lang natitira sayo. Bayaran mo yung mga dapat mong bayaran. Renta, budget sa pamilya, baon ng mga kapatid, etc. Iba ang kaso pag may utang ka, ibang usapan yun.

Kung ilang ang matitira yun ang budget mo until the next payday. Mas madali pag ganito, kesa yung kung anong matitira sa sahod mo yun ang ise-save mo.

Yung iba, iba naman ang technique. Yung iba, iba pa yung ipon nila for retirement, iba pa para sa gala, maraming bank account, etc.

Pero ang mahalaga is Pay Yourself First, at wag na wag mong gagalawin yung nasa bank ha? Emergency Fund yun. Kung need mo ng bagong cellphone, pag ipunan mo pero wag mong ibabawas dun sa pera sa banko. Pwede kang magkaroon ng dalawang emergency fund, isa sa bank at yung nasa bahay lang – ito yung pang gala mo pangbili ng sapatos, damit, etc.

‘Wag mong isiping selfish ka kung inuuna mong bayaran ang sarili mo. Isipin mo na lang, pag nagkasakit ka, hindi mo na kailangan pang bawasan ang budget mo para sa pamilya mo. Alangan namang humingi ka pa sa pamilya mo pag may kailangan ka. Imbes na ikaw ang magbigay ikaw pa hihingi?

4) Budget for Health/Emergencies

Opinyon ko lang to. Para sa akin, ‘wag ka munang mag-iinvest kung wala ka namang fund para sa emergencies.

Halimbawa bumili ka ng bahay at lupa, kikita ba agad yun? Aabutin pa ng ilang buwan yun bago mo mabawi yung ginasta mong pera pambili. Or worse, maaari ring hindi yun kumita kung nakatiwangwang lang. Sabihin na nating pinarentahan mo yung house or lupa, one month pa mag-uumpisa magbayad yung client mo (well sabagay nag-down naman sila pero di sapat yun). Paano kung may nangyaring di maganda before mag 1 month? Alangan namang gipitin mo ang client mo para magbayad agad. Paano kung malaking pera ang kelangan mo? Paano na? Wala kang pang emergency.

Mag-set ka ng amount para sa Emergency Fund mo. Para pag may nagkasakit may mahuhugot ka. Tapos pag meron na e di invest na :).

5) Insurance

Opinyon lang din ito. Hindi lahat ng tao ay kailangan ng additional na insurance. Life Insurance ang tinutukoy ko rito. Yung tipong pag natigok yung may-ari ng insurance plan, may matatanggap na pera ang kaanak. Paano kung mag-isa ka lang sa buhay?

Health Insurance pwede pa, lalo na kung sagot ng company. Mas mura yun at mas maraming benefits. Malamang may health insurance ka, basahin mo yung mga benefits mo para mamaximize mo.

Tsaka isa pa, may SSS, GSIS, PhilHealth at Pag-Ibig, Insurance din yun :). Maliit nga lang. What you need to do is alamin ang lahat ng benefits na pwede mo makuha sa SSS, GSIS, Philhealth at Pag-ibig. I-maximize mo.

‘Wag mo mamaliitin yung mga yun. Oo maliit ang pension ng SSS. Maliit ang makukuha mo sa PhilHealth. Pero maliit lang din naman ang bawas sa sahod mo kung maglalagak ka ng money dun.

OFW kasi ang parents ko. Aircraft Mechanic kaya ang papa ko sa Middle East dati. Laki ng kita nun. Pero hinulugan pa rin siya ng mama ko ng SSS. Laking tulong din naman, pandagdag din yun.

Baka kasi porke feeling mo may mas magagandang insurance, kakalimutan mo na ang SSS, PhilHealth, Pag-Ibig. May silbi rin yan. Kumuha ka pa rin. At isa pa, kumukuha rin yang mga government agencies na yan sa tax natin. Karapatan lang nating pakinabangan yan.

6) Karagdagang Kasabihan:

Do not trust other people on your money

Pera mo yan, ikaw dapat ang maghandle niyan.

Don’t tell anyone about your financial status

Wag mong irereveal kung magkano ang ‘financial worth‘ mo. ‘Wag mong sasabihin sa kanila na may money ka sa bank at kung magkano. Kung may magrequest man or may pangyayaring kinailangan na maglagay ka ng figure kung ilan ang pera mo ‘wag mo ilagay lahat, less than 50% ilagay mo. Alam mo naman, maraming mapagsamantala sa paligid. Lalo na kung bata ka pa at kumikita ka na. Alam kasi nila na wala pang experience ang mga kabataan, madali pa mauto kumbaga.

Wag mo iiinvest lahat

Dapat laging may matira sa ‘yo. ‘Wag mong itotodo. Kung mag-iinvest ka, wag naman yung tipong gugutumin mo na nag sarili mo sa pagtitipid. Wag mong ideprive ang sarili mo. Pero wag mo rin namang spoil ang sarili mo.

Kung di mo kailangan, wag mo bilhin

May mas mahalaga ka pang paggagamitan ng pera mo.

Give

Syempre ‘wag din madamot, lalayo ang grasya kung ganyan. Bigay-bigay din pag may time. Lalo na sa mga nangangailangan. Matutuwa si God kung mapagmahal tayo sa kapwa.

Natapos din ang litanya ng Ate Nina mo Froi. Yan na po lahat ang natutunan ko. Well wala pa pala dyan yung tungkol sa Multi-Level Marketing, Pyramiding at Networking. Haha. Pero nasesearch yan, paano mo malalaman kung Multi-Level Marketing ba talaga o Networking o Pyramiding ang nasa harap mo. Kaso masyado nang mahaba kung ikukwento ko pa yan sayo. Ang mahalaga na-share ko sayo yung mahahalagang bagay regarding sa Pera :).

Sana’y may natutunan ka Froi.

Nina