Minsan me mga taong pinapaalalahanan tayo ng
pagkahaba-haba. Madalas, mga magulang natin, kapatid o kaibigan. This time,
isang dating schoolmate sa hayskul ang nagPM sa akin dahil may sasabihin daw
siya. Nakakatuwa, dahil hindi ko inaasahan na ganito kahaba ang sasabihin niya.
Matapos kong mabasa, naisip ko na lang na blessed at lucky ako dahil may mga
taong handang gumugol ng kahit konting panahon para magbigay ng advice sa buhay
at magpaalala. Humingi naman ako ng permiso na i-post ito sa blog. At sana,
tulad ko, ay may matutunan din ang makakabasa.
Hi Froi,
Pasensya na at gumawa na naman ng liham ang Ate Nina mo. Gusto
ko lang i-share sayo na ito ang mga natutunan ko sa buhay. Sa tingin ko kasi,
may matututunan ka pagshinare ko sayo.
Alam mo Froi, hindi ako Finance graduate, galing lang ako sa
Computer & Business School at mahilig lang ako umattend ng Wealth Seminar.
At mahilig ako magbasa at magresearch (isama mo na rin ang mga ‘nagawa’ kong
experiment) tungkol sa kung paano ang tamang pag-gamit ng pera.
Ayaw ko na kasi maging mahirap. Pero syempre, kanya-kanyang
definition tayo ng word na ‘mahirap’ at ‘mayaman’. Hindi ko naman hinahangad
tumira sa Palasyo, makarating ng langit at manibago (may ganung factor? Ang
lupet! Hahaha). Basta ayaw ko lang magutom.
Ito yung mga natutunan ko Froi at sana magkaroon ka ng
idea.
1) Asset & Liability
Bago ka bumili ng kahit ano, isipin mo muna kung
Asset siya (magpapasok sa iyo ng pera) or Liability.
Halimbawa:
Bahay: Hindi porke marami kang bahay at lupain
mabuti na yun. Madalas nga lumulubog ka pa sa gastusin para i-maintain ang bahay
mo.
Asset siya kung dun ka nakatira. Liability kung di mo naman
siya tinitirhan. Isipin mo na lang kung ilang beses mo kelangang irepair ang
isang bahay, bayad mo sa tubig, kuryente tapos di mo naman ginagamit.
Kung marami ka namang bahay pa-rent mo na lang yung iba para
pasok pa rin ang pera. Yun din ang reason kung bakit may mga tao na bumibili ng
condo pero di naman sila doon nakatira. At least papasok ang pera hindi
palabas.
Syempre yung lupain mas maganda kung napagtatamnan mo siya or
nagagamit, basta wag mong hahayaan na nakatiwangwang lang.
Kotse: Ganun din, kung di mo ginagamit
liability siya. Ganun din sa cellphones. Kung di mo naman kelangan lahat ng
features ba't mo pa bibilhin? Kung kelangan mo lang ng phone, internet, calls
and texts pwede na yung mga phone na average lang. Tandaan mo na ang binibili mo
ay yung features hindi yung phone. Yung kelangan mo lang. Kung super ganda ng
specs tapos mura wag mo bilhin. Pag di mo kelangan, wag mong bilhin. Yun yun
:).
Pa-rent mo car mo, gawin mong taxi, pero iba magdadrive.
Nakapagbigay ka na ng trabaho para sa iba kumikita ka pa. At higit sa lahat
hindi nakatengga lang sa garahe ang kotse mo. Isipin mo na lang gagastos ka ng
100k para sa sasakyan tapos walang balik?
Lagi mong iisipin na pag may ginasta ka, dapat may
bumalik. Everything is investment. Naku wrong grammar ata ako
hahaha.
Last example para dito:
Time: Anong ginagawa mo sa spare time mo?
Kumikita ka ba? Nagpapahinga ka ba? Baka naman puro ka lang work? O kaya naman
kung saan saan mo lang tinatapon ang oras mo.
Ayon sa mga nakikita ko sa posts mo sa Facebook (kita mo Froi
na-analyze ko agad ang ginagawa mo sa time mo, hindi naman ako stalker hahaha),
mukhang tama naman ang ginagawa mo sa oras mo:
Travel – when you travel you meet people, new
places, you learn. Yung experience, mga na-meet mong tao, mga natutunan mo,
hindi napapalitan ng pera yun.
Education – education is investment. Tagal kaya
nating nag-aral ilang taon yun no. Kahit anong klaseng kurso pa yan, okay yan
lalo na kung maa-apply mo sa totoong buhay.
Exercise – syempre maiiwasan mo ang pagkakasakit pag
healthy ka di ba? Tipid din yun menos gastos.
Kaya sa susunod na makikipagkita ka with your friends at may
na-late, sabihin mo ganito: I invested 10minutes of my life waiting for you.
Ang dami kong pwede gawin sa 10 minutes na yun, ang daming nasayang sa akin
dahil sa pag-aantay sa inyo. I sacrificed 10 minutes of my life makasama lang
kayo, pinagpalit ko ang 10 minutes na pwede ako mag-exercise, mag-aral,
magtravel at kumita para lang sa inyo. Sana naiisip niyo rin ang mga sacrifices
ko para sa friendship na ‘to.
Ang sungit no? Haha. Hindi naman. Ang sinasabi ko lang mahalaga
din ang time. Ang pera napapalitan yan, kikitain mo rin yan, pero ang oras mas
mahalaga yan. Hindi napapalitan ang nawalang oras. Walang ‘refund’ ‘ika nga.
Kaya isipin mong mabuti how you should manage your time, who you spend your time
with, at what to do with your time.
2) Investment
Lahat ng sinabi ko sa taas investment yun. Pero magbibigay ako
sa iyo ng mga example. Ito ang mga gumugulo sa isip ko (magulo kasi isip ko kaya
yun na lang ang term).
Dito sa amin merong dalawang bagong tayong negosyo na
nangangailangan ng investors. Pupuntahan ko pa lang para malaman ang terms and
conditions nila. Kaya di kita mabibigyan masyado ng info tungkol dun. Pero
legitimate siya.
Una yung Ospital. May bagong tayong ospital
kasi dito, ngayon open sila sa mga mag-iinvest ganun.
Halimbawa, magbibigay ka sa kanila ng 10k tapos every year may
makukuha ka.
Pero lagi mong iisipin na investment yun, negosyo. Hindi lahat ng
oras kumikita ang negosyo. Pwedeng yung 10k mo by the end of the year maging 9k
(nalugi ng 1k) or maging 11k (kumita ka ng 1k). Pero sa isang banda naman kasi,
malugi or hindi service yun. Isipin mo ilan ang natutulungan ng ospital di
ba?
Pangalawa yung Gas Station. Kung iisipin mo,
walang luge sa gas station di ba? Pero syempre dahil gas station yun, malaki ang
ilalabas mong pera. Wala pa kong 100k hahaha.
Kung titingnan mo, parang ang mura naman ng ilalabas na pera
para sa Ospital at Gas Station na sinasabi ko. Kasi bagong tayo palang sila.
Hindi pa sila sikat.
Tingnan mo baka may makita kang ganyan sa probinsya. Tapos
magtanong-tanong ka. Tingan mo yung mga papers. Wag kang pipirma agad. Basahin
mo.
Kung wala kang tiwala sa sarili mo at utu-uto ka (gaya ko),
isipin mo na lang Froi na nauna akong naging utu-uto kesa sayo. At may
matututunan ka sa pakikinig sa mga nakatatanda sayo. Dahil ang mga naranasan mo
ay maaaring naranasan na nila. Well sa totoo lang yung iba mong karanasan sa
blog di ko pa naranasan. Iba yung version ko eh hahaha.
Tandaan mo to, i-apply mo sa buhay mo:
If it is too good to be true, then it is not
true.
Pag may nag-alok sayo ng negosyo at sinabing walang risk hindi
totoo yun. Pag sinabing dodoble ang pera mo sa maikling panahon, hindi totoo
yun.
‘Wag kang mag-iinvest o papayag sa mga bagay
na ‘di mo masyado maintindihan
Pag merong part na malabo atras ka kaagad. Pag di mo
maintindihan, atras ka kaagad. Mahirap pumasok sa isang bagay na hindi ka
sigurado lalo na kung involved ang pera. Naku guilty ako dito.
Ito naman ang
katangahan ko hahaha.
3) Savings
Saan ka nagse-save? Malamang may savings ka na kasi nag-uumpisa
ka na mag-invest. Ito ang mga natutunan ko sa mama ko at sa Wealth Seminars na
inaattendan ko. Example lang yung mga figures:
Pay Yourself First
Payday, kumita ka ng 10k (net). Bawas mo agad ang 1k (depende
sayo kung magkano, mahina ako sa Math kaya ganito na lang). Ilagay mo agad ang
1k sa bank.
Yung 1k na nasa bank ito yung hindi mo gagalawin. Hindi mo
gagalawin. I repeat Hindi mo gagalawin. Gagalawin mo lang ‘to pag emergency
talaga. Hindi emergency yung pagbili ng cellphone ha, emergency yung pag napilay
ka (oo nangyari ito sa akin nung January bad trip, bawas kayamanan), pag may
nagkasakit.
9k na lang natitira sayo. Bayaran mo yung mga dapat mong
bayaran. Renta, budget sa pamilya, baon ng mga kapatid, etc. Iba ang kaso pag
may utang ka, ibang usapan yun.
Kung ilang ang matitira yun ang budget mo until the next
payday. Mas madali pag ganito, kesa yung kung anong matitira sa sahod mo yun ang
ise-save mo.
Yung iba, iba naman ang technique. Yung iba, iba pa yung ipon
nila for retirement, iba pa para sa gala, maraming bank account, etc.
Pero ang mahalaga is Pay Yourself First, at
wag na wag mong gagalawin yung nasa bank ha? Emergency Fund
yun. Kung need mo ng bagong cellphone, pag ipunan mo pero wag mong ibabawas dun
sa pera sa banko. Pwede kang magkaroon ng dalawang emergency fund, isa sa bank
at yung nasa bahay lang – ito yung pang gala mo pangbili ng sapatos, damit,
etc.
‘Wag mong isiping selfish ka kung inuuna mong bayaran ang
sarili mo. Isipin mo na lang, pag nagkasakit ka, hindi mo na kailangan pang
bawasan ang budget mo para sa pamilya mo. Alangan namang humingi ka pa sa
pamilya mo pag may kailangan ka. Imbes na ikaw ang magbigay ikaw pa hihingi?
4) Budget for Health/Emergencies
Opinyon ko lang to. Para sa akin, ‘wag ka munang mag-iinvest
kung wala ka namang fund para sa emergencies.
Halimbawa bumili ka ng bahay at lupa, kikita ba agad yun?
Aabutin pa ng ilang buwan yun bago mo mabawi yung ginasta mong pera pambili. Or
worse, maaari ring hindi yun kumita kung nakatiwangwang lang. Sabihin na nating
pinarentahan mo yung house or lupa, one month pa mag-uumpisa magbayad yung
client mo (well sabagay nag-down naman sila pero di sapat yun). Paano kung may
nangyaring di maganda before mag 1 month? Alangan namang gipitin mo ang client
mo para magbayad agad. Paano kung malaking pera ang kelangan mo? Paano na? Wala
kang pang emergency.
Mag-set ka ng amount para sa Emergency Fund mo. Para pag may
nagkasakit may mahuhugot ka. Tapos pag meron na e di invest na :).
5) Insurance
Opinyon lang din ito. Hindi lahat ng tao ay kailangan ng
additional na insurance. Life Insurance ang tinutukoy ko rito. Yung tipong pag
natigok yung may-ari ng insurance plan, may matatanggap na pera ang kaanak.
Paano kung mag-isa ka lang sa buhay?
Health Insurance pwede pa, lalo na kung sagot ng company. Mas
mura yun at mas maraming benefits. Malamang may health insurance ka, basahin mo
yung mga benefits mo para mamaximize mo.
Tsaka isa pa, may SSS, GSIS, PhilHealth at Pag-Ibig, Insurance
din yun :). Maliit nga lang. What you need to do is alamin ang lahat ng benefits
na pwede mo makuha sa SSS, GSIS, Philhealth at Pag-ibig. I-maximize mo.
‘Wag mo mamaliitin yung mga yun. Oo maliit ang pension ng SSS.
Maliit ang makukuha mo sa PhilHealth. Pero maliit lang din naman ang bawas sa
sahod mo kung maglalagak ka ng money dun.
OFW kasi ang parents ko. Aircraft Mechanic kaya ang papa ko sa
Middle East dati. Laki ng kita nun. Pero hinulugan pa rin siya ng mama ko ng
SSS. Laking tulong din naman, pandagdag din yun.
Baka kasi porke feeling mo may mas magagandang insurance,
kakalimutan mo na ang SSS, PhilHealth, Pag-Ibig. May silbi rin yan. Kumuha ka pa
rin. At isa pa, kumukuha rin yang mga government agencies na yan sa tax natin.
Karapatan lang nating pakinabangan yan.
6) Karagdagang Kasabihan:
Do not trust other people on your money
Pera mo yan, ikaw dapat ang maghandle niyan.
Don’t tell anyone about your financial status
Wag mong irereveal kung magkano ang ‘financial worth‘ mo. ‘Wag
mong sasabihin sa kanila na may money ka sa bank at kung magkano. Kung may
magrequest man or may pangyayaring kinailangan na maglagay ka ng figure kung
ilan ang pera mo ‘wag mo ilagay lahat, less than 50% ilagay mo. Alam mo naman,
maraming mapagsamantala sa paligid. Lalo na kung bata ka pa at kumikita ka na.
Alam kasi nila na wala pang experience ang mga kabataan, madali pa mauto
kumbaga.
Wag mo iiinvest lahat
Dapat laging may matira sa ‘yo. ‘Wag mong itotodo. Kung
mag-iinvest ka, wag naman yung tipong gugutumin mo na nag sarili mo sa
pagtitipid. Wag mong ideprive ang sarili mo. Pero wag mo rin namang spoil ang
sarili mo.
Kung di mo kailangan, wag mo bilhin
May mas mahalaga ka pang paggagamitan ng pera mo.
Give
Syempre ‘wag din madamot, lalayo ang grasya kung ganyan.
Bigay-bigay din pag may time. Lalo na sa mga nangangailangan. Matutuwa si God
kung mapagmahal tayo sa kapwa.
Natapos din ang litanya ng Ate Nina mo Froi. Yan na po lahat
ang natutunan ko. Well wala pa pala dyan yung tungkol sa Multi-Level Marketing,
Pyramiding at Networking. Haha. Pero nasesearch yan, paano mo malalaman kung
Multi-Level Marketing ba talaga o Networking o Pyramiding ang nasa harap mo.
Kaso masyado nang mahaba kung ikukwento ko pa yan sayo. Ang mahalaga na-share ko
sayo yung mahahalagang bagay regarding sa Pera :).
Sana’y may natutunan ka Froi.
Nina