Main Menu

Pages - Menu

Saturday, 13 February 2016

Random sa Bisperas ng Balentayns



Excited na ako sa magiging luto sa ampalaya bukas!




         Valentine's na bukas pero nasa barko pa rin ako. Naalala ko nang nakaraang taon, nakapunta ako ng Dangwa para mamili ng bulaklak. Nang pauwi na (sa Fairview) medyo malayo nilakad ko at nakipambuno pa sa pagsakay sa bus. Nakarating naman ng di masyadong lamog ang mga bulaklak sa mga pagbibigyan. Doon ko na-realize na pwede pala akong maging delivery boy.


******

         Valentine's na bukas. Sabi ni second cook magluluto daw siya ng ampalaya. Iniisip ko naman kung anong magandang luto sa ampalaya. Yung usual na me itlog ba o ihahalo lang sa pinakbet? Wish ko lang na 'wag niyang kilawin ang ampalaya bukas.


******

         Valentine's na bukas. Pero ngayon pa lang andame nang PBB teens sa FB. Post ng mga bulaklak. Mga hart hart kuno. Mga pumuporeber. Bakit ba kasi nagiging overrated na ang February 14?!


******

         Nitong nakaraang araw me nakita akong post na picture ng "boypren" di umano ng sis ko. Naka-tag kay sis, me nakalagay na "Happy 5th Monthsary Mahal Koh." Yes, may "h" ampotek. Nag init mukha ko at nag-comment lang ng "Edi waw!" saka me emoji ng kamao at bungo.


******

         Dahil dun nakapagpost pa ako ng ganito sa wall ko: "Sa galit ko ngayon makakagawa ako ng atomic bomb mula sa tiniktik na kalawang. Tapos lalagyan ko ng ribbon. Then send ko senyo sa Valentine's."

******

         Sa kabila ng nag-aalab na damdamin nitong nakaraan, nakakatuwa rin dahil nakatanggap ako ng magandang balita. Approved na ang promotion ko. Yay!


******

         Valentine's na bukas pero nasa kwarto lang siguro ako ng buong maghapon. Magmo-movie marathon siguro o matutulog lang. O magpe-pretend lang  na ako ay isang bubuyog na nasa bingit na ng insanity dahil walang makitang bulaklak sa paligid.



Photo: Google Images

11 comments:

  1. Masarap naman ang ampalaya, ang hindi ko maintindihan bakit naging simbolo siya ng mga sawi o walang pag-ibig, dahil mapait? Hindi kaya. At ang gumawa ng bomb at ipadala, sige gunawa ka muna at oorder ako. At ang sister may monthsary na sila, inggit ba si kuya? Ha,ha,ha. Manood po ng horror movies tomorrow at wag mga love stories, baka tumalon kang bigla sa dagat niyan. Mag pi piyesta ang mga pating!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Para saan sir Jo at oorder ka ng bomba kung sakali?hehe

      Hindi naman naiingit sir Jo, nagagalit lang dahil dapat pag-aaral inaatupag nya.
      Ayun, nag-pool party lang kami kanina.hehe

      Delete
    2. Saya naman, pool party, puro talagang tubig, he,he. Ang order ko po eh para sa kapitbahay ko, lalayasan ko muna ang lugar na ito bago ko itanim.

      Delete
  2. Bitter much haha :)

    ReplyDelete
  3. Mas nairita ko sa pumupulandit na mga puso pagkiniclick ung 'view comments'!

    Welcome to Team Walang Forever!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Napansin ko nga rin Senyor. Pero me isang beses na nagclick ako tapos basag na puso yung lumabas. Dapat ganun na lang eh.haha!

      Delete
  4. Nung una, hindi ko na gets yung picture, akala ko atis, ampalaya pala lol :)
    Congrats sa iyong promotion! At sana mag enjoy sa ngayong feb. 14 hahaha.
    Basta ako... wala. Basta.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yun yung nakaagaw pansin sa akin nung tinype ko yung word na ampalaya sa Google.hehe
      Salamat ng marami Jep!

      Ok lang yan. Hindi ka nag-iisa.haha!

      Delete
  5. Ako naman e forever na bitter, totoong overrated na ang lahat dahil sa social media at hindi na talaga magandang tignn yhuuun. ou may letter "h" din yan, hahahaha.

    Congrats sa promotion! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wag namang ganun Steve.hehe. Sabi nga nila, me tamang panahon.

      Maraming maraming salamat!

      Delete