“Walang manloloko kung walang magpapaloko,” sabi nga ng isang kasabihang Pinoy. Minsan katangahan lang talaga at poor judgment ang pinapairal ng tao kaya lagi siyang naloloko. Minsan naman, kahit anong ingat ng isang tao para hindi siya maloko, dumadating pa rin sa puntong maloloko at maloloko siya. Tutal magpa-Pasko naman, siguradong marami ang magte-take advantage sa sitwasyon at manloloko na naman ng kapwa nila (though same applies to everyday situation). Ngayon, kapag intentional na naisahan ako ng kapwa ko, hindi ko sila pinagmumura o sinusumpa. Pinapakulam ko sila (just kidding). Sinasabi ko na lang na baka mas nangangailangan sila o di kaya’y bahala na si Lord sa kanila. Kapag naman bigla kong narealize na super katangahan na talaga ang pinairal ko, bumubuntong-hininga na lang ako. Haist.
Appearance can be deceiving; a fruit can look so delicious but in reality,
it doesn’t even appeal to your taste buds