Hinawakan ko ang doorknob upang buksan ang pinto 
at makita kung sino ang nasa likod nito. Sumilip ng bahagya sa siwang.  Madilim 
sa alleway subalit naaaninag ko pa rin ang hugis ng tao na unti-unting 
lumapit sa akin.
      “Bulaga!” 
      Napansin na rin siguro ako ng taong kanina pa nagtatago 
sa likod ng pinto, at inunahan na akong gulatin. Sa boses pa lang niya ay 
nakahinga na ako ng malalim. Hindi iyon boses ni Sir Ken, o ng gwardiya. Boses 
iyon ni Manlangit. Xander Manlangit, kapwa namin kadete na taga-kabilang 
kwarto.
      “Baliw ka! Ba’t nagtatago ka diyan? Pinakaba mo naman 
kami dito.”
      “Hindi ako makatulog eh. Tapos nakarinig ako ng ingay sa 
kwarto niyo, kaya nag-usisa ako.” paliwanag niya.
      “Sige pumasok ka na dito sa loob at baka mahuli tayo ng 
nag-roroving na guard,” alok ko sa kanya.
      “Teka lang, ano ba kase ang pinagagawa niyo eh TAPS time 
na?”
      “Andameng tanong? Pumasok ka na lang kaya at nang malaman 
mo.”
      Sinarado ko na ang pinto at ni-lock iyon. Sinalubong 
naman si Manlangit ng mainit na biruan at isang balot ng Chippy at umupo sa tabi 
ni Fuego. Sa pagkakataong ito, wala ng gugulo pa sa agos ng kwentuhan namin. 
Bumalik ako sa dati kong kinauupuan at nagsimula na ring magkwento si Delgado, 
Carvajal at Escalona.
Butas
      Fourth year high school ako noon. Isa sa mga 
pinagkakakitaan ng pamilya namin ay ang boarding house na pinaninirahan 
ng mahigit sa labing-apat na female boarders. Oo, mga babaeng 
boarders. Ideya iyon ni Mama dahil mas mabuti raw na mga babae ang 
maninirahan sa bahay, hindi magugulo at hindi makalat. Tumagal din ang boarding 
house na iyon, at totoo ang sinabi ni Mama. Hindi nga ganun kagulo ang naging 
itsura ng bahay.
      Bago ko pala makalimutan, yung boarding house eh 
parte rin ng bahay namin. May pitong kwarto kase lahat doon. Yung ibang hindi 
namin nagagamit, pinapaupahan sa mga kolehiyala dahil malapit lang naman kami sa 
isang college sa lugar namin, mga walking distance lang 
siguro. Sa totoo lang, inosente pa ako noon sa mga bagay-bagay na nagaganap 
sa boarding house. Hindi ako masyadong nakikipag-usap sa mga boarders 
dahil naaasiwa ako minsan. Pero may napansin akong pangyayari at masasabi kong 
nakaadikan ko na rin sa dakong huli.
      Isang umaga, naisipan kong pumunta sa likod-bahay. 
Nalimutan ko na kung ano ba sana ang gagawin ko noon. Sa paglalakad ko, nakita 
ko ang kapatid kong lalaki na hindi malayo ang edad sa akin na may sinisilip sa 
isang butas sa pader sa likod ng bahay namin. Tinanong ko siya kung ano ang 
ginagawa niya ngunit sa halip na sagutin ako, sumenyas siya na tumahimik ako at 
lumapit na lang sa kinaroroonan niya. Pagpunta ko sa kanya, bumulong siya sa 
akin na sumilip sa butas sa pader. Agad naman akong sumunod. At sa pagsilip ko, 
hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko nang makita kung ano ang nasa likod ng 
pader.
      Literal na nangatog ang tuhod ko noon. Pinipilit kong 
ayusin ang pagtayo ko ngunit hindi talaga. Ayaw sumunod ng mga tuhod ko. Natawa 
na lang sa akin ang kapatid ko at sinabing iiwanan na lang daw niya ako. Naiwan 
nga akong mag-isa doon, nanginginig pa rin ang tuhod, at nagpapakabusog sa 
larawang tumatambad sa harap mismo ng mga mata ko.
      Napapaisip kayo kung ano ang nakita ko dun ‘no? Sige, 
sasabihin ko ang sitwasyon. Yung butas kasing iyon sa pader ay tumatagos sa 
common CR ng boarders namin. Dinadaanan iyon ng tubo ng gripo na hanggang bewang 
ang taas. Kung nasa loob ka ng CR, hindi mo mapapansin ang butas. Kapag nasa 
labas ka naman, kitang-kita mo ang kabuuan ng taong naliligo, depende sa 
posisyon mo. Sa unang silip ko, bewang pababa ang nakita ko, kaya siguro 
nangatog talaga ang tuhod ko. Mautak din ang kapatid ko. Nilagyan niya ng takip 
na pwedeng tanggalin ang butas para hindi mapansin ng iba sa labas.
      Hindi lang isang beses na ginawa ko ang bagay na iyon. 
Sinundan pa ito ng dalawa, tatlo, at marami pang beses. Hindi na rin ako 
nakuntento sa butas na iyon. Naging mausisa ako at nadiskubre ko na may mga 
butas din pala sa kisame ng mga kwarto ng boarders namin, thanks to my 
brother. Natatawa ako kapag naaalala ko iyon dahil bawat butas, may 
pangalan: may butas para kay boarder Thelma, para kay Nadia, para kay 
ganito at kay ganyan. Dahil sa mga butas na iyon updated ako sa OOTD ni 
MJ, ni Carla at ni Kristine. Kung may pop quiz din siguro sa kulay ng 
mga undies nila, perfect ang score na makukuha ko.
      Nang dakong huli nga, hindi na ako nakuntento sa mga 
boarders namin. Dumayo na ako sa kapitbahay naming may mga boarding house din at 
humanap ng mga butas na maaaring silipan. Hindi ako na-disappoint at nakasilip 
nga ako sa mga butas sa kapitbahay. Kalahati nga ata ng populasyon ng mga 
boarders sa lugar namin ay nasilipan ko na.
      Akala ko noon hindi na talaga ako maaawat sa ginagawa ko. 
Nakakaramdam na rin ako ng guilt pero pinagpapatuloy ko pa rin eh. Pero dahil sa 
isa na namang pangyayari, nagising ako at narealize ko na kailangan ko na 
talagang tumigil. Isang umaga, habang isinasagawa ko ang aking modus 
operandi sa isa sa mga butas sa boarding house namin, nahuli ako ng isang 
boarder. Nakita niya na naninilip ako habang nagpapalit ang isa niyang 
kasama sa kwarto. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko noon. Nakita ko ang 
takot sa mga mata ng mga boarders na iyon nang malaman nilang ako ang naninilip, 
dali-dali akong pumunta sa kwarto ko, kinakabahan.
      Isang malaking kahihiyan para sa mga magulang ko ang 
ginagawa ko at katakot-takot na mga bagay ang maaaring mangyari sa akin kapag 
nalaman nila ang ginawa ko. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at sinimulan ko 
nang ilagay sa bag ang mga damit ko. Kapag natapos nang magsumbong ang tatlong 
boarders na iyon, lalayas  ako.
      Hinihintay ko na lang ang oras na itakwil ako o palayasin 
ng mga magulang ko. Lumipas ang bawat minuto na sa pakiramdam ko ay singhaba ng 
sandaang taon pero wala naman akong narinig na nagwala sa galit o tumatawag sa 
pangalan ko. Umalis na nga ang tatlong boarders, nagkita kami ni Mama, ngunit 
parang hindi naman siya galit sa akin. Nagtataka ako kung bakit at nalaman ko na 
lang na hindi sila nagsumbong tungkol sa pinagagawa ko. May matitirhan pala 
silang kamag-anak ang naging rason ng biglaang pag-alis nila sa bahay, sabi ni 
Mama. Ayun nga, nakahinga ako ng malalim at nag-thank you kay Lord. Nang matapos 
ang fourth year at lumipat ako sa partner school ng 
company natin sa college, naiwan na sa lugar namin ang mga 
alaala ng mga butas para kay boarder Thelma at  Nadia. Naging gintong 
alaala na rin ang naging OOTD ni MJ, ni Carla at ni Kristine. Pati na 
ang mga undies na bumusog noon sa aking paningin.
Masahe
      Naaalala ba ninyo yung isang linggong bakasyon natin 
noong Oktubre? Yung hindi maaaring umuwi sa probinsya lalo na kung sa Mindanao o 
Visayas kaya dapat may mag-aampon pansamanta na taga Luzon mula sa mga lugar na 
iyon? Pwes, sa panahong iyon nangyari ang ikukwento ko sa inyo. Sa Las Pinas ako 
tumutuloy at si Ervin (kabatch naming taga Engine Department) ang 
naampon ko. Wala naman kaming masyadong ginawa sa bahay ng tita ko, halos kain 
at tulog lang. Lumalabas din kami minsan, gagala sa mall tapos uuwi 
naman agad. Pero may isang pagkakataon na ginabi na kami ng uwi dahil may 
nadaanan kaming lugar na hindi naman talaga namin planong puntahan.
      Galing yata kami noon sa MOA. Pagkababa namin ng bus, 
napagpasyahan nalang namin na maglakad ng  pauwi sa bahay ng tita ko, kahit na 
labinlimang minuto pa iyon galing sa pinagbabaan namin at medyo pagod na rin. 
Weird no? Pagod na nga nakuha pang maglakad. Iniisip rin kasi namin na matagal 
pa ulit bago kami makalanghap ng hangin sa lungsod kapag bumalik na kami ulit sa 
institute. Kaya naglakad nga kami, inubo sa daan dahil sa usok, at mas nanakit 
pa ang mga paang kanina pa nangangalay.
      Sa paglalakad namin ng gabing iyon, naisip ni Ervin na 
magpamasahe daw kami. Brilliant idea, sabi ko. Hindi pa ako 
nakakapagpamasahe sa labas. Kung sakali man, ito ang unang pagkakataon. 
Tamang-tama din sa mga nanakit naming kalamnan. Kaya nagsimula kaming maghanap 
ng massage parlor.
      Napasuot kami noon sa kung saan-saang eskinita na di ko 
pa naman napupuntahan dati. Sa ilang minuto ng paghahanap, nakakita kami ng 
karatulang may aandap-andap na liwanag. Massage parlor. Sakto. Di na 
kami nag-atubili at agad na pumasok. Napansin namin na sa bukana, may mga 
lalaking malalaki ang katawan. Medyo madilim sa loob at hindi ako komportable sa 
atmosphere ng lugar, kahit na sounds of nature ang maririnig 
sa background at may mga nakasulat na mga Bible verses sa 
dingding.
       “Vin, mali ata ‘tong napuntahan natin.”
       “Panung mali, eh malinaw naman sa karatula diba? 
Tanungin natin si kuya.” nilapitan namin ang isang lalaking nakauniporme na 
nakaupo sa isang mesa sa reception area.
      “Kuya magpapamasahe po. Magkano po?”
      “Ok mga sir. Anong type ng lotion ang gusto nyo?”
      Type talaga ng lotion?, isip-isip ko. Wala akong 
alam na may mga type din pala yun. “Kahit ano po, kayo na po ang bahala.” 
naisagot ko.
      “300 pesos lang po.”
      Inabot namin ang bayad at pinaghintay niya kami sa 
waiting area nila. Tatawagin nalang daw kami para sa massage 
session. Unang tinawag si Ervin. Sinamahan siya ng isang lalaki papunta sa 
pangalawang palapag. Doon yata siya mamasahiin. Naiwan akong mag-isa sa 
waiting area. Maya-maya pa ay dumating na rin ang magmamasahe sa akin. 
Mas malaki pa sa akin si kuya. Pero mukhang hindi naman kami nagkakalayo ng 
edad.
      “Sir halina po kayo. Dito po tayo sa Room 5.”
      Sumunod ako sa kanya patungo sa kwartong sinasabi 
niya.
      “Sir paki-secure nalang po ng mga personal 
things ninyo. Tapos hubarin nyo nalang din po ang suot ninyo. Aalis lang po 
ako saglit at babalikan ko kayo.”
      Pagkaalis niya ay inayos ko ang mga gamit ko sa isang 
sulok na makikita ko. Hinubad ko rin ang suot ko ngunit tinira ang 
damit-panloob. Umupo ako sa isang maliit platform na maaring higaan sa 
gitna ng kwarto habang hinihintay siya. Hindi nagtagal ay dumating na rin siyang 
may dalang kung anu-anong basyo ng mga lotion ata.
      “Sir sabi ko po hubarin nyo ang suot niyo.” napansin nya 
na may suot pa akong briefs. “Huwag na po kayong mahiya, pareho naman 
po tayong lalaki dito.” napangisi pa siya.
      Adik. Sa isip-isip ko. Ano ‘to physical 
examination? Huhubarin ko ang briefs ko basta siguraduhin mo na you’re not gonna 
probe me with your fingers. Tumalikod ako sa kanya at hinubad ang huling 
saplot na bumabalot sa kabuuan ko. Napansin ko na may tuwalya sa tabi at kinuha 
iyon. Ok lang naman siguro na balutin ko ang exposed na balat ko mula bewang 
pababa. Hindi na niya ako sinita, pinadapa nya na lang ako sa 
platform, at sinimulan nya na akong masahiin.
      “Sir ano pong gusto nyong massage? Yung 
hard po o soft?”
      Aba. May options din pala ang pagmamasahe. May mga 
degree din ata ng force na inaaplay sa bawat level. Dyahe kung sobrang hard baka 
mapilay pa ako. “Soft lang kuya.” yun lang ang naisagot ko sa kanya.
       Sinimulan nyang lamasin ang balikat ko. Gumapang ang mga 
kamay niya sa likod ko pababa at tinanggal ang tuwalya nakatakip sa 
buttocks ko. The hell. Hinayaan ko na lang na gawin niya ang 
trabaho niya. Sino ba naman ako para kumontra. Ni wala nga akong ideya tungkol 
sa mga pinapahid na lotion na yan, sa tamang paraan ng pagmamasahe pa kaya.
       Ilang minuto din ang lumipas sa pagmamasahe niya sa 
akin. Ang inaasahan kong soft ay naging hard ata. O baka ‘yun 
ang standard soft nila. Mabigat ng kamay ni kuya, nagigil sa mga 
kalamnan ko. Parang nagmamasahe lang ng harina. Ilang ritwal pa ata ang ginawa 
niya bago niya sinabing tapos na daw ang massage session namin. Nang 
matapos na, may tinanong siya sa akin.
      “Sir gusto niyo po ng extra?”
      “Anong extra?” tanong din ang naisagot ko. Pagkatapos 
mong ituring na parang harina ang kalamnan ko mag-aalok ka pa ng extra? sa 
isip-isip ko.
       “Si sir naman, alam niyo na po ‘yun.”
      Alam ko na raw. Hala, ano kayang alam ko sa mga extra 
extrang yan. Saka wala naman akong nakitang mga extrang services o promo na 
nakasulat sa dingding. Kuya first time ko lang po magpamasahe sa ganitong 
lugar.
      “Hindi ko po alam kuya. Ano bang extra niyo dito?”
      “Yung ano po, mamasahiin ko po yung sa inyo.”
      “Ano?! Mamasahiin ang ano ko?!”. Nagulat ako sa sinabi 
niya at napalakas ata ang pagkakasabi ko nun.
      “Shhh.. Sir ‘wag po kayong maingay, pabulong lang po, 
baka mabisto tayo.”
      Great. As if may ginagawa tayong kung ano.
      “Hi-hindi na po kuya. Solb na ako sa massage 
ninyo. Salamat na lang po.”
      “Sige po sir. Pwede na po kayong magbihis.”
      Habang nagbibihis ako ay umalis na rin siya dala ang mga 
boteng dinala niya  kanina. Inayos ko ang mga gamit ko at pumunta sa waiting 
area upang hintayin si Ervin. Hindi lang pala ito simpleng massage 
parlor. There is something going on here. Maya-maya ay dumating na rin si 
Ervin. Tinanong ko siya kung may inalok sa kanyang extra ang masahista. Meron 
daw, sabi niya, pero tumanggi din siya tulad ko. Mabuti daw sana kung babae ang 
nagmamasahe, baka pumayag siya.
      Hindi na kami nagtagal pa sa massage parlor na iyon. Pero 
sa daan palabas, nakatayo ang mga nagmasahe sa amin. Parang hinihintay kami. 
Muli, wala na naman akong ideya sa nangyayari pero sinabihan ako ni Ervin na 
magbigay daw kami ng tip. Nang makalayo na kami, naiisip ko kung ano 
ang role ng mga mamang malalaki ang katawan sa entrance ng 
massage parlor: ang siguraduhin na magbibigay ng tip ang 
customers. Hindi rin nagtagal at nakabalik na kami sa bahay ng tita ko, 
handa ng magpahinga para sa byahe kinabukasan pabalik dito sa Cavite.
Mr. Assimo
      Ang kwento ko naman ay tungkol sa pagsakay ko noon sa 
bus, simula ni Escalona. Papunta ako noon sa Maynila galing Batangas. Doon ako 
umupo sa dulo dahil marami pa namang bakanteng mauupuan. Pinuwesto ko ang sarili 
ko sa pangdalawahang seat, mabuti na yung solong-solo ko ang parteng 
iyon ng bus sa byahe.
      Tumingin-tingin ako sa paligid. Sa kabilang 
seat, may nakita akong dalawang chicks. Dun sana ako 
umupo, sabi ko sa sarili ko. Nagulat na lang ako dahil di nagtagal 
nagtukaan ang dalawa. Deym. Umiwas nalang ako ng tingin at inantay ang 
pagpunta ng konduktor sa kinauupuan ko. Pagdating niya, binigay ko ang bayad at 
tinanong niya ako: “Isa lang po ba kayo?”
     Pakiramdam ko noon natigil ang oras. Tumigil sa pagtakbo 
ang bus, tumigil ang kilos ni Manong Konduktor at tumigil ang paglalampungan ng 
dalawang chicks sa kabilang upuan. Tumingin ako sa bakanteng upuan sa 
kanan ko, sa sariling kinauupuan at kay manong. Naka-Mr. Assimo mode na ako.
       “Bakanteng upuan ang nasa kanan ko at mag-isa lang 
ako dito. Binayaran kita ng hindi sasapat para sa dalawang tao… Ay hindi. Hindi 
ako nag-iisa. Dalawa nga kami dito. Pangalan ng kasama ko si Natty. Manong 
konduktor meet Natty. Natty meet Manong Konduktor. Actually guni-guni ko lang 
sana siya, kaso binigyan niyo ng buhay eh. Manong naman, siyempre mag-isa lang 
ako. Halata naman di ba?”
      “Kuya?”
      Napabalikwas ako. Nasa real world na pala 
ako.
      “Opo manong. Mag-isa lang ako.”
      Inabot niya sa akin ang sukli at ko sinilid iyon sa bag 
ko. Naisip ko na lang na minsan hindi napapansin ng iba ang obvious. Tapos 
obvious na nga, itatanong pa. Ayun, natulog ako sa bus at paggising ko, Maynila 
na.
*****
      “Anong kwento naman yun Escalona!” si Manlangit. “Ganun 
lang?”
      “Bakit may reklamo? At least may nakwento.” depensa ni 
Escalona. “Ok, sino na ang susunod?” 
      “May apat pang natitira. Wag niyong masyadong madaliin 
ang tsitsirya natin dahil paubos na,” si dela Cruz.
      Napansin ko na paubos na nga ang nginangata namin. 
Lumalalim na rin ang gabi. Masaya ako ngayon dahil kahit huling gabi na namin sa 
Room 107, nagawa pa rin naming gawing memorable ang sandaling ito ng pagsasama 
namin sa Institusyon. Napangiti ako, habang hinahantay ang susunod na ikukwento 
ng ilan pa sa mga kasamahan namin.
Photo: Credits to the owner.

hahaha... mr. assimo mode is <3
ReplyDeleteI lived in an all-girls dorm din nung college, wala talagang lalake sa bahay na yun except dun sa owner na hindi rin naman napadpad sa side ng aming rooms. I wonder if there had been any holes in there.... waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! hahaha
true! hehe.
DeleteSa tingin ko nga rin strict ang mga all-female boarding house kahit sa pagtanggap ng mga boarders ng mga bisitang lalaki. Sa case naman ni Delgadz, naisip niya rin talaga siguro later on na "every hole is a goal." wahaha!
Isang bosero, isang experimental, at isang may temperament issues. *hahaha* Siyempre alam mo na siguro kung aling storya ang pinaka-gusto ko. ;)
ReplyDeleteIkaw ba Papa Froi, naranasan mo na bang masahiin ng lalaki?
Siyempre alams na! wahaha!
DeleteOo, naranasan ko na, pero hindi sa massage parlor kundi sa dorm. Nagpapamasahe ako noon sa mga juniors namin dahil ganun din ang pinagawa sa amin ng mga seniors dati. Pero bihira ko lang gawin yun, dahil delikado ako kapag minamasahe: malikot tapos galaw ng galaw, minsan nga natatadyakan ko yung nagmamasahe. Alam mo kung bakit? Pinanganak yata kasi akong puro kiliti sa katawan. hehe
Sa'kin ka magpamasahe, Papa Froi. Hindi ka makikiliti, puro sarap lang. *hihi*
DeleteHahahaha.. Alam na! :D :D
Delete