Main Menu

Pages - Menu

Thursday, 20 August 2015

Rhea's Reply

 Kuya,

          Alam ko galit ka pa rin sa akin dahil sa nagawa kong kasalanan. Sa tagal ng panahon ako'y nanahimik lamang dahil akoy natatakot at hiyang-hiyang sayo sa aking nagawang kasalanan. At ngayon lang ako nagkalakas ng loob upang humingi sayo ng kapatawaran.
 
           Kuya, sana patawarin mo ako sa lahat ng nagawa kong kasalanan.
 
           Alam ko na para sayo ay mahirap magpatawad lalo pa't sobra ko kayong nasaktan.

           Mapatawad mo man ako alam kong mahirap nang ibalik ang dating pakikitungo mo sa akin. Hindi ako magtatampo kung magbago man iyon . Dahil hindi naman kita masisisi sapagkat ako ang gumawa ng kasalanan. Kuntento na ako kung mapatawad mo man ako. 
          Ikaw na ang naging sandalan ng pamilya buhat ng nawala si Papa.Naging haligi ka na ng tahanan para sa ating mga kapatid. At sa espesyal na araw na ito ako'y bumabati sa iyo ng maligayang kaarawan. Wala man akong materyal na maibibigay sayo lagi naman kitang pinagdadasal na sana lagi kang gabayan ng Diyos sa iyong paglalakbay. Kahit sa isang munting mensahe naipaabot ko sayo ang aking taos pusong-pagbati at paghingi ng KAPATAWARAN.
 
 
 Rhea
 
 
   I was overwhelmed. It was the best birthday present a Kuya could ever receive.                             

8 comments:

  1. With the best gift you could ever give someone----forgiveness...

    Happy Birthday Bebefroi! :*

    ReplyDelete
    Replies
    1. Though hindi ko pa rin alam kung ano ang magiging reaksiyon ko pag uwi sa amin.

      Salamat ng marami Yccos!

      Delete
  2. Ulirang kapatid ka pala at sa batang edad ay naging haligi ng tahanan. Mahirap humingi ng kapatawaran at mas mahirap ibigay ang kapatawaran. Mapatawad man eh hindi naman malimutan. Sana, kahit na ang relasyon ninyong magkapatid eh nadungisan, maging paalala pa rin na pamilya pa rin kayo, iisang ama't ina, iisang dugo. At dahil tinanggap mo nang eto ang pinaka sa lahat ng puwede mong matanggap, mas bibiyayaan ka ng Panginoon.

    Maligayang kaarawan sa iyo at patnubayan ka lagi ng Maykapal. Isang karangalang maging kakilala mo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat po sir Jo. Naniniwala rin naman po ako na darating din ang oras na magiging mas maayos din ang lahat, at simula pa lang ito.

      mapalad din po ako at nakilala ko ang mga tulad ninyong blogger. Salamat at God bless. :)

      Delete
  3. Ang pinakamasarap sa paghingi ng tawad yung maapreciate yung ginawa niya.. saludo ako sayo Bro!

    ReplyDelete
  4. Patawarin na yan! naks. That forgiving heart by froi dencio

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas mabuting magpatawad steve sa personal. Sana lang at makausap ko siya ng maayos pag uwi ko. :)

      Delete